"ANO?! Bakit naman gagawin ng nanay mo 'yon sa'yo?" bulalas ni Jianna kaya bumalik sa kasalukuyan ang iniisip ni Luther. Nanlalaki ang mga mata nito na hindi makapaniwala. "Sinuntok mo ba talaga ang asawa niya? Pinatay mo ba talaga?" Luther looked down. "Yes... I punched her husband when I saw him hurting her. Hindi ko kasi kayang makita siya na sinasaktan ng asawa niya kahit gano'n siya sa'kin. At akala ko matutuwa na siya sa'kin kapag tinulungan ko siya at ipinagtanggol. But she got mad at me instead." Napailing siya nang tumingin siya rito. "Sa tingin mo, kaya ko ba talagang pumatay?" Jianna's face contorted in anger. "I'm sorry, Luther. But that woman, I mean your mom, is crazy! Paano niya nagawa 'yon sa sarili niyang anak? Wala ba siyang puso?" Galit na napailing ito. "Oo. Ilang b

