Kabanata 4: Saranggola

1852 Words
MENTAL'S POV: -- TULAD nang napagkasunduan, kasama ko ngayon si Summer at Rain papunta sa burol. Halos natatanaw ko na rin ang mga bata na abala sa paglalaro ng saranggola kaya naman lumapit ako kay Summer. "Akala ko ba ayaw mong sumama?" Pang-uusisa ko rito. Isang oras yata ang lumipas kanina bago ito napilit ni Rain na sumama. "I was forced to come because I will not let someone like you to have my sister." Sagot nito habang nakapamulsang naglalakad at salubong ang makapal nitong kilay. Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Bakit? Dudukutin ko ba ang kapatid mo? Makapang-husga ka naman." "You look like a bad person because of your appearance." Bulong nito na hindi ko naintindihan dahil nauna itong maglakad at iniwan kami ni Rain. Sumunod na lang kami ni Rain hanggang sa mapadpad kami sa tuktok ng burol na may nakatayong puno ng mangga sa gitna nito na siyang nagbibigay ng lilim. Umupo si Summer malayo sa mga bata at hinayaan ko na lang ito bago ko hinarap ang mga bata. "Hello, mga bata!" Malakas na bati ko na parang matagal kaming hindi nagkita-kita. "Ate Mental!" Sigaw nilang lahat at tumakbo papunta sa pwesto ko at saka nila ako dinamba ng yakap. "Wow! Makayakap kayo, parang ang tagal nating hindi nagkita?" Natatawang sambit ko sa kanila matapos nila akong bitawan mula sa mahigpit na yakap. "Nalungkot kami Ate kasi hindi ka namin nakita. Akala namin umalis ka ng baryo?" Saad ni Mika na isa ring dalaginding na kasama sa mga kalaro ko. "Bakit naman ako aalis? May ginawa lang si ate kaya hindi pwedeng lumabas ng bahay." "Kailan mo kami Ate papapuntahin sa bahay mo?" Banat naman ni Kiko. "Hindi kayo pwede sa bahay ko, kaya manahimik ka." "Ay, sayang naman." Samu't-saring reaksyon ang binigay nila sa akin. Hindi talaga sila pwedeng pumunta sa bahay ko dahil bawal 'yon. "Siya nga pala, ito si Rain. Apo ni Lola Meldrid at Lolo Dyrroth. Kaibiganin natin siya ha?" "Hello, Ate Rain." Sabay-sabay na bati ng mga bata na siyang ginantihan naman ni Rain. "Hi sa inyo. Pwede ba akong makipaglaro ng saranggola kasama ninyo?" Nakangiting wika naman ni Rain. "Opo!" "Oo naman po!" "Ang kaibigan po ni Ate Mental ay kaibigan din po namin!" Masayang nakipagkilala ang mga bata kay Rain kaya naman binalingan ko si Amboy na papalapit sa gawi namin. "Epoy, na saan na ang saranggolang pinagmamayabang mo sa akin?" Maangas na tanong ko sa binatilyong si Epoy. Malaking ngisi ang ibinigay sa akin ni Epoy at may hawak itong malaking saranggola na halos kasing laki ko yata. "Syempre hindi ko kakalimutan ang ipinangako ko Ate Mental. Heto ang saranggola mo." Ibinigay sa akin ni Epoy ang saranggola na gawa sa plastic at manipis na alambre. "Hoy, saan mo dinekwat ang mga alambre na ito?" Paninita ko rito na siyang ikanakamot niya sa kanyang batok. "Si Ate parang ewan. Hindi ko 'yan dinekwat no! Binili ko yan kay Manong Adong kahapon. Hindi naman pwede na pipitsugin ang saranggola mo." Aba matindi itong bata na ito. Ngumisi ako dito. "Nice! At dahil dyan may isang daan ka sa akin mamaya. Tara na maglaro!" "Yehey!" Tumakbo kaming lahat sa malawak na patag habang si Summer ay naiwan sa lilim ng puno. Hawak ni Mika ang saranggola ko at ako naman inililis ang tali habang papalayo ako sa pwesto ni Mika. "Bitawan mo kapag may hangin, Mika." Sigaw ko sa bata. "Oo, Ate." Pagbilang namin nang tatlo, binitawan ni Mika ang saranggola at tumakbo ako habang hawak-hawak ang tali na nakapulupot sa isang bote na gawa sa plastik. Sinalubong ko ang hangin habamg hinahayaang tangayin ng hangin ang hawak kong