“JIANNA! Bestie!” Napahinto sa paglalakad si Jianna nang tawagin siya ni Ninang Lara na nakapuwesto na sa stall nito. Hindi na sana siya dadaan dahil nagmamadali siya. Ilang minuto na lang at male-late na siya. Bukod sa pinuyat siya ni Luther kagabi, umuwi pa siya para magbihis dahil wala siyang dalang uniform. May pasok din sa eskuwela si Gale. Pero inihatid naman sila ng ama nito. Sabay nga rin silang pumasok pero dahil ayaw niyang pag-usapan sila kaya bumaba na si Jianna bago pa man sila nakarating sa mall. Hindi nga sana siya papayagan nito pero nagpumilit lang siya. “Puwede bang mamaya na lang tayo mag-usap? Baka ma-late ako, eh,” agad na sabi niya sa kaibigan. Siguradong marami itong itatanong kaya mahaba-haba ang kuwentuhan nila. “Hindi. Ngayon na. Hindi ka makakaiwas sa’kin,

