Tila gumuhit ang inis sa mukha ng binatang lalaking nakasuot ng ginintuang roba habang tila dumilim ang mukha nito habang pinapakinggan ang sinasabi ng grupo na para sa kaniya ay mga mahihinang martial artists lamang ang mga ito. "Hmmmp! Makikita niyo ang hinahanap niyo. I will prove to all of you that I am capable enough to do this kind of big tasks. Hanapin niyo siya. Itaga niyo yan sa bato!" Seryosong sambit ng binatang lalaking nakasuot ng ginintuang roba sa malakas na boses. Pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang ito ay mabilis itong naglaho sa kadiliman ng lugar na ito. Mistulang ikinubli siya ng dilim ng lugar na ito mula sa paningin ng lahat. ... "Ang pesting yun, nilayasan pa tayo. Talagang wala talagang modo ang isang yun!" Inis na ambit ng babaeng Late Xiantian Realm Exp