saranggola. "Wow! Ang taas!" Bulalas ng mga bata nang makitang nasa alapaap na ang saranggola at halos matakpan na ng ulap. "Ang duga ni Kuya Epoy, bakit gawa sa papel ang saranggola natin? Mas maganda kay Ate Mental." Reklamo naman ni Adi na siyang ikinatawa ko. Huminto na ako sa pagtakbo dahil stable na ang saranggola ko sa himpapawid. Ibinigay ko kay Epoy ang bote at nilapitan ko si Rain kasama sina Mika at Alexa na pinahiram ang saranggola nila kay Rain. "Paano ba ito gawin?" Usisa ni Rain habang hawak-hawak ang saranggolang gawa sa papel. "Ganito ang gawin mo, hahawakan ko ito at ililis mo ang tali nang tatlong metro at magbibilang ako ng tatlo bago ko ito bitawan at saka ka tumakbo at salubungin mo ang hangin sa kabilang direksyon para lumipad ang saranggola mo. Nakuha mo ba?" Paliwanag ko kay Rain. Tumango naman ang babae kaya naman ginawa ko ang sinabi ko kanina at siya naman ay tumakbo at sinalubong ang hangin. "I did it!" Nagtititiling sigaw ni Rain nang lumipad ang saranggola niya pero hindi 'yon umabot sa kalahati ng lipad nang saranggola ko. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Epoy at saka kinuha ang bote nang saranggola ko sa kanya para ako naman ang magpalipad. Tanghaling tapat, ganun ang ginawa namin habang si Summer ay nanatili lang sa lilim ng puno kaya naman nilapitan ko ito at hinayaan ang mga bata at si Rain na paliparin ang saranggola na dala namin. "Ayaw mo bang subukan ang pagpapalipad ng saranggola?" Bungad ko kay Summer na nakatanaw lang sa malayo. "I am not a kid like you." Aniya bago umiwas ng tingin nang maupo ako sa tabi niya. "Masaya kaya magpalipad ng saranggola kasama ang mga kaibigan. Kahit sa maliit na tagpo na 'yon, naranasan ko ulit ang maging bata. Ikaw ba naranasan mong magpalipad ng saranggola?" Tahimik lang si Summer. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagtatanong ko nang magsalita ito. "I did. When I was fifteen. I live here when my Dad thrown me away in this province and live my life with my grandparents as a high school student." "Eh? Bakit ka naman ipinatapon ng Dad mo?" Usisa ko. "Tsk! Why should I tell you? We're not even friends." Marahas na tumayo si Summer kaya naman napatayo na rin ako at hinarap siya. "Luh? Magkaibigan na kaya tayo buhat noong sumama ka dito sa amin ni Rain." Pag-aapila ko. Lumingon sa akin si Summer, and his usual face - his furrowed eye brows and dangerous eyes - were looking at me. "And when did I tell you that I agreed about being friends with you?" "K-Kanina lang!" Nauutal na sagot ko. Ang sama kasi ng tingin niya. "Look. I am not interested to be friends with a weirdo like you so please leave me alone and mind your own business." "Bakit naman ayaw mong makipagkaibigan sa akin? Mental lang ang pangalan ko pero hindi ako baliw." Panimilit ko pa. Napapikit si Summer at napahilot sa kanyang ilong na tila nawawalan na nang pasensya sa akin. "You're not but you look like one." Laglag ang panga ko. "Ha?" Tinalikuran ako ni Summer at bumaba ito sa burol na agad kong sinundan. "Hoy friend, hintayin mo ako!" Sigaw ko rito. "Oh, please! Cut it out because we are not friends!" Ganting sigaw nito sa akin. Napanguso ako. Sa inis ko, tinakbo ko ang distansya naming dalawa at bigla ko siyang dinamba sa likuran at ginawa siyang kabayo. "Hiyah! Paparating na ang hukbo nang mananakop sa inyong lugar!" Sigaw ko habang nakasakay sa likuran ni Summer. "Fvck! Get off me!" Sambit nito pero hindi naman alam kung saan niya ako hahawakan kaya wala itong nagawa nang lumapit sa amin ang mga bata na may dalang patpat nang kawayan at ginawa nila