Chapter 2: Too late

960 Words
Eunice's POV Hindi maampat ang luha ko habang nagda-drive ako pauwi. Galing ako sa condo unit ni Jun. After four years, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magpakita ulit sa kanya. I expect him to be angry at me pero nasaktan pa rin ako sa naging trato niya sa akin. Well, I deserved it. Nasaktan ko siya. At pinahiya sa harapan ng maraming tao dahil sa pagtakas ko sa kasal namin. Sobrang nagsisisi ako ngayon dahil sa ginawa ko noon. Kung hindi lang ako natakot ay baka masaya na kaming nagsasama ngayon at siguro may mga babies na rin kami. Pero hindi! I just had to run away on our wedding day just because I got scared of what would happen in the future. Natakot ako na baka hindi magtagal ang relasyon namin gaya ng nangyari sa parents ko. Almost lahat ng mga relasyon na nasaksihan ko ay hindi nagtatagal. Unang-una na doon ang mga magulang ko. Marami rin akong kaibigan na naghiwalay. And the last and worst was Sai and Sairah. They did not fall out of love but theirs was so heartbreaking because they cannot be together anymore. And natakot ako na baka ma-fall out sa akin si Jun o baka hindi rin kami magtagal kaya tinakasan ko siya. And it was the most stupid thing I ever did. Matagal ko ng gustong bumalik pero natakot ako na ipagtabuyan niya ako. Sinaktan ko siya ng sobra. Dapat naniwala ako sa pag-ibig niya sa akin dahil ipinaglaban niya ako. Pero anong ginawa ko? Masyado akong nagpadala sa takot ko! Parang naririnig ko pa ang mga masasakit na salitang binitawan niya kanina... "What did you say again?" tanong nito sa akin ng makapasok kami sa loob ng condo unit niya. Noon, palagi akong nandoon. I always spend the night in his condo. Saksi ang lugar na yon kung gaano niya ako minahal. At habang nandoon ako ay hindi ko maiwasang maalala lahat ng mga iyon. "Take me back." I said with more conviction habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. I feel so nervous right now. Sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko parang lalabas na yon sa ribcage ko. "Do you hear yourself, Ms. Saavedra?" nanguuyam na tanong nito. "Why would I take you back when you are the one who ran away?" I gulped. "I know. Ako ang lumayo kaya andito na ako ngayon." "Para ano?" Nagulat ako ng bigla na lang nitong sakmalin ang magkabilang braso ko. Natatakot ako ngayon sa kanya. Punong-puno ng galit ang mga mata nito at nagngangalit ang bagang nito. "J-jun..." "Para makipagbalikan sa akin?" he scoffed. "Ang kapal naman ng mukha mo kung tingin mo ay ganon na lang yon kadali. You have hurt me bad. You put me in shame. I fought for you and me pero sumuko ka kung kailan nandoon na tayo sa tuktok!" "I'm sorry... I'm sorry..." I cried and he let me go harshly at napaupo ako sa couch. "Sorry? Sa tingin mo mababawi ng sorry mo ang mga nawala sa akin noon?" namumula ang mukha nito sa galit at nakikita ko ang mga litid nito sa leeg. "f**k YOU!" sigaw nito sa akin at napakislot ako. This is not the Jun I love. The Jun I know was very caring and gentle. But it's my fault because I turned him into this. "f**k YOU! My parents disowned me because I fought for you. Mahigit isang taon kong hindi makausap ang mga magulang ko ng dahil sa'yo!" Alam ko naman iyon. Kasalanan ko ang lahat! And I deserved this kind of treatment from him. "Tinalikuran ko ang lahat para lang sa'yo pero tinalikuran at tinakasan mo ako. And I hate you for that!" May diin ang bawat salita nito at para akong sinasaksak sa puso. "I'm sorry!" tumayo ako at humawak sa braso niya. "I know it's my entire fault and I really regret it, Jun. Please let me make it up to you. Babawi ako sa'yo. Promise! Hindi na ako matatakot! Hindi na ako tatakas! Just please... take me back! I love you, Jun. I love you still! I never stopped loving you!" umiiyak ako sa harapan niya. He took a step back away from me and he looked at me coldly. Pakiramdam ko nanlamig ang buong kalamnan ko sa lamig ng mga mata niya. Tumalikod ito at may kinuha sa isang drawer at inabot iyon sa akin. "What is this?" I asked him without looking at the small envelope he gave me. "Buksan mo at basahin." He said and I did. Parang gumuho ang mundo ko ng mabasa ko iyon. Santillan and Villanueva Nuptial "You can come. Pwede ring hindi. It's up to you. Now, get out." –were his cruel words before I left his place. Nanghihina akong pumasok sa loob ng condo unit ko. Umupo ako kaagad sa couch dahil pakiramdam ko mabubuwal na ako. Kinuha ko ulit ang wedding invitation na binigay sa'kin ni Jun at binasa iyon ulit. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang binabasa ko 'yon. Parang ayokong maniwala pero heto at hawak ko ang ebidensya. Ikakasal na siya sa iba. Parang kailan lang kaming dalawa ang nagpaplano ng kasal namin. Ngayon ikakasal na siya sa iba. Bakit ba ang tanga tanga ko!? Bakit ako nagpadala sa takot? Ugh! I hate myself! This is my entire fault. If only I was stronger to face the future with him. If only I believed in our love edi sana masaya na kami at may sariling pamilya. I scanned the invitation again. Ikakasal na siya next week at gusto kong magwala. I want to hurt myself physically pero para saan pa? Wala na siya. Hindi ko na siya mababawi pa. I was too late! End of Chapter 2
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD