Kinabukasan. Maaga pa lang ay nakapag-ready na sila. Full-gear si Jules na suot ay vest na maraming bulsa, dala ang knapsack at dalawang hard case. Handang-handa na sila sa planong mag-overnight sa Anlunan Residence. Samantala, si Father Markus ay naka-itim na damit pampari at dala ang bag niya ng religious epektus. Nang lumabas sila sa back entrance ng motel para magkarga sa Hi-ace ay pinagtinginan sila ng mga taong naroon. Hindi kasi sila normal na nakakakita ng isang chick na rakista, isang semi-afro na nerd at isang pari na magkakasama. Naka-park na roon ang Toyota Corolla na police car at ang mga nagaantay na pulis, si Hepe kasama ang dalawang bagong mukha na pulis—mga pawang bata pa, isang lalaki at babae. Nakapagusap na sila kinagabihan na magtutungo muna sa simbahan para kausapin