itong espada. Itinutok nila sa katawan ni Summer ang patpat na tila handa sa pakikipaglaban. "Wala kang karapatan na sakupin ang aming lupain, Binibini!" Sambit ni Epoy. "May karapatan ako dahil isa kayong alipin! Aking mandirigma, sugurin mo sila!" Utos ko kay Summer at binigyan ito nang patpat na inabot sa akin ni Mika kanina. Walang nagawa si Summer at tinanggap nito ang patpat na hawak ko at saka lumusob sa mga bata. Nakipag-espadahan ito kay Epoy habang nakasakay ako sa kanyang likuran. "Ah! Natalo ako." Pag-aarte ni Epoy na tila natusok ng espada sa dibdib at bumagsak sa damuhan. Bumaba naman ako mula sa likod ni Summer at saka hinarap ang mga bata. "Ngayon ay natalo na kayo nang aking mandirigma. Sa akin na ang inyong lupain!" Sigaw ko kasabay ang pekeng pagtawa. "Hindi....!" "Babalikan ka namin!" Napuno nang tawanan namin ang patag pero si Summer, walang mahita na kahit anong emosyon habang nakapamulsa itong nagmamasid sa amin. Inabot ko sa kanya ang tali at hinayaan ko siyang paliparin ang saranggola at hinila ko siya pabalik sa burol at muli siyang naupo roon habang hawak ang tali ng saranggola, habang ako naman ay nakahiga sa damuhan at nakipagtitigan sa ulap. "You know what, you are the only person who ride my back. I never let anyone touch me when I'm inside the university especially if it's a girl." Basag nito sa katahimikan namin kaya naman napatingin ako rito. "Nagsisimula pa lang ang Operation; Have friends with you plan ko kaya huwag kang masyadong mamangha. Pwede mo na bang sabihin sa akin ang pangalan mo?" Nakangising wika ko rito. "The hell with operation have friends with me? You're a weirdo. Why should I tell you my name?" "Because I said name is me?" Pabalang na sabi ko. Napabuntong-hininga si Summer at saka nito tinitigan ang tali na hawak niya. "Dyrroth Santiago is my name." "Hindi ba't pangalan 'yon ni Lolo?" Napaiwas naman ako nang tignan niya ako ng masama. 'Tama naman ang sinabi ko diba?' "Call me Dyrroth or you will never get along with me." Bumangon ako mula sa kinahihigaan ko at nag-indian sit sa tabi niya habang magkasalikop ang mga kamay ko na nakapatong sa isang hita ko. "Sige, Dyrroth. Magkaibigan na tayo?" "No!" Laglag ang panga ko sa sinabi niya kaya naman tuluyan ko na itong hinarap at hinawakan ang magkabila niyang balikat at saka siya inalog. "Sinabi mo sa akin ang pangalan mo kaya magkaibigan na tayo! Mula ngayon tatawagin kitang Summer at wala ka ng magagawa!" "Argh! Get off me! Don't you dare calling me by that name." "Summer!" "One! If I finish count into three and you'll still saying my name, I swear...." Masama akong tinignan ni Summer at may halong pagbabanta ang boses niya pero ngumisi lang ako. "Summer....Summer...Summer.." Paulit-ulit na sambit ko sa pangalan niya pero ganun na lamang ang gulat ko nang bitawan niya ang hawak na saranggola kaya napatili ako ng malakas. "Ah! Ang saranggola ko!" Tumayo ako at saka hinabol ang bote nang saranggola kung saan ito nakatali pero tinatangay na ito ng hangin paitaas sa langit. Naiiyak na tinignan ko ang saranggola at pagbaba ko ng tingin papunta sa direksyon ni Summer, wala na ito doon. Napalinga ako sa paligid at nakita ko ang bulto ni Summer na papalayo na sa amin. Doon ko lang napagtanto na parang saranggola si Summer dahil ang hirap nitong abutin. Nanatili lang ito sa alapaap na kahit may tali ay wala itong balak na bumaba sa lupa hanggat may hangin na nagbubuhay sa kanya. 'Ngayon pa lang ang hirap mo ng abutin, Summer Dyrroth Santiago. Paano pa sa mga susunod na araw?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD