Chapter 3: "I do"

1474 Words
Eunice's POV Nandito ako ngayon sa mansion ng mga Santillan at kaharap ko ang babaeng pakakasalan ng lalaking pinakamamahal ko. I don't know what came to me... ang alam ko lang nang magising ako kaninang umaga ay kailangan kong makausap si Hannah. Kita ko sa mukha nito ang inis. I can't blame her. The two of us became close friends four years ago. Laking pasalamat nito sa akin dahil na-cancel and engagement nila ni Jun noon dahil daw dumating ako at nagkagusto si Jun sa akin. Jun and Hannah were the best of friends. They were very close noon at kahit na alam kong kahit magkaibigan lang ang turingan nila ay hindi ko maiwasang pagselosan si Hannah. But I kept it to myself. "What are you doing here?" she asked me. Mataray ang tono ng boses nito. Nakaupo ito sa harapan ko kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. I knelt down in front of her. Nanlaki pa ang mata nito sa ginawa ko. Nakakababa ng pride pero the hell with it. Mas mahal ko si Jun kaysa sa pride ko. Gagawin ko ang lahat para sa pag-ibig ko sa kanya kahit bumaba pa ang tingin ko sa sarili ko. "Cancel the wedding." I said as I look straight into Hannah's eyes. "What?" My tears fell. "I'm begging you, Hannah. Cancel your wedding with Jun." I begged her as I touched her knees. Tumayo ito at tinalikuran ako. "Tumayo ka diyan." She said coldly. "Hannah... parang awa mo na. Mahal na mahal ko si Jun." She faced me and slapped me in the face. Sa lakas ng sampal niya ay napasubsob ako sa couch. "Kung mahal mo siya bakit mo siya iniwan?" she shouted at me. "Kung mahal mo siya bakit mo siya sinaktan?" "I got scared. I got scared... natakot ako na baka mawala na lang isang araw yong pagmamahal niya sa akin o yong pagmamahal ko sa kanya. Natakot ako pero sobrang pinagsisisihan ko na yon, Hannah." I went to her and grabbed her legs. Kulang na lang ay yakapin ko ang mga binti nito. She pushed me away. "Putang inang takot yan! Alam mo ba kung gaano nasaktan si Jun dahil sa takot mong yan! Halos mabaliw siya sa kahahanap sa'yo! Halos mapariwara na ang buhay niya!" "Hannah! Please!" I cried so hard in front of her pero parang wala na talaga itong awa na nararamdaman sa akin kahit na katiting. "Get out! Kahit na mapudpod pa yang mga tuhod mo sa kaluluhod hinding-hindi ko gagawin ang hinihiling mo." She said at tinalikuran na nito ako. I was crying my heart out habang nakaluhod pa rin ako doon pero hindi nagtagal ay naramdaman kong may humila sa akin ng marahas. "WHAT DO YOU THINK YOU ARE DOING???" Jun shouted at me. Kulang ang sabihin na nagulat ako dahil takot na takot ako. He looks like he could kill me. "Jun..." "Bakit mo ba ito ginagawa, Eunice? Dahil mahal mo ko? Well, let me tell you this Eunice. I hate you! Kung hindi lang kasalanan sa diyos ang pumatay baka napatay na kita!" gigil na gigil na sabi nito. I winced in pain. The way he was handling me is so painful but his words were more painful. His words are like thousands of needles that is prickling my heart right now. "I'm sorry, Jun. I was desperate. Ayokong magpakasal ka sa iba. Mahal na mahal kita, Jun." Mas lalong nagdilim ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Hinila niya ako ng marahas at napapa-aray ako sa sakit dahil doon. Hinila niya ako palabas ng mansion ng mga Santillan. He let me go harshly when we were outside the gate at napasadlak ako sa lupa. "Itong tatandaan mo, Eunice. Binigyan kita ng imbitasyon para makadalo sa kasal ko... hindi ko yon babawiin pero wag na wag kang magtatangkang mag-eskandalo doon kundi gagawin kong empyerno ang buhay mo. Naiintindihan mo!" sigaw nito bago pumasok sa loob at iniwan ako doong umiiyak. ~~~~~~~~~~~~~~***************************~~~~~~~~~~~~~~ It's Jun and Hannah's wedding day. Baliw na talaga ako dahil dumalo pa rin ako kahit na alam kong sobrang masasaktan lang ako. I went alone at bawat kamag-anak ni Jun na makakita sa akin ay parang gusto akong tirisin. I can't blame them. Pero tirisin man nila ako ngayon wala pa ring silbi yon dahil durog na durog na ang puso ko. Gusto kong pigilan ang kasal pero ayokong madagdagan ang galit sa akin ni Jun. Tama na ang minsan ay nasaktan ko siya