ILANG MINUTONG NAGTITIGAN sina Logan at Alfonso. Tumango ang kapatid ni Tonyang, hudyat na naintindihan nito ang pakay ni Logan matapos ay nagpatiuna na. Nang makaalis si Alfonso saka lamang nagsalita si Logan.
“Thalia, can we talk?” Patanong na wika habang kinakabahan sa kaniyang binabalak ipagtapat sa dalagita.
“May dapat ba tayong pag-usapan?”
“Oo, tayo.”
“Ano’ng tayo?”
“I’m sorry. I stole your first kiss.”
“Paano mo naman—“
“Alam ko. Ako ang una mong halik.”
Namula si Tonyang sa sinabi ni Logan. Dahil ba para siyang tuod at hinayaan niya itong lasapin ang kaniyang mga labi?
“No, your not my first. . . kiss,” pagsisinungaling ni Tonyang.
“May nobyo ka na pala? Tara na, umuwi na tayo. Baka magalit ang Papa mo at ang nobyo mo.”
Dahil kasundo niya naman si Red, pagpapangapin niya itong kasintahan niya. Pero matabil si Apol. Maboboko rin agad siya kapag iyon ang naisip niya. Isa pa magkakamukha sina Red, Berry at Tammy. Baka maling Red ang pagselosan ni Logan. Kapag si Berry, hindi ito marunong magtimpi. Si Tammy naman susugod agad. Si Red lamang ang medyo nakakasakay sa kalokohan nilang magpipinsan. Si Apol naman masyadong papansin at ang gusto ang lahat ng atensyon ay nasa kaniya.
Hindi nila kadugo ang quadruplets subalit kagustohan ng Popsie nila na magturingan silang magpipinsan na pawang magkakapatid. Kung gaano siya protektahan ng kaniyang mga kakambal. Ganoon rin ang mga ito sa kaniya.
“Wala akong nobyo. Sinabi ko na sa’yo kagabi. Kilos lalaki ako. Sinong lalaki ang magkakagusto sa akin? Balahura pa ako magsalita. Hindi ako mahinhin katulad ng mga pinsan ko o ng dalawang kaibigan ko. Hindi ako mahilig sa mga gamit panbabae o gawaing panbabae. Mas gusto kong nakakasalumuha ang mga tauhan sa hacienda. Mas gusto kong magpastol ng mga hayop kaysa ang rumumpa katulad ni Apol at Trini. Ayoko magsusuot ng bestida. Mas gusto ko ang patalon at ito mahabang manggas na damit.”
“Ang dami mong sinabi, Thalia. Oo at hindi lang ang sagot sa itatanong ko sayo.”
“Ano’ng bang itatanong mo?”
“Maari ba kitang ligawan?”
KANINA LANG NAMOMOREBLAMA si Tonyang kung paano haharapin si Logan. Ngayon naman gusto niya ng matawa sa mga buladas nito. Laking Amerika nga ito. Walang paligoy-ligoy. ‘Manliligaw? Marunong kay siya kung paano ang courtship sa probinsya?’
“Ligawan ako?”
“Yes.”
“Seryoso ka ba? Do you have any idea what courtship means dito sa probinsya?”
“No, pero maari naman pagaralan.”
“Pag-aralan? Pag-aaralan mo kung paano manligaw?” Bumingisngis si Tonyang na animo’y ang mga kaibigan niya lamang ang kaniyang kasama.
” I’m sorry,” anas nito habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan.”Nakakatawa ka. Ang lakas ng loob mong tanongin ako kung puwede akong ligawan. Eh, hindi mo naman pala alam kung paano manligaw. Alam mo? Gutom lang ‘yan. Umuwi na tayo. Papalapit na ang pagbulusok ng ulan.”
Logan pinched the bridge of his nose at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Sobrang napahiya siya kay Thalia. Parang sa kiddie cooking show lang noon. Naisahan na naman siya nito. Sapagkakataong ito. He is not walking out.
Wala pang limang minuto ang nagdaan. Nagsimula ng pumutak ang malalakas na butil ng ulan.
“West, bilisan mo!”
“Sagutin mo muna ang tanong ko.”
“Hindi kita maaring sagutin ngayon mismo. Nangako ako kay Papa. Kung talagang nais mo akong maging nobya. Si Papa at Mama ang ligawan mo pati na ang mga kuya ko.”
“Are you being serious, Thalia?”
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“Okay.”
“Ano’ng okay?”
“Okay, liligawan ko ang mga magulang at mga kapatid mo.”
Lihim na napangiti si Tonyang sa sinambit ni Logan. Mas bumugal ang pagpapatakbo ni Logan sa kaniyang kabayo. Sinadya niya iyon upang lumingon si Tonyang sa kaniya. Kung babalikan siya nito ibig sabihin may pagtingin rin ang dalaga sa kaniya. Subalit bigo siya. Mas pinatulin nito ang takbo ng kaniyang kabayo hanggang sa nadulas ito sa mga boulder na nagkalat sa daan. Kinabahan si Logan ng unti-unting dumaosdos si Tonyang sa pagkakasampa sa kabayo nito.
Agad siyang binalot ng kaba. Nag-aagaw na ang liwanag at araw ng dahil sa malakas na pagbagsak ng ulan. Madilim na ang kalingatan na tila may paparating na bagyo. Kumulog rin ng makailang ulit. Binilisan niya ang papatakbo ng sinasakyang kabayo. Inabutan niya pang may malay tao si Tonyang. Nasagip niya ang katawan nito bago tuluyang bumagsak sa mga malalaking bato sa daan.
“Are you hurt, Thalia?”
“Ma-maayos ako. Ang kabayo ko,” naiiyak na wika nito,” ang kabayo ko, West. Napilayan ang kabayo ko.”
May natanaw si Logan na mayabong na puno ng mangga ‘di kalayuan sa kinatigilan nila sa daan.
”I have to put you to safety first Thalia bago ang alaga mo.”
Sa ilalim ng ulan ay nagtatalo ang dalawa. Nagmamatigas si Tonyang halata naman na hindi na nito kayang gumalaw.
“Come on. Can you stand?”
Tumango si Tonyang, pinilit niyang tumayo kahit nanakit ang kaniyang balakang.
“What are you doing?”
“Carrying you. Why?”
“Kaya ko maglakad,” anas ni Tonyang.
“I suggest you don’t move. I have to check on you to make sure you don’t have any fracture.”
“West, kabayo ko ang napuruhan hindi ako. Can’t you hear my stallion whimpering in pain? I need to save him.”
Hindi pinakinggan ni Logan si Tonyang. Binuhat niya ito hanggang sa makarating sila sa may mangga habang sumusunod naman ang kabayong hila-hila niya. Pinaupo niya ito at sinumulang suriin.
“West!”
“What? I am checking if you have a fracture.”
“Eh, pinipisil at hinihimas mo na ang mga hita ko. Hindi naman check-up ang ginagawa mo. Kunin mo ‘yong kabayo ko roon. Maayos lang ako,” inis at pagalit na mala senyoritang utos nito kay Logan.
“Saving your stallion now, my queen.”
Inarapan ito ni Tonyang. Kung hindi niya ito sinindak baka iba ang magawa ni Logan sa kaniya. Halik pa lang iyon kanina malakas na ang epekto sa kaniya. Paano pa kaya kung dumampi ng tuluyan ang mga palad nito sa kaniyang katawan. Tiyak mababaliw siya sa ‘di niya malamang explanasyon ng kakaiba niyang nararamdaman sa binata.
Nailigtas ni Logan ang kabayo ni Tonyang. Subalit malaki ang galos nito sa kaliwang paa. Nang makasilong sa puno ng mangga. Agad na hinubad ni Logan ang suot na damit. Pinunit nito ang pangtaas na kasuotan matapos ay ipinulupot ang tela sa binti ng kabayo na nagdurugo.
“Dito na lamang muna tayo hanggang tumila ang ulan.”
“Hindi titila ang ulan. May bagyo, West. Kailangan na nating makabalik sa mansyon bago tuluyang dumilim.”
Hinila ni Logan ang kaniyang kabayo papalapit kay Tonyang. Matapos ay inaangat niya ito pasampa sa kabayo.
“Pakihawakan,” paki-usap ni Logan habang inabot nito ang tali ng dalawang kabayo kay Tonyang.