JIANNA and Luther sat at their table, surrounded by the elegant vibes of the fancy Filipino restaurant. Pareho silang namimili sa menu book ngunti paminsan-minsan nilang sinusulyapan ang isa’t isa na punong-puno ng pagmamahalan. “Ano ang gusto mo?” malambing na tanong niya kay Luther kapagkuwan. “Puwede bang ikaw?” nang-aakit na sagot nito, sabay kindat. “For dine-in and take-out.” Sinipa niya ang paa nito mula sa ilalim ng mesa at tiningnan nang masama. “Ang landi mo talaga. Nakakahiya kapag may nakarinig sa’yo.” Ngunit tinawanan lang siya nito. “Gusto ko talaga ng steak pero mas gusto ko pa rin ang mga labi mo,” hirit na naman nito na ikinangiti na lang ni Jianna. Aminado naman siya na kinikilig rin siya sa simpleng banat ni Luther. “What else?” tanong pa niya. “Ang dami ko ng