ng sobra. Napakasakit but I have to accept that I have lost him... forever. I was wearing a long white body hugging dress. Napakasimple niyon. Simple lang din ang make up ko. Naglagay ako ng concealer para hindi maklaro ang pangingitim ng gilid ng mata ko dahil sa hindi na ako makatulog at kakaiyak ko. Kung pwede lang sana ay itim ang isusuot ko pero wag na lang. Ayokong mahalata ng lahat na nagluluksa ako. Ilang minute na lang at darating na ang bride. Hindi ako umupo kasama ng mga pamilya ng groom at bride. Nasa isang sulok lang ako nakatayo habang nakatingin kay Jun. Jun looks so stunningly handsome with his white tuxedo. Best man nito si Alex. At groomsmen naman si Sai at Red but I don't see Red anywhere. Alex knew I was here. Galit din ito sa akin at hanggang ngayon ay hindi pa ako kinakausap. Ang laki ng kasalanan ko dahil hindi lang si Jun ang nasaktan ko nang umalis ako kundi pati mga kaibigan namin. This must be my karma. Lumipas ang ilang minute at hindi pa dumarating ang bride. Late na ito ng 30 minutes at naiinip na rin ang mga guests. Then a man came to Jun and whispered something to him. "THIS CAN'T BE!" he shouted at nakuha nito lahat ng attention ng mga guests. I saw Jun's parents approached him together with Hannah's parents at nag-usap ang mga ito. Nagbubulong-bulongan na rin ang mga tao doon sa simbahan. Naguguluhan ako. Gusto kong magtanong kung ano ang nangyayari pero nanatili lang ako doon na nakatayo. I was just looking at them then Jun looked at me sharply. His looks were like daggers. Unti-unti itong lumapit sa akin and he was like a predator that is ready to kill me. Nakaramdam ako ng takot. Sinakmal nito ang mga braso ko. "May kinalaman ka ba dito?" sigaw nito sa akin. Sa lakas ng boses nito ay nag-echo iyon sa buong simbahan. "J-jun... I-I don't understand you." Bakas sa boses ko ang takot. Napangiwi ako dahil mas hinigpitan nito ang hawak nito sa mga braso ko. Sigurado akong magkakapasa ako. "Kapag nalaman kong kinasabwat mo si Red na itakas si Hannah... papatayin kita!" he said throught gritted teeth. I gasped in horror. I can feel that he meant every word he said and it scared the hell out of me. Binitiwan niya ako at lumapit sa mga magulang nito. Napahawak ako sa poste dahil nanghina ang tuhod ko. Lumipas ang ilang sandali at nagsi-alisan ang mga kamag-anak ng bride. Wala akong maintindihan. Ano bang nangyayari? Dapat na rin akong umalis but for some reason... hindi ako makalakad. Parang napako na ako sa kinatatayuan ko. I heard a voice shouted from Jun's direction at napatingin ako sa kanila. I saw Jun approaching me again. Nakaramdam ako ng takot at tatakbo na sana ako pero sadyang ayaw maki-ayon ng mga paa ko. He grabbed my wrist and pulled me harshly to the altar sa harapan ng pare. Nahihilo na ako at sobrang nagugulohan. Ano na bang nangyayari? "Jun kapag pinakasalan mo ang babaeng yan tatanggalan kita ng mana!" I heard his dad shouted. "Jun, anak! Maghunos-dili ka! Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng babaeng yan sa'yo?" his Mom said while crying. I was looking at them. Ano bang pinagsasabi nila? Hindi ko sila maintindihan. Anong pakakasalan ako ni Jun? "Kapag pinigilan niyo akong magpakasal ngayon... I swear hinding-hindi na ako magpapakasal kahit na kailan and you won't ever see an heir from me!" Natigilan ang mga magulang ni Jun at pinaharap niya ako sa pare. "Father ikasal niyo na po kami." Napatingin ako rito. Am I hearing it right? Gusto niyang makasal kami? "Anak sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ng pare kay Jun. "Yes, Father. I've never been so sure in my entire life." He said through gritted teeth. Parang nablangko ako. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Para akong nasa ilalim ng tubig at wala akong marinig na mabuti. Diyos ko! Ano bang nangyayari? "I repeat. Do you, Eunice Saavedra, accept Michael Angelo Villanueva Junior, to be your lawful husband through sickness and in health, through happiness and sorrow, until death do you part?" I don't know what happened but my mouth automatically answered what my heart wanted to say. "I do." To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD