Kabanata 5: Talon ng Luha

2000 Words
MENTAL'S POV: -- SUMUNOD kami kay Summer pauwi ng bahay dahil tanghali na rin at halos mataas na ang araw pero hindi naman gaanong ramdam ang init dahil sa lakas ng hangin. Sumisigok-sigok na dumating ako sa bahay nina Lola Meldrid at nang makita ko ito sa kanilang sala, agad ko siyang niyakap at umatungal ng iyak sa kanyang dibdib. "Anong nangyari sa'yo at umiiyak ka?" Nag-aalalang tanong ni Lola. "Si Kuya po Lola, inaway niya si Ate Mental. Binitawan po 'yung lumilipad na saranggola." "Uwaaaah!" Malakas na palahaw ko. Ang sakit lang kasi dahil regalo sa akin ni Epoy 'yun. Ganun ako magpahalaga sa isang bagay na binibigay sa akin. Pero ang bilis lang bitawan ni Summer porket hindi sa kanya binigay 'yung saranggola. "Summer Dyrroth, anong ginawa mo kay Mental?" Paninita ni Lola kay Summer na ngayon ay nakaupo sa sofa. "I didn't do anything. She's just acting like a child." Masungit na sagot naman ni Summer at umiwas pa ang paningin nito sa amin. Magka-krus ang mga paa nito habang nakapatong sa arm rest ng sofa ang siko nito at nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas ng bintana. "Hindi umiiyak ng basta-basta si Mental, apo." Panenermon ni Lola. Totoo naman kasi. Pero nag-iinarte lang talaga ako, pero masakit talaga 'yung ginawa niya sa saranggola ko. Kailangan ko ng hustisya. "Come on grandma, I am your grandchild. Why the hell are you taking her side?" Napipikang tanong ni Summer. Wala siyang magagawa dahil nasa teritoryo ko siya at close kami ng kanyang Lola. "Tignan mo Lola, inaaway niya ako. Kailangan ko ng hustisya sa saranggola na pinalipad niya!" Palahaw ko. Literal talaga akong umiiyak habang si Rain naman ay natatawa sa itsura ko bago kami nito iwanan at dumiretso sa kusina. "Humingi ka ng tawad sa kanya Summer Dyrroth." Utos pa ni Lola Meldrid habang nakayakap pa rin ako sa kanyang bewang. "Why should I? That kite supposed to stay in mid air that's why I let it free." Rason naman nito. Hindi napilit ni Lola si Summer na humingi ng tawad sa akin. Iginiya na lamang ako nito papuntang kusina nang maamoy ko ang pamilyar na kakanin kaya naman bumitaw ako kay Lola. "Wow, bibingka!" Masayang sigaw ko at saka patakbong lumapit kay Tita Elisabeth at inagaw ang plato na hawak niya. "Dahan-dahan anak, mainit yan." Natatawang paalala nito pero binigay naman sa akin ang plato. "Sabi ni Mama paborito mo yan kaya pinagluto kita." "Tita, salamat po!" Inilapag ko sa mesa ang plato na may lamang bibingka bago ko dinamba ng yakap si Tita Elisabeth at hinalikan ang kanyang pisngi. "I love you Tita, pwede bang ikaw na lang ang Mommy ko?" "Ang kulit mo talagang bata ka. Maupo ka na nga at kakain na tayo." Marahan akong itinulak ni Tita papunta sa silya na nasa tabi ni Rain matapos ko siyang bitawan. "Sige na Tita? Mabait po akong anak, willing po akong magpa-ampon--" Naputol ang sinasabi ko nang may maglagay ng pagkain sa bibig ko at tumambad sa akin ang bulto ni Summer na busangot ang mukha at masama ang tingin sa akin. "Shut up, weirdo!" Aniya. Nginuya ko muna ang pagkaing binigay sa akin ni Summer at saka ito binalingan. "Mas masarap pala ang pagkain kapag galing sa'yo. Subuan mo nga ako, friend?" "We're not friends!" "Edi girlfriend! Ang arte mo! Kaibigan nga lang ini-ooffer ko ayaw mo pa!?" Humalukipkip ako sa kinauupuan ko at saka pumihit at hinarap ang sarili kong plato na may lamang pagkain. "Anak, huwag mo namang inaaway si Mental." Rinig kong pangaral ni Tita sa anak niyang lalaki. Nilantakan ko na lamang ang bibingka na niluto ni Tita at hindi sila pinansin. Hanggang sa dumating si Tito Wynter at Lolo Dyrroth, nagsimula na kaming kumain. Iba't-ibang uri ng pagkain ang nakahain sa mesa. May sugpo, ginataang alimango, piniritong isda na kasing laki ng kamay ni Lolo, gulay na kalabasa at leche flan