"Oo nga, what's great about you. Alam mong kami ang isa sa pinagkakatiwalaang galamay ng big boss namin. We do our part at sana lang ay alamin mo ang limitasyon mo!" Hindi mapigilang sumabat ang isang late Xiantian Realm Expert habang sa palagay nito ay sumusobra na rin ang binatang lalaking nakasuot ng ginintuang roba sa mga pinagsasabi nito. Kung tutuusin ay masasabi nilang wala naman silang kasalanan na malaki. Ang tanging kasalanan lamang nila ay hindi nila ito mahanap man lang dahil halos nalibot na rin nila ang buong lugar na ito. Sobra-sobra na itong pabor kung tutuusin. "Hmmp! Hindi ko aakalaing ang yabang mo na eh ni hindi ka pa nakakaupo sa trono ng ama mo ngunit ganyan na ang asal mo?!" Sambit naman ng isa pang lalaking Late Xiantian Realm Expert habang makikitang hindi na rin

