MENTAL'S POV: Naramdaman ko na lang na lang na hinahalikan ni Summer ang sintido ko habang hinahaplos ang mahaba kong buhok na parang ipinaparating niya na ayos lang ang lahat. Na wala na akong dapat ipag-alala pa dahil magkasama na kaming dalawa. "Mom and Dad told me everything, Metallica. Kaya nga na late ako sa meeting kanina dahil hindi sila tumigil na hindi ko maintindihan ang lahat ng pinagdaanan mo at muntik ko pang makalimutan ang meeting dahil sa mga nalaman ko. At wala akong ideya na pupunta ka sa meeting na 'yon dahil napag-usapan na namin ni Herri ang tungkol sa partnership ng bawat kompanya natin. I'm sorry too for not doing anything just to find you. I trust enough the authority but they failed me that's why I lost you." "If I hadn't left you that night, this won't happen.