bilang panghimagas. Sa bibingka pa lang busog na ako ang kaso natatakam ako sa alimango at sugpo kaya nilantakan ko na rin. Hanggang sa hindi ko napansin na nakatitig na pala sa akin si Tita Elisabeth at si Tito Wynter habang nakangiti ang mga ito. "Bakit po?" Usisa ko habang hawak ang katawan ng malaking alimango. "Wala Mental, kumain ka lang." Ani ni Tita Elisabeth kaya naman nagkibit-balikat lang ako at hindi siya pinansin. Makalipas ang ilang minuto, tapos na silang kumain kaya naman nagpresenta akong hugasan ang mga pinagkainan namin kaso tinaboy lang ako ni Tita Elisabeth. Wala akong nagawa kundi ang lumabas ng bahay at nadatnan ko si Summer na nasa swing na ginawa ni Lolo gamit ang gulong ng jeep at isinabit sa sanga ng punong mangga. "Hi, friend?" Masayang bati ko sa kanya nang lapitan ko ito. "What do you want weirdo?" Aniya habang iniangat ang isang paa nito at ipinatong ang isang braso sa kanyang tuhod at muli na naman itong napatitig sa kawalan kahit na nasa harapan niya naman ako. "Me is you, friends?" Sabi ko at ikinampay pa ang daliri ko na parang pinagdidikit 'yon. "It's been my second day here but you keep on pestering me. Will you please give me some space and peace for myself? I came here to take some break from school but you are adding more stress just by your presence." "Pumayag ka na kasing maging magkaibigan tayo." Pangungulit ko at hindi pinansin ang mga sinabi niya. Naiinis na napahilot sa kanyang sintido si Summer at parang konti na lang ay mapipigtas na ang kanyang konsensya. "Leave me alone." "Ayoko!" Marahas na lumingon si Summer sa akin at saka ito umalis mula sa kinauupuang swing bago marahang naglakad palapit sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Wala sa sariling napaatras naman ako hanggang sa dumikit ang likuran ko sa katawan ng puno. "M-Masyado kang malapit, Summer." Saway ko rito na halos gahibla na lang ang pagitan ng mga labi naming dalawa. Lumalakas na rin ang pintig ng puso ko at nahihirapan akong huminga. "Don't wait for me to do something bad to you that you won't like just to stop your mania. I want peace so can you leave now?" Napatitig ako sa kanyang mga mata. His eyes is dead yet beautiful to stare at. His facial features is damn perfect as if he came from a fictional book I read when I'm bored. From his pointy nose, thick lashes and his thin red lips. "Sa tingin mo ba madali akong sumuko sa kaunting pagtataboy mo sa akin? Hanggat nandito ka sa teritoryo ko, hindi matatahimik ang mundo mo. Sabihin na nating napilitan kang pumunta rito dahil sa mga magulang mo pero sisiguraduhin kong sa susunod mong bakasyon, kusa kang pupunta hindi dahil sa pinilit ka kundi dahil 'yun ang gusto mo." Bumaba ang nanlilisik nitong mga mata sa labi ko dahilan para makaisip ako ng kalokohan. Nananalangin ako sa loob ng aking kaluluwa na sana ay huwag akong isumpa ni Summer kapag ginawa ko ito. Sa isang iglap, inilapat ko ang labi ko sa kanya dahilan para manigas ito sa kanyang kinatatayuan. Nang bumitaw ako, agad akong kumaripas ng takbo palayo sa bahay ni Lola Meldrid at hindi ko namalayan na napunta ako sa burol kaya naman pasalampak akong naupo sa tabi ng puno at sumandal doon habang habol ang sarili kong hininga. Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi at ramdam ko pa rin doon ang malambot na labi ni Summer. Hindi 'yun ang first kiss ko pero pakiramdam ko yun ang una kong halik sa isang lalaki. Napayuko ako sa sarili kong tuhod. "Ang tanga mo, Mental. Paano kung magalit si Summer dahil sa ginawa mo? Paano kung may girlfriend pala siya edi nagkanda-letse na?" NAGISING ako sa mahinang tapik sa pisngi ko at bumungad sa akin ang mukha ni Rain kaya naman pabalikwas akong bumangon. Doon ko lang napagtanto na nasa burol pa rin ako kaya naman napalingon ako kay Rain at muntikan akong mapasinghap nang