Walang naganap na reception dahil nga nagsi-uwian ang mga bisita kanina.
Nakatayo sa labas ng simbahan si Eunice at hinihintay si Jun na nakikipag-usap sa parents nito.
Ang bilis ng pangyayari. Kasal na sila ni Jun. She's happy, of course. Who wouldn't? Ikinasal siya sa lalaking mahal niya. Pero hindi niya maiwasan na makaramdam ng takot.
Takot sa mga posibleng mangyari. Galit si Jun sa kanya at alam na alam niya iyon. Sana lang ay mahanap nito sa puso nito ang mapatawad siya.
Nawala siya sa daloy ng iniisip niya ng may sumampal sa pisngi niya. Napamulagat siya dahil sa gulat. Napahawak siya sa pisngi niyang namamanhid dahil sa sampal. Nang tingnan niya kung sino ang sumampal sa kanya ay ang mga nanlilisik na mga mata ng Mama ni Jun ang nakita niya.
"Kung iniisip mong matatanggap ka sa pamilya namin, nagkakamali ka!" she hissed at her face bago ito umalis at kasunod nito ang Dad ni Jun.
Nakahawak pa rin siya sa pisngi niya ng hilahin siya ni Jun sa braso. Tinulak siya nito papasok sa loob ng kotse nito at saka ito umikot papasok sa driver's seat.
"Saan tayo pupunta?" kapagkuwan ay tanong niya rito habang nasa daan sila.
Jun smirked. "Ano ba ang ginagawa ng bagong kasal after the wedding?"
Nag-isip siya. Of course, after the wedding comes the reception then honeym... Holyshit!
Her jaw dropped and her eyes widen.
Jun glared at her before he concentrated on his driving. "What? Don't act like a f*****g virgin, Eunice, when we both knew you're not!" humigpit ang pagkakahawak nito sa steering wheel at pinabilis nito ang takbo ng sasakyan.
Nasaktan siya sa sinabi nito. Pero pinagsawalambahala niya iyon. Ayaw niyang magkasagutan sila. Kasal na silang dalawa at ayaw niyang makipag-away dito.
Pagkalipas ng ilang sandali tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng Libra Tower kung saan naroroon ang condo unit niya.
Teka! Paano niya nalaman na dito ako nakatira? Tanong niya sa sarili.
"Pack your things. We'll be leaving to Paris today. I'll pick you up after an hour." He said without looking at her.
Bumaba siya sa kotse nito at sinabihan mag-ingat. Hindi siya nito tiningnan man lang kaya sinara na niya ang pinto ng kotse nito at agad nito iyong pinaharurot palayo sa kanya.
But again, she shrugged it off.
Gaya ng utos ni Jun, she packed her things but only her essentials. Yong mga gamit lang niya na sa tingin niya ay kakailanganin niya. Baka hindi sila magtagal ni Jun sa Paris.
After packing, she took a quick shower and changed clothes. She wore a frilly loose sleeveless cotton dress that reach her mid-thigh and black leggings that hugged her long legs. She paired it with flat cream colored shoes para kapag hinila siya ni Jun ay hindi na siya mahihirapan.
Medyo nananakit kasi ang paa niya dahil sa panghihila nito. Mabuti na rin yong prepared.
At exactly after one hour nasa baba na siya ng lobby ng Libra Tower. Hindi nagtagal ay dumating si Jun. His eyes were roaming around the place and it settled on her.
She smiled at him at lumapit siya rito. Umawang ang labi nito at nakatitig sa kanya. She knew that kind of look. He's mesmerized by her. Pero agad din itong nakabawi dahil sumimangot ito at tinalikuran siya.
Ni hindi man lang siya nito pinuri gaya ng palagi nitong ginagawa dati.
Dati kasi, palagi siya nitong sinasabihan na ang ganda niya. Na siya na ang pinakