Kabanata 2: Bisita

1761 Words
MENTAL'S POV: -- LUMIPAS ang isang linggo na nasa loob lamang ako ng bahay at wala akong balak na lumabas dahil panahon na ng pag-aaral ko. "So, that's all for today Miss Natalia. See you again tomorrow." Paalam ng teacher ko mula sa kabilang linya gamit ang laptop na nasa ibabaw ng study table ko. Nagpaalam na rin ako dito at saka hinayaang nakabukas ang laptop ko. Kahit mag-isa lang ako dito sa bahay, sagana sa internet at kuryente ang paligid ko pero tanging kwarto at kusina lang ang ginagamit ko. Napasubsob ako sa mesa at hinayaan ang sarili kong mamahinga. Tinanggal ko rin ang blazer na suot ko dahil naiinitan na ako at tanging sando lang ang suot kong pang-ilalim. Sa tuwing may klase kasi ako, kailangan kong maging normal kaysa sa night gown na lagi kong suot sa tuwing lumalabas ako ng bahay. At dahil isang linggo na akong nanatili rito sa loob, mamamasyal muna ako. Tumayo na ako mula sa kinauupuan kong silya at saka tinungo ang walk-in closet ko at tumambad sa akin ang isan-daang pares ng night gown at puro puti 'yon. Kumuha ako ng isa at saka ako nagpalit. Humarap ako sa full lenght mirror at ginulo ang buhok ko na nakapusod kanina. Nang makontento ako sa itsura ko, agad akong lumabas ng kwarto ko at nakita ko pa sa orasan na alas tres na nang hapon kaya naman lumabas ako ng bahay at sumalubong sa akin ang sariwang hangin. Patakbong umalis ako ng bahay at tinungo ang lugar kung saan naghihintay ang mga taong nakilala ko at nakasalubong ko pa ang mga bata na may hawak na saranggola. "Hi, Ate Mental." Sabay-sabay nilang bati sa akin. Bulol pa ang iba at pawang bungi pa yung isa. "Kumusta mga bata? Mukhang ang saya nang laro niyo na yan?" Tukoy ko sa saranggola na hawak nila. Gawa lang 'yon sa patpat ng kawayan, dyaryo at sinulid. "Ayos lang po Ate. Galing po kami sa burol at doon po kami nagpalipad ng saranggola. Hinahanap ka po namin pero hindi po namin ikaw makita." Saad ni Mary na pitong taong gulang at naka-pigtail sa magkabila ang buhok nito na parang buntot. "Naku, nasa bahay kasi ako. Bukas maglaro tayo." Anyaya ko sa kanilang lahat dahilan para magsigawan ang mga bata sa sobrang tuwa. "Yehey!" "Gagawan ka po namin ng saranggola, Ate." Sambit pa ni Epoy na medyo binatilyo na. "Oo ba. Basta siguraduhin mong lilipad yan." Pang-aasar ko pa. "Sus, ako pa ba Ate? Magaling yata akong gumawa ng saranggola." Pagyayabang naman ng huli na siyang ikinatawa ko. Nagpaalam na silang lahat sa akin habang ako naman ay patungo sa bahay nina Lola Meldrid at sakto namang nakasalubong ko si Aling Pasing kasama si Glendyl na may bitbit ng mga pinamili nila. "Ayos tayo Aleng Pasing, umaasenso na ah?" Bungad ko at saka ako sumabay sa kanila sa paglalakad. Nasa unahan pa kasi ng bahay nina Lola Meldrid ang bahay nina Aleng Pasing. "Oh, Mental? Ngayon lang ulit kita nakita. Saan ka nagpunta?" May pagtatakang tanong nito at saka inayos ang bayong na hawak nito habang si Glendyl naman ay hawak na basket na puno ng gulay at sitsirya na sigurado akong magugustuhan ng mga bata. "Ikaw ho ba ay nakaramdam ng pagkalumbay buhat nang ako ay mawala pansamantala, Aleng Pasing?" "Hay naku bata ka. Tigilan mo ako sa mga matalinghaga mong pananalita." Saway pa nito sa akin at nakatanggap ako ng palo sa braso dahilan para matawa ako sa Ale. "Ikaw naman Aleng Pasing hindi ka na mabiro. Nasa bahay lang ako. Alam niyo na kailangan ko ding mapag-isa." Dugtong ko pa. "Bakit mo naman naisipang mapag-isa, Mental? Summer ngayon at dapat magliwaliw ka." Sabat naman ni Glendyl. Nginitian ko lamang ang binata at saka ito inasar. "May mga bagay na hindi dapat dinadaan sa pagliliwaliw Glendyl. Tulad mo ay estudyante rin ako kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa future ko." Kumunot ang noo ni Glendyl sa sinabi ko. "Nag-aaral ka? Hindi ba't nasa bakasyon ang buong antas ng paaralan?" "Magkaiba ang paaralan na pinapasukan natin." Gusto pa sanang magtanong ni Glendyl nang may bumusinang sasakyan sa likuran namin kaya naman napaigtad ako. Sabay-sabay kaming napalingon nina Aleng Pasing at Glendyl nang dumaan ang magarang kotse sa daanan namin. "Ang gara naman ng sasakyan na 'yon. Sino kaya 'yon?" Tanong ni Aleng Pasing at halos magkandahaba ang leeg nito hanggang sa huminto ang kotse sa tapat ng bakuran nina Lola Meldrid at nakita ko ang dalawang matanda na abala sa kanilang munting tahanan. Pamilyar ako sa mga sasakyan mula sa lupa, tubig at himpapawid dahil minsan na akong nakasakay doon at hindi naman ako abnormal para hindi malaman ang mga bagay na 'yon. Mental lang ang pangalan ko pero hindi ako baliw. Dala ng kuryusidad, kumaripas ako ng takbo at bigla akong huminto nang tumapat ako sa backseat ng kotse dahil biglang bumukas ang pinto noon at may iniluwang isang lalaki. His firm body built na tila batak sa gym. Ang polo shirt na suot nito at may nakasabit na aparato sa kanyang leeg na sa tingin ko ay headphone ang tawag doon. Nakasuot din ito ng itim na leather jacket na kasing kintab ng kotseng kinalulunaran nila. "Hi," Malakas na bati ko sa lalaki at tumambad sa akin ang kunot nitong noo. Saka ko lang napansin na nakasuot ito ng shades sa mata pero bakas sa mukha nito na gwapo ito at may sinasabi sa lipunan. "Fvck! Who the hell are you?" Napakagat ako sa sarili kong labi dahil sa timbre ng boses nito na sobrang lalim at parang ang sexy sa pandinig - Hoy! Mental umayos ka. "A-Ano...me friend wants you," Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil mali-mali ang nasabi ko. "What?" His face became crumpled because of what I said. Pati ako napapa-english dahil sa kanya pero syempre ilalaban natin 'to! "Gusto ko lang makipagkaibigan!" Mabilis na sambit ko rito. "Kuya, who is she?" Sabay kaming napalingon sa kabilang bahagi ng kotse at tumambad doon ang isang dalagita pero sa itsura niya mukha siyang kolehiyala. Ang kaso nga lang may yakap siyang teddy bear at may subo pang lollipop sa bibig. "I don't know her either. She just popped up out of nowhere and she looks weird and annoying." Nanlaki naman ang mga mata ko pero syempre sa loob-loob ko lang 'yon at ayokong ipahalata sa kanila na nakakaintindi ako ng salitang banyaga. "Me is Metallica Natalia or you can call is me Mental." "Huh?" Sabay na sambit ng magkapatid. Gusto kong bumunghalit ng tawa sa itsura nilang dalawa pero agad na nakabawi ang lalaki. "You know what? Get lost." Napasimangot naman ako nang talikuran ako nito at saka pumasok sa bakuran nina Lola Meldrid. Sinalubong ito ng matanda at pinupog pa ng halik sa mukha. Mukhang kausap ni Lolo ang magulang nila dahil kamukha ni Lolo Dyrroth ang medyo may katandaan na lalaki. Iritado naman ang huli pero wala itong magawa dahil na-miss ito ng sariling Lola. 