KABA

1731 Words

DAHIL masiyadong abala sa isa’t isa kaya hindi napansin nina Jianna at Luther na paubos na pala ang grocery nila sa apartment. Nalaman niya iyon nang makaalis na si Luther para pumasok sa trabaho. Maraming kulang na sangkap para sa lulutuin niya sa hapunan kaya napilitan siyang lumabas. Ayaw naman niyang iutos pa kay Luther dahil siguradong pagod na ito sa trabaho para dumaan pa sa grocery store. Naaawa rin siya na uuwi ito na wala pang lutong pagkain. Isa pa ay wala na rin siyang stock na para sa personal hygiene niya kaya wala talaga siyang choice kundi ang lumabas at mag-grocery. Bago umalis ay nag-ayos muna nang mabuti si Jianna. Tanghali iyon, maliwanag pa. Mahirap na at baka may makasalubong siyang kakilala na mamukhaan pa rin siya kahit naka-disguise na siya kapag hindi niya ina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD