WALA NG SAPLOT na pang-itaas si Logan. Tanging ang pantalon na lang nito ang bota ang suot nitong damit. Bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan ni Tonyang sa basang-basang suot na damit nito.
“Hindi ko maaring bilisan ang pagpapatakbo. Baka tuluyang mapilayan ang kabayo mo.”
Madilim na ang kapaligiran ng makarating sila sa kapatagan. Malayo pa rinig na ni Tonyang ang boses ng kaniyang ama habang papalapit sila sa tarangkahan ng mansyon.
“Bakit mo iniwan ang kapatid mo, Usting?”
“Papa, kasama niya naman po si Kuya Logan.”
“Sinabi ko ba sayong iwanan siya kay Logan?”
“Pa, eh, bakit ninyo inimbita rito kung takot ka palang magkagustohan sila.”
“Ano’ng sinabi mo?”
“Papa, kagabi pa sila nagkakaigihan. Ni hindi mo man lang napansin ang kakaibang kilos ni Tonyang? Isa pa, sinabi ko na po sa’yo kanina. Hinalikan ni Kuya Logan si Tonyang kaya nag-inarte ang kapatid ko at pumunta sa burol.”
“Sweetheart, let our darling be. Ayaw mo ‘yon. Now we know she’s not—you know.”
“Napakabata pa ni Thalia. Laki sa Amerika si Logan. Ayokong masaktan ang anak ko. Hindi ko papayagang masaktan ang prinsesa ko ng dahil sa kaniya.”
“Bakit mo dinala rito? Alam mong may nakaraan ang mga bata sa Washington.”
“I don’t think Thalia could remember.”
“Paano kung naaalala niya? Mapipigilan mo ba? Ethan, we were separated for so many years. Ni hindi mo nga ako nakilala. But look what happened? I still end up marrying you.”
Ilang minutong pinagmasdan ni Thalis ang kaniyang mga magulang habang pinagagalitan ang kaniyang kapatid. Tiyak grounded silang tatlo. Ang kasalanan ng isa ay kasalanan nilang tatlo. Ganoon sila dinisiplina ng kaniyang ama. Kaya hanggang mapagtatakpan ang bawat isa. Ginagawa nila iyon to save each other from their father’s punishment.
“Ella, mas matagal kitang nakasama kumpara kay Thalia at Logan.”
“Ano bang kinatatakot mo, Ethan? Kung gusto nila ang isa’t isa. Hayaan mo. Mga bata pa sila. Let them enjoy their teenage love affair. Matalino ang anak mo, responsable at may paninindigan. May tiwala akong hindi siya papasok sa isang relasyong alam niyang siya ang dehado sa huli.”
“Ayan ka na naman, Ella. Kinokonsente mo na naman ang mga bata.”
“Like you don’t spoil them, Ethan?”
“Pa,Ma, nakauwi na pa ako. Sorry po late ako sa hapunan.”
“Sosmaryosep ng mga bata kayo. Hala! Pumanik na kayo sa taas at maligo. Naku, Thalia. Alam mo namang nilalagnat ka kapag nauula—,” turan ni Carmella. Hindi natapos nito ang pagsermon kay Tonyang dahil nawalan na ito ng malay. Nang hawakan ni Ethan ang kaniyang prinsesa inaapoy na ito ng lagnat. Agad na binuhat ni Logan si Tonyang.
“Sa kuwarto namin,” ani Ethan.
Nang mailapag ni Logan si Tonyang sa sofa. Pinalabas ito agad ni Ethan sa kuwarto. Kumuha naman ng tuwalya at bimpo si Ella. Pinanusan ang anak na nanginiginig sa lamig.Mag-aalas nuwebe na ng gabi. Pumanik na sa kani-kanilang silid ang kanilang bisita. Hindi na inabot ni Tonyang ang hapunan kasama ang kaniyang Lolo Bernard.
“Go shower, Logan. You might catch a cold. Mag-uusap tayo mamaya.”
“I’ll be waiting, director.”
