"HINDI na pala matutuloy ang kasal nina Marsean at Stephie." Napahinto sa akmang pagsubo ng pagkain si Jianna nang marinig ang sinabing iyon ng kaniyang ama habang kumakain sila ng agahan. "Nanay, Lolo, okay lang po ba kung pupunta na po ako sa garden? Magdidilig lang po ako ng plants," kapagkuwan ay paalam ni Gale kaya hindi agad siya nakasagot sa ama. Naging routine na kasi tuwing umaga ni Gale ang pagdidilig ng mga halaman sa hardin. "Sure, anak. Basta huwag lang malikot kasi busog pa, ha?" paalala niya rito. "Opo, nanay!" magalang naman nitong sagot bago humalik sa kaniyang pisngi. Humalik din ito sa pisngi ng abuelo bago tuluyang lumabas ng bahay. Nang mawala sa kaniyang paningin si Gale ay saka lang niya hinarap ang ama. "None of my concern, Pa," malamig na tugon ni Jianna.