'Mukhang ito na ang anak ni Lola at Lolo? Akala ko ba hindi makakauwi ang mga ito?' "Hey, why are you still here?" Inosenteng napalingon ako sa babae at nasa harapan ko na pala ito. Mas matangkad ako sa kanya at halos hanggang tenga ko lang siya. Nakangiwing ngumiti ako dito. "Uh, aalis na nga ako. Sige, mauna na ako." Akmang tatalikod na ako nang pigilan niya ang braso ko kaya naman napatingin ako rito. Nagpabalik-balik ang tingin ko mula sa maganda nitong mukha at sa kamay niyang nasa braso ko kaya naman nagpa-cute ako rito dahilan para mapangiwi siya kaya natawa ako. "You're weird but anyway, I like you." Aniya. "Ay beh, hindi ako pumapatol sa babae. Mandiri ka please!?" Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at siya naman ay laglag ang panga dahil sa sinabi ko. "Gaga! Hindi ganun ang ibig kong sabihin." Sagot nito nang makabawi at tuluyan na akong napahalakhak. "Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya habang tumatawa. Alam kong masamang ugali ang ganun kaso hindi ko talaga mapigilan dahil ang epik ng itsura niya lalo na ang Kuya niya. "Rain Elisia Santiago. We're here to have a vacation and take a break from school." Sagot naman nito gamit ang maarteng pananalita. Huminga muna ako ng maayos at hinarap siya. "Ah, so kayo 'yong sinasabi ni Lola Meldrid na mga apo niya? In fairness naman sa'yo mukha kang tao kaysa doon sa kapatid mo." Umawang ang bibig ni Rain sa akin at parang napapantastikuhan ito sa mga pinagsasabi ko. "I am a human for goodness sake. Anyway, what's your name and why are you familiar with my grandparents? First time ko lang din na makita kita dito sa probinsiya." "Metallica Natalia Alegre. Napadpad ako dito anim na taon na ang nakakalipas." Sagot ko. Natahimik si Rain at mukhang may iniisip bago ito sumandal sa kotse. "Oh! That was the time when my brother decided to go back to Manila." Nagsalubong ang kilay ko. "Ibig sabihin, pamilyar na kayo sa lugar na ito?" "Si Kuya oo, pero ako hindi. Masyado pa akong bata noon at tuwing bakasyon lang kami pumupunta rito." Napatango naman ako sa sinabi niya. Akmang magsasalita ako nang may sumigaw mula sa loob ng bahay nina Lola Meldrid at nasa bintana ang lalaki habang nakatanaw sa amin. "Rain Elisia get inside!" Sigaw nito na siyang ikinasimangot ko at tumingin ako kay Rain. "Tawag ka na ng Kuya mo. Aalis na ako dahil mag-aaral pa ako ng salitang ingles para maging kaibigan ang Kuya mo." Paalam ko kay Rain pero natawa ang huli. "Mahirap paamuhin ang isang Summer Dyrroth Santiago, Ate Mettalica. I don't know his reason but I think he hates to be here." 'Summer Dyrroth pala ang pangalan niya? Ang gwapo naman-- Luh? Kailan pa ako nagka-interes sa gwapo? Loko ka Mental!' Ngumisi ako kay Rain at hinawakan ang balikat nito. "Alam mo kasi Rain Elisia, walang makakatibag sa isang Mental. Kaya imbes na Metallica ang itawag mo sa akin, Ate Mental na lang." Napangiwi si Rain. "Bakit Mental ang pangalan mo?" "Para unique. Pumasok ka na doon at baka bumuga ng apoy ang kapatid mo." Tuluyang napahalakhak si Rain sa sinabi ko at nag-apir pa kaming dalawa bago ko siya talikuran. Mukhang may pagkakaabalahan ako ngayong summer bukod sa pag-aaral at pakikipag-laro sa mga bata. 'Sisiguraduhin kong magiging kaibigan kita Summer Dyrroth bago matapos ang bakasyon na ito at bago ka bumalik ng Maynila, sisiguraduhin kong marami kang babauning alaala sa katauhan ni Metallica Natalia o mas kilala sa pangalang Mental!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD