INABUTAN NI ETHAN na nag-uusap sina Carmella at Bernardo. Nasa loob ng silid nilang mag-asawa ang kaniyang mga anak. Alam na agad ni Ethan na may lagnat na rin ang dalawa niyang prinsipe.
“May lagnat na rin po ba sina Andong at Usting?” Tanong ni Logan.
“Oo, ganyan silang tatlo. Nararamdaman ng bawat isa sa kanila ang karamdaman ng bawat isa.”
“A sleepless night for both of us tonight, hon,” ani Carmella.
“Na mis lang yata kayong dalawa ng triplets ninyo,” wika ni Bernardo.
“Dad, I’ll take care of my kids. Magpahinga na po kayo. Logan, you can retire your room now,” ani Ethan.
“I would like to take care of Thalia, please, sir,” ani Logan.
“Matulog ka na. ‘Wag kang magalala. Bukas maayos na siya. Natural sa prinsesa ko na nilalagnat agad kapag naulanan o kahit maambunan lang.”
“I’m so sorry. It’s my fault we got drenched in the rain. Siya nga po pala. Injured po ang kabayo ni Thalia. I already dressed her wounded legs but still need vets' attention.”
“Thank you, Logan. You may sleep now.”
“Goodnight po. Muli patawad.”
“You don’t have to keep apologizing, Logan. Go rest now.”
Matapos tawagin ni Apol ang tiyuhin natulog na ito. Nagpaalam na rin si Bernardo na magpapahinga na. Papaling-paling naman sa higaan si Logan. Nag-aalala ito kay Tonyang. Kung alam niya sanang lalagnatin ito. Sana hindi niya na inilintana ang paguwi nila sa mansyon. Napuyat naman ang mag-asawa na mag-alaga sa kanilang triplets.
“Tama si Dad, Ethan. Our kids only need our attention.”
Kinabukasan parang hindi nagkasakit ang tatlo. Maaga pa ay nagkukulitan na ang tatlo habang tulog pa si Ethan at Carmella.
“Tonyang, nobyo mo na ba si Kuya Logan?” Tanong ni Usting.
“Nobyo? Eh, hindi naman ‘yon marunong manligaw.”
“Eh, magpapaligaw ka ba?” Pasegundang tanong ni Andong.
“Hindi. Ang sabi ko ligawan muna kayo.”
NASA HAPAG KAINAN na ang mga pinsan at Lolo Bernardo ni Tonyang ng bumaba ito sa hapag kainan. Matapos makipagkulitan sa mga kapatid nagpaalam na itong maliligo muna. Walang tigil ang pang-aasar ni Andong rito na amoy pawis si Tonyang.
Makailang ulit na tiningan ni Tonyang ang sarili sa salamin bago lumabas ng kaniyang silid. Nakasalubong niya si Logan sa hagdan. Natigil si Tonyang sa pagbaba sa hagdan dahil sa mapang-akit na titig nito sa kaniya. Pawisan ito na tila natapos pa lamang sa kaniyang eherisyo.
“How are you feeling now? Better, Thalia?”
“Yeah, I’m fine. Nag-jogging ka?”
“Yes, every morning.”
“Oh, ah, pababa na ako para mag-agahan. Hintayin na kita,” ani Tonyang.
“I have to shower yet. Mauna ka na.”
“I’ll wait,” ani Tonyang.
Naupo si Tonyang sa may hagdan. Doon niya hihintayin si Logan subalit hinila siya nito.
“Wait for me in the room. I’ll be quick,” ani Logan.
“Pagagalitan ako ni Papa,” pagaatubili ni Tonyang.
“Hindi ka niya pagagalitan. Come on!”
“Dito na lang ako.”
Muntik ng mahulog si Tonyang sa hagdan ng dahil sa pagpupumiglas nito. Nasalo ito ni Logan at hindi na binatawan. Pilit na pinipigilan ni Logan ang siklabo ng kaniyang damdamin. Subalit sa damit na suot pa lamang ni Tonyang gusto niya na itong ikulong sa kaniyang mga braso. Natural na namumula ang hugis pusong labi nito. Nakalugay ang kulot nitong buhok na bumagay sa suot nitong damit. It was a demin shorts paired with checkered long-sleeves na itinali sa bandang tiyan nito.