“Hon, I’m worried baka magkasakit rin si Usting at Andong.”
“Lagnat lang ‘to. Alam mo naman si Thalia konting ambon lang inaapoy agad ng lagnat. Hindi ko na nasanay sa anak natin, Ella.”
“No, may pasa siya sa binti. Tingnan mo,” ani Carmella. Walang naikuwento si Logan kung ano’ng nangyari sa dalawa. Habang pinupunansan ang anak. Nasipat nito ang mga pasa balakang ni Tonyang.
“Nahulog kaya sa kabayo ang anak natin?”
“I will apply ointment on them. She’ll be fine,”
“Sigurado ka? Paano kung may fractured bones.”
“Hon, Logan must have checked on Thalia already before coming home. Maayos naman ang anak natin maliban sa inaapoy ng lagnat.”
Matapos masuri ni Ethan ang anak at mabigyan ng gamot. Tumayo na ito sa kinauupuan at inayos ang medical bag nito. Akmang palabas na si Ethan sa silid nilang mag-asawa matapos malapatan ng lunas ang anak nang pigilan ito ni Carmella.
“Saan ka pupunta? Hindi maganda ang lagay ng prinsesa natin, Ethan.”
“Ella, stop worrying. Thalia is fine. I need to talk to Logan. I’ll be back.”
Lumabas na si Ethan sa silid matapos ay sinundo nito si Logan sa kuwarto na inokupa nito upang kausapin nang masinsinan.
“Logan, gising ka pa ba?” Tawag ni Ethan matapos magpakawala ng ilang katok sa pintuan.
Narinig ni Ethan ang mga yabag ng paa nito na tila sadyang hinintay siya nitong dumating.
“Gising pa po.”
“Come out. Let’s talk.”
Kinakabahan si Logan habang nakasunod kay Ethan. Alam na kaya nito ang kaniyang sekreto. Isang kasunduan iyon na gawa ng kaniyang ama. Isa rin iyon sa rason kung bakit niya piniling ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina sa Pilipinas bagkus na sa Estados Unidos.
“Spill,” ani Ethan.”
“I kissed your daughter, intentionally.”
“Alam ko, sinabi na ni Usting.”
“Logan may usupan tayo. I’ll take you on vacation with me pero wala sa napagkasunduan natin ang magtake advantage of my daughters' naivety.”
“Aksidente po ang nangyari. When she landed on me, I couldn’t control myself. I kissed her. I’ll be honest with my intentions. Gusto ko po si Thalia. I would like to ask permission to formally enter into a courtship with your daughter. Please give me your blessings, sir.”
“’Wag na ‘wag mong sasaktan ang prinsesa ko, Logan. Wala akong pakialam kung dugong bughaw ka at bilyonaryo ka pa. I’ll burn your family business into dust sa oras na masaktan ang anak ko. Naiintindihan mo ba?”
“Yes, sir.”
“Are you allowing me to— “
“Yes. In one condition,” nakaharap si Logan kay Ethan, sinalubong nito ang mga mata ng kaniyang direktor sa SMC.
“Ano po ‘yon?”
“Help me convince my daughter to pursue her passion. Alam kong gusto niya lamang manatili rito dahil sa walang mag-aasikaso sa negosyo. Hindi niya kailangan akuin ang resposibilidad na nakaatang sa akin. I want her to pursue her dreams. Alfonso and Alejandro will be flying to Boston after summer. Maiiwan mag-isa rito ang prinsesa ko. Mas gusto kong makasama siya Maynila kaysa manatili siya rito.”
“Makakaasa kayo, sir. I will convince her to pursue the career she wants. Gusto niya po na maging doktor katulad ninyo.”
“I know. Napabayaan ko lang siya kaya lumaking kilos lalaki. Madalas kaming wala mag-asawa. Ang mga kapatid niya ang nagsilbing gabay ni Thalia habang wala kami ni Ella.”
“Thank you for your blessing, sir. I’ll do my best not to hurt your daughter.”