Kabanata 13 | Punishment

1322 Words
INUTUSAN AGAD NI Carmella si Usting upang kuhanan ng pamalit na damit si Tonyang sa kuwarto nito. Tinakpan niya lamang ng makapal na kumot ang anak. Ayaw nitong iwana si Tonyang kung sakaling magkombolsyon dahil sa taas ng lagnat nito. “Usting, ikuha mo ng damit ang kapatid mo sa silid niya.” “Mama pati po ba undergarments?” “Ano’ng katangahang tanong ‘yan, Usting? Malamang.Nakita mong basang-basa ang kapatid mo.” Ngumuwi ito matapos ay naupo sa recliner na katabi ng sofa kung saan nakahiga si Tonyang na walang malay. “Ayoko, Ma. I am not touching her undies and brassiere. No way!” “No allowance for one month,” ani Carmella.”No cellphone. No laptop. No gadgets at magtatrabaho kayo sa rancho araw-araw hanggang sa araw ng paglipad ninyo ni Andong sa Boston.” “Heto na po. Kikilos na,” sagot ni Usting. ”’Wag ninyo nang idamay ang mga kapatid ko. Ako na lang aako sa parusa. Tutal kasalanan ko naman kaya nilalagnat si Tonyang. Dapat hindi ko sila iniwan.” “Bilisan mo na, Usting.Kumuha ka rin ng makapal na dyaket at iyong paboritong niyang stuff toy dalhin mo rin rito.” Tinalikuran ni Alfonso ang ina. Kumatok ito sa kuwarto ni Tonyang kung saan naroon sina Trini at Apol. “Usting where na si Thalia?” Tanong ni Apol sa pinsan. “Nasa kuwarto nila Mama nilalagnat. Doon na siya matutulog ikukuha ko lang ng damit.” “Good!” ani Trini.”We have the bed to ourselves, Apol.” “Ano’ng good? Did you not hear what Usting said, Trini? Thalia is feverish. What’s good about that, huh?” “Haller! Her boyfriend is a doctor. So, then it’s good. He can cure him.” “What boyfriend? Who?” Takang tanong ni Apol kay Trini. “The guy she was dancing with last night. Don’t tell me you are blind Apolinaria. Did you not see how sweet they were dancing all night kahit wala ng tugtog? Hindi ba nobyo siya ni Thalia, Usting?” “No! He’s not. Estudyante ni Papa si Kuya Logan. Hindi ko siya gusto para sa kapatid ko. I heard about him being engaged to an American girl.” “Baka lie naman ‘yang engagement na ‘yan,” turan ni Apol. “Matulog na kayo,” anito. Nang makarating sa dresser ng kapatid tinitigan lamang nito ang drawer kung saan nakalagay ang mga damit panloob ni Thalia. “Apol!” Hiyaw ni Alfonso. “Why ka sumisigaw, Usting?” “Can you pick a pair of undies for me? It’s kinda ‘ew?” Nakangiwing wika nito. “What’s nakakadiri sa undies ni Thalia? They are not dirty clothes?” “Just do it, please,” Alfonso pleaded. “Only if you will drive us around downtown tomorrow. Trini and I will make bili some souvenirs. And oh, will shoot a video for our vlog too,” maarteng kondisyon ni Apol. “Fine! Can you bring those to Mama, please?” “Haist!” Apol sighed. “Usting it’s not kadiri to make hawak this, oh?”Abot ni Apol ng undergarments ni Thalia kay Usting. “Nooo! Nooo! No, please, take those to Mama.” Habang nandidiri si Usting sa undergarments ni Tonyang. Pasuray-suray naman na naglakad si Andong patungo sa kuwarto ng kaniyang mga magulang. “Ma,Pa, gising pa ba kayo?” Narinig iyon ni Carmella. Agad nitong binuksan ang pintuan. Hindi pa rin nakakabalik si Ethan mula nang umalis ito. Ganoon rin si Alfonso. “Oh, Andong, ano’ng ginagawa mo rito.” “I suddenly feel under the weather. I feel hot. I need paracetamol, Mama.” “Sit on the recliner. Wait for me,” ani Carmella. Hindi na nakaabot pa si Andong sa recliner. Hinimatay na ito sa taas ng lagnat katulad ni Thalia. Agad na nataranta si Carmella. Nilalagnat na rin si Alejandro ibig sabihin susunod na si Alfonso. Kanina niya pa ito inutusan subalit hindi pa