MENTAL'S POV: Nang sumapit ang hapon, nag-aya akong maligo sa dagat at nagulat ako nang sabihin sa akin ni Summer na may swim suit sa closet niya mula pa sa brand ng kanilang kompanya. Isang pulang two piece swim suit ang binigay niya sa akin. "Sigurado ka ba talagang para sa akin 'to o nag-uuwi ka talaga ng babae dito?" Pang-uusisa ko kay Summer na kakalabas lang ng banyo. Nakasuot ito ng summer polo shirt na bukas ang tatlong butones mula sa kanyang leeg hanggang sa dibdib nito at isang board shorts. "Hindi ako basta-basta lumalapit sa babae mula nang maghiwalay kami ni Alice and no one dared to approach me when I lost you, Metallica Natalia. Are you doubting me now?" Aniya nang magkasalubong ang kilay. "Malay ko ba kung binabahay ka rito tapos hindi alam nina Tita. Baka isang araw m