“You look stunning, Thalia,” ani Logan.
“Salamat,” sagot nito.
“But I rather have you change your clothes. Ayokong may tumitingi
n sa mga binti mo maliban sa akin.”
“Possessive agad? Parang sinagot na kita hindi ka pa nagsisimulang manligaw.”
“Do I have to?”
“Oo, kaya nasa probinsya ka. Wala ka naman po sa Amerika.”
Nginitian lang ito ni Logan bagkus na sagutin si Tonyang. Kung maari niya lang sabihin na pumayag na ang ama nito. Subalit sekreto nila iyon. May misyon pa siya bago tuluyang makuha ang basbas ng mga magulang ni Tonyang. Kailangan niya pang ipaalam sa kaniyang mga magulang ang kaniyang desisyon. Batid niyang hindi papayag ang kaniyang ama subalit wala itong magagawa.
“I have to shower. Nanlalagkit na ako,” ani Logan sa metikulosong tono nito,” wait for me here. Mabilis lang ako.”
Labing-limang minuto na naghintay si Tonyang sa may hagdan. Pinandigan niya ang hindi pagsunod sa kuwarto na inokupa ni Logan. Hindi niya naman sinunod ang kagustohan nitong magpalit siya ng damit.
“Let’s go,” ani Logan.
Titig na titig sina Trini at Apol kay Tonyang ng maupo ito kasunod si Logan sa hapag kainan. Tumikhim si Trini ng magsandok si Logan ng pagkain at inilagay iyon sa pinggan ni Tonyang.
“Prutas lang ang kinakain ng kapatid ko sa umaga,” ani Usting.
Natigil ito sa pagsandok ng sinangag para kay Tonyang.
“It’s okay. I’ll eat fried rice today.”
“Tonyang?” ani Usting. Inirapan nito ang kapatid.
“Apo, maayos na ba ang pakiramdam mo?”
“Yes, Popsie, I’m okay now. Ikaw iho,nakatulog ka ba ng maayos?” tanong nito kay Logan.
“Hindi po. I am dead worried of Tonyang last night,” anito.
“Uy, napaghahalata,” panunukso ni Trini,” girlfriend mo ba ang pinsan ko?”
Walang prenong tanong ni Trinity Leviste kay Logan.
“If she will allow me to, why not?”
“Thalia, if I were you. I won’t make patumpik-tumpik pa. Sasagutin ko na si Logan agad,” dagdag naman ni Apol matapos ay isinubo ang hotdog na makailang ulit na tinusok-tusok nito.” Baka maigaw ng iba. You’ll surely regret in the end, cousin.”
“Stop playing with your food, Apolinaria,” saway ni Berry sa kapatid. “If mom is here napagalitan ka na.”
“What would you like me to do with this hotdog? Kamayin ko?”
“And Apolinaria stop picking on Thalia.’Wag mo siyang igaya sa’yo patay na patay ka kay Enzo hindi ka naman pinapansin,” pang-uuyam ni Berry kay Apol.
“You just wait, brother. He will be chasing after me,” sagot nito matapos ay inirapan ang kapatid nito.
“Apol, are we going out?” Tanong ni Trini sa pinsan.
“Of course, Alfonso will be showing us around, right, Fonzy or else?”
“Oo, na. Huwag nga kayong makulit na dalawa. Kumain pa ako. Puwedeng tapusin muna ang pagkain ko? Saan ninyo ba balak pumunta?”
“Hey, you two are so unfair!” Palahaw ni Red. “Bakit kayo mamasyal na hindi kami kasama?”
“Mangugulo lang kayo sa shooting namin ni Apol,” ani Trini.
“Marami bang chicks sa pupuntahan ninyo?” Tanong ni Ron.
“Walang sisiw sa pupuntahan namin,” ani Alfonso.
“We mean girls,” pagtatama ni Rence sa kakambal.
“Oh, kiddos’ there is nothing wrong to have fun. Pero alalahanin ninyong nasa probinsiya kayo. Ang mga kinalakihan ninyong ugali sa Amerika ay hindi papasa sa mga kabataan rito. Naiintindihan ninyo ba ako?” Pangangaral ni Bernardo sa mga apo nito.
“Yes, Pops,” sabay-sabay na sagot ng mga ito sa kanilang lolo.