bumabalik. “Andong! Oh, my goodness! Why is your father taking so long?” Pinindot ni Carmella ang alarm button na nakadikit sa dingding sa likod ng television. Alarma iyon sa bawat silid hudyat na may nangyari sa kanilang triplets. Pinasadya iyon ni Ethan dahil habang lumalaki ang mga anak ay madalas na sabay-sabay itong nagkakasakit. “Ethan!” Makailang ulit na humiyaw si Carmella subalit walang asawa na dumulog sa kaniya. Dinampot ni Alfonso ang laruan na bilin ng ina bago humakbang palabas ng silid. Sumunod naman si Apol na pakendeng-kendeng pang naglakad patungo sa kuwarto kung nasaan si Tonyang. “Bakit ba kasi dalaga na may yakap pang bunny bear sa gabi,” anas ni Usting habang hawak-hawak ang paboritong green stuff toy rabbit ni Tonyang. Nang makarating sa may tapat ng pintuan ay nasapo nito ang noo sa biglang pagkahilo. Pinilit ni Usting na makapasok sa silid. Matapos ay dirediretso ito sa kama. “Mama, nahihilo ako,” ani Usting. “Tita Ella, here’s Thalia’s PJ’s and undies,” abot ni Apol kay Carmella ng pantulog na damit ni Tonyang. “Apol, sweetie. Can you check on your Tito Ethan downstairs? Tell him he must hurry to our room. Our triplets are all sick now.” “Tita Ella, why po magkakasabay silang nilagnat?” “Can I explain later?” Tumango lang si Apol matapos ay lumabas na ng silid. Nauna pa si Bernardo na kumatok sa silid ni Carmella bago dumating si Ethan at Logan. Rinig nito ang boses ng anak sa kabilang kuwarto. “Dad,” ani Carmella. “Ano’ng nangyari?” “Nilalagnat ang mga anak ko.” “Hija, relax. Lagnat lang ‘yan.” “Daddy, all three of them all at once? Paano ako magrerelax?” “Ako na rito kay Andong. Painumin mo na ng gamot si Usting.” “Dad, si Usting ang nasa tabi mo hindi si Andong. Hay, naku! Hindi mo pa rin matukoy kung sino ang kambal ko. Samantalang ang kambal ni Ginger alam na alam mo,” may pagtatampong wika ni Carmella. “Anak, simula ng pinanganak ang quadruplets matagal na ang isang buwan na hindi ko sila nakasama. Kung pinili mo sanang manatili sa New York. Eh, ‘di mas nakilala ko ang triplets mo.” “Dad, narito ang negosyo ng asawa ko. Doktor rin siya kagaya mo. Mas pinili niyang magsilbi rito kaysa sa Estados Unidos. Isa pa masaya naman kaming namumuhay dito sa probinsiya. Sana’y maalagaan ninyo ang kambal ko kapag nanirahan na sila sa bahay ninyo sa Boston.” “’Wag kang mag-alala, Ella. Aalagaan ko ang mga anak mo. Si Thalia, hindi ba talaga sasama sa mga kapatid niya?” Tanong ni Bernardo habang sinusuri si Andong nanakahilata na sa recliner. Pilit na pinainom ni Carmella ang anak ng gamot. Habang si Usting naman ay may malay tao pa naman kaya hindi siya nahirapang painumin ito ng gamot. “Baby Bunny,” usal ni Thalia habang tulog na tulog ito sa sofa. Agad naman kinuha ni Carmella kay Usting ang hawak nitong stuff animal.Dahan-dahan ni Carmella na inilagay iyon sa tabi ni Tonyang. “Hanggang ngayon pala na kay Thalia pa rin ‘yan?” “Hay, Daddy. Hindi ko alam sa batang ‘yan. Tinago ko na nahanap niya pa rin.” “Hayaan mo na parte na lamang ng nakaraan ang laruang iyan. Hindi niya na iyon maalala pa. Nakapagpasya na ba si Thalia sa kurso niya sa kolehiyo?” “Dad, paiba-iba ang gusto ni Tonyang. Kanina sabi niya sa akin mag-nursing raw siya. Noong isang buwan Business Management.” “Suportahan mo kung ano talaga ang gustong tahaking profession ng mga anak ninyo. “Wag pilitin ang hindi ayon sa kanilang kagustohan.Iyon ang pagkakamali ko sa Kuya Trent mo noon. Napilitan siyang magpatakbo ng negosyo dahil inubos ko ang oras ko kakahanap sa’yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD