"MABUTI naman at pinayagan ka ng Papa mo na makabalik kayo dito, mars," wika ni Ninang Lara nang makabalik sila ni Gale sa Quezon Province. "Kung alam ko nga lang ang bahay n'yo sa Cebu, sinundan na namin kayo ni Ninang Olyn." "Gusto niya akong ipakasal pa rin kay Marsean, bestie. Natakot ako na baka kung ano pa ang maisipan niyang gawin para lang matuloy ang kasal namin." Malungkot na napailing si Jianna. "Hindi pa rin siya nagbabago." "Grabe naman pala talaga ang Papa mo na 'yon. Namroroblema ka na nga kung saan o kung ano na ang nangyari kay Sir Luther, eh. Tapos gusto pa niyang ipakasal ka sa lalaking hindi mo naman gusto," dismayadong sagot din ni Ninang Lara. "Oo nga pala, mars. Ano na ang balita sa paghahanap natin kay Luther?" kapagkuwan ay usisa niya sa kaibigan. "May good n

