MENTAL'S POV: Huli kong narinig ang pagtawag ni Rain sa pangalan ko hanggang sa lamunin ako ng malamig na tubig at pumalibot sa akin ang madilim na bahagi ng talon dahil sobrang lalim no'n at mabigat ang suot kong night gown at unti-unti akong hinihila pailalim at unti-unting pumikit ang mga mata ko. 'Kung ito man ang magiging kamatayan ko, handa kong tanggapin 'yon ng bukal sa puso ko.' Syempre hindi papayag ang kalikasan na lamunin nila ang isang nilalang na tulad ko. Sa ganda kong ito mamamatay lang ako dito? Hindi pwede! Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinihila ako nito paitaas pero masyadong mabigat ang damit ko kaya naman tinignan ko kung sino 'yon at halos makainom ako ng tubig nang muntikan kong isigaw ang pangalan ni Summer. 'Anong ginagawa niya? Pareho kaming malu

