“MARSEAN, ano ang ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Jianna sa lalaki nang makaalis ang katulong. Napatitig siya rito. Actually, her dad was right. Wala na siyang hahanapin pa kung isang Marsean Caballero ang pakakasalan niya. Handsome and rich. Mas bata itong tingnan kahit ang laki rin ng agwat ng kanilang mga edad. Mabait din naman ito. Kaya nga maraming babae rin ang nangangarap na masungkit ang lalaking kagaya nito. Pero ang sabi nga, mahirap turuan ang puso. Kahit gaano pa kaguwap, kabait o kayaman ang isang tao kung hindi mo talaga gusto, hindi mo talaga magugustuhan kahit kailan. “Kumusta ka?” imbes ay tanong nito sa kaniya. “Maayo ra,” Ayos lang. malamig na tugon ni Jianna. “What are you doing here?” tanong niya uli. “Nabalitaan ko kasi na nakauwi ka na raw. Na hindi

