Chapter 10 | On The Hillside

1126 Words
HINDI NAGKAMALI SI Usting kung saan naroroon ang kakambal.He knows Antoinette more than Andong does. Malakas itong mang-asar at mang-alaska ngunit saksakan ng sensitiveness. Nakita ni Usting ang pagkabigla sa reaksyon ng kapatid kanina. He did not say a word kanina dahil sina Cheska at Ayesha ang may kasalanan sa nangyari. Sinadya ng dalawa ang pagkakatumba ni Tonyang kay Logan. Nakasalampak ito sa damuhan habang pinagbubunot ang nagkalat na petunia sa kinauupuan nito. Lumapit si Usting at nagbiro," kawawang wildflowers." "Leave me alone. Umuwi ka na, Usting." "Hindi ako uuwi na hindi ka kasama. Tara na. Ang dilim ng langit. Baka maubutan ka rito ng malakas na ulan." "May kubo naman." "Come on. Let's go home," pamimilit nito sa kapatid. "Ayoko." "Why?" "Eh, nahihiya ako kay West." "West?" "Si Logan." "First name basis na kayo ni Kuya Logan?" "Ayaw niya magpatawag ng kuya kagabi." "Oh, I see. That answers my question." "Answer your question?" Nakataas ang kilay ni Tonyang habang patuloy pa rin ito sa pagbunot ng mga bulaklak sa kinauupuan nito. Maya-maya ay dumapa ito sa damuhan. "Bumangon ka riyan Antoinette. Malayo tayo sa hacienda paano kung atakihin ka ng allergies mo?" "May dala naman akong gamot nasa bulsa ko." "At saan ka kukuha ng tubig." "Hindi na kailangan hahalonin ko na lang," aniya. "Alam mo ikaw. May tinatago sa akin. Hmmph! Magsalita ka na. Bakit ka biglang umalis kanina? Akala ko umuwi ka na." "Nahihiya nga ako kay Logan. Ano'ng sasabihin n'ya. Probinsyan ako pero haliparot." "Ah, kaya mo gustong magpaisa dahil sa hinalikan ka niya? "Nakita mo? Oh no! I'm doomed!" "Hey, it's okay. Ibig sabihin ganap na babae ka na!" Pang-aasar ni Alfonso sa kapatid niya. "Walang hiya ka! Akala ko naman seryoso ka. Aasarin mo lang pala ako." "Because you are acting broken-hearted. You shouldn't be." "That was my —" "Yeah, I know. Your first kiss and you wanted it to be magical like in a fairytale." "It's not that," kumunot ang noo ni Tonyang at namilog ang labi," why did he kiss me?" "Dahil gusto ka kaniya. Stop thinking about it. It just a kiss." "It's not just a kiss. Usting, it's my first kiss!" said Tonyang, frustratingly. "Eh, 'di congratulations! Ganap na ganap ka ng babae!" "Alfonso!" "Hindi kita maintindihan, Tonyang. Honestly, it's not an issue. Why is it a big deal?" "Umuwi ka na, Usting." "No! I am not returning home without you. Baka ma-double whammy ako ni Papa. Si Arthur tapos ikaw. Mapornada pa ang pagpunta ko sa Boston." "You got accepted?" "Yeap! Engineering." "Wow! Congrats! Eh, si Andong?" "Architecture. Ikaw? Hindi ka ba talaga sasama?" "No. I'm fine here. Cheska and Ayesha will be staying here too. Kung saan sila doon ako. Business Management na lang ang kukunin ko. Walang katuwang si Papa sa hacienda at rancho kung pati ako aalis pa." "Si Papa ba talaga? Oh, hindi ka na sasama sa amin dahil umiibig ka na?" "Usting, stop!" "Walang halong biro, Antoinette. Ma-miss kita," lambing ni Usting sa kapatid. Tinawag siya nitong Antoinette ibig sabihin seryosong usapan. Nakasanayan na ni Tonyang ang hudyat kapag ibig sabihin times up na ang kalokohan niya. Each of them screams her real name. God how she hates it! "May video call naman o 'di kaya chat." "Ma-miss kita kasi walang gagawa ng homeworks namin." "Walang hiya ka! Akala ko naman seryoso ka." "Tara na. Umuwi na tayo. Nasa bahay na sila Popsie. Alam mo naman kayo ni Apol ang paborito niyang apo." "Lolo doesn't have favoritism." "Yes, he does. Kayong mga prinsesa niya ang paborito niyang mga apo." "Sabik lang si Popsie sa anak na babae." "Kila Popsie ba kayo titira ni Andong?" "Hindi. We are trying to stay in the dormitory for the first semester. If it does not work out, then yes. Malapit ang university sa bahay ni Popsie. Kaya sa kaniya kami mag-stay. I heard the quadruplets live with him too." "Oh? Si Tita Ginger, pumayag? Nasa bahay pa ba sila?" "Nope, si Popsie na lang at ang quadruplets. Umalis na sila Tita Ginger at Tito Will, kasama ang kambal." "Kasama ba ni Popsie si Trinity?" "Yeap! Nakahilata na nga sa kuwarto mo. Ron and Rence are staying in our room. Sa kuwarto mo rin raw mag-stay si Apol." "Eh, sina Red, Tammy at Berry?" "Sa room ni Andong." "Eh, 'di saan matutulog si Logan?" "Sa kuwarto ko pa rin." "Umuwi na tayo, Tonyang. Para mawala na 'yang iniisip mo. Pinangangamba mo lang ako. Talk to him. Ask him why. Walang masama kung lilinawin mo kung bakit niya 'yon nagawa." "Hindi ka galit sa kaniya?" "No. Basta 'wag ka niyang sasaktan. Ipaglalaban kita ng p*****n, Antoinette." Niyakap ni Usting ang kapatid at tinulongan ng tumayo. "Uwi na tayo." Tumango lang si Tonyang sa kapatid. Hindi niya rin maitindihan ang sarili kung bakit ginawa niyang issue ang hindi naman issue. Parang baliw itong ngumiti at hinaplos ang labi ng kaniyang daliri. "Usting," tawag nito sa kapatid. "Bakit?" "Sabi ni Cheska matamis raw ang first kiss. Bakit hindi naman?" "It's an idiomatic expression.” "First kiss? Si Cheska. Did he say who?" Kinabahan si Alfonso sa sinabi ni Tonyang baka mabuking ang kalokohan niya. Nang malaman niyang pinaubaya na ni Cheska si Macoy kay Ayesha agad siyang nagpahiwatig nang pagkagusto sa dalaga. BAGO PA MAN sila nakarating sa paanan ng bundok. Nakita na ni Alfonso ang kabayong paparating. Lulan noon si Logan, tinatahak nito ang daan papunta sa burol “Look, who’s coming for your princess?” Panunuya nito. “Oh, no! Usting ano’ng gagawin ko?” “Tonyang, act normal. Parang wala lang sa’yo ang halik na ‘yon kahit na ramdam kong kinikilig ka riyan.” “Stop it! I need you to be serious for a moment, Alfonso. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” “Come on! Loosen up, halik lang ‘yon. Halik lang. Stop that girl drama how precious the first kiss is. Hindi naman siya ang first kiss mo, si Mama at Papa. ‘Di ba?” Ganitong-ganito rin kay Tonyang ang reaksyon ni Cheska noong basta niya na lamang hinalikan ito habang umiiyak sa may tabing-ilog. Nangangabayo siya noon ng makita niyang mag-isa si Cheska. Dalawang taon na ang nakalilipas. Nagbakasyon ito galing Estados Unidos. Isang taong anibersaryo ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Akala ni Alfonso ay nagdadalamhati ito sa pagkamatay ng kaniyang ina. Subalit ang pagkamatay ng puso pala nito ang tinatangis ni Cheska sa may tabing-ilog na kanilang tambayan. Habang papalapit ang kabayo ni Logan hindi naman mapakali si Tonyang. “Relax,” wika ni Alfonso. “I’m trying.” Hanggang sa nagkasalubong na ang kanilang mga landas. “Be home before seven, Tonyang. Be there on time. You know Papa is so strict.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD