HULING ARAW nina Jianna at Luther sa luxurious hotel na iyon. Nag-almusal sila sa rooftop restaurant habang ine-enjoy ang magandang tanawin ng skyline. Habang pinagsisilbihan sila ng mga piling empleyado ay hindi maiwasan ni Jianna na mapansin ang mga empleyado ng hotel na tila iginagalang si Luther. Todo-asikaso ang mga ito sa kanila. Sobrang galang pa kung tratuhin ito. Kahit noong bagong dating sila rito, napansin na ni Jianna na napakabait at napakagalang ng mga staff na sumalubong sa kanila ni Luther. Hindi naman niya iyon pinansin. Ngayon lang niya hindi mapigilang magkomento kung kailan nakadalawang araw na sila. At lahat ay napansin na niya. Katulad na lang ng waitress na lumapit sa kanila. “Good evening, Sir, Ma’am. Is everything okay with your breakfast so far? Can I recom