makita si Summer sa likuran ng kanyang kapatid. "Ate Mental kanina pa kita hinahanap, natutulog ka lang pala rito." Ani ni Rain kaya naman tumayo na ako at inalis ang mga dahon na dumikit sa damit ko. "Pasensya na, napasarap yata ang tulog ko. Ano bang meron?" Paghingi ko ng paumanhin. "You promised we will swim right? Tara na bago pa dumilim." Napatingin ako sa sikat ng araw. Alas kwatro na ng hapon at ilang oras na lang ay lulubog na ito. Nangako nga pala ako kay Rain na isasama ko siya sa Talon ng Luha para maligo doon. Malinis at malamig ang tubig doon kaya naman masayang maligo lalo na ngayong summer. Bumaba ulit ang paningin ko at napunta ito sa gawi ni Rain. Saka ko lang napansin na nakasuot ito ng swim wear na sa internet ko lang nakikita. Itim na long sleeve yon at maikling shorts na kapareho ng disenyo. Maging si Summer ay ganun ang suot nitong damit pero ang pang-ibaba nito ay isang board shorts. "Ayos ah? Pinaghandaan?" Nakangising asar ko sa kanilang magkapatid. Kumapit si Rain sa braso ko at saka ako nito hinila pababa ng burol samantalang si Summer naman ay sumunod sa amin. Mukhang hindi rin ito mapirmi sa isang gilid kapag nawala si Rain sa paningin niya. Sana lahat ng Kuya ganyan mag-alala sa nakababatang kapatid. Kaso hindi ko naranasan ang magkaroon ng kapatid kaya hayaan na lang. Tahimik na binagtas namin ang masukal na daan patungo sa talon ng luha at ilang minuto pa ang nakalipas, kumawala ang boses ni Rain at nagtatatakbo palapit sa tubig. "Wow! This is the first time I saw a river with flowing waters. Ang linis ng tubig!" Sigaw ni Rain at nagsimula na itong magtampisaw sa tubig. Malakas din ang buhos ng talon na may kalayuan sa pwesto namin at ang lugar na yon ay may malalim na parte kung saan tumatalon ang mga bata dahil may punong nakatumba doon na ginagawa nilang tulay. Malalaki rin ang bato sa paligid at kung hindi mag-iingat ay talaga namang wasak ang ulo mo oras na madulas at mabagok ka. Tinungo ko ang may kataasang parte ng bato katabi ng nakatumbang puno na siyang ginagawang tulay ng mga bata at naramdaman ko ang isang presensya sa likuran ko kaya naman napalingon ako dito. "Hindi ka ba maliligo?" Usisa ko bago ko tinignan si Rain na may kalayuan sa amin. Nasa paanan ito ng talon at hanggang bewang lang ang tubig doon. Hindi naman siguro malulunod si Rain doon. "Why did you kissed me and ran away after that?" Sambit nito gamit ang mababang boses pero nakatanaw ito sa Talon na malayang bumabagsak ang tubig na siyang nagbibigay ng ingay sa paligid bukod sa hangin at ingay ng mga ibon. Napalunok ako. Iniiwas ko ang paningin ko sa kanya at saka naupo sa malaking bato na siyang kinatatayuan namin bago kinuha ang isang tangkay ng kahoy na nakakalat sa tabi ko. Pinaglaruan ko 'yon habang ang paningin ko ay na kay Rain. "Nananaginip ka lang. Hindi ako nanghahalik ng lalaki." Pagtatanggi ko rito. Hindi ko akalain na masyadong straight forward ang isang ito. Kunsabagay, lumaki siya sa magulong mundo ng Maynila at masyadong liberated ang mga tao doon pero walang makakatalo sa pinanggalingan ko. "A dream, huh? Maybe it's a nightmare." Napasinghap ako at napatingala sa gawi niya dahil nanatili itong nakatayo kaya naman kaysa mangalay ang batok ko, tumayo ulit ako at hinarap siya. "Hoy lalaki! Alam kong makulit ako at weirdo pero hindi ako bangungot! Makapang-husga ka, bakit gwapo ka ba?" Dinuro ko pa ang dibdib niya gamit ang tangkay na hawak ko. His gaze landed on me and I saw an amusement behind those dead eyes of him. "So, you are aware that you are a weirdo but not a nightmare? I don't think so." Aniya at nagkibit balikat pa bago iniwas ang tingin sa akin. "I-Ikaw!" Akmang sasapakin ko siya pero namali ng tapak ang paa ko at nadulas ako hanggang sa tuluyan akong mahulog sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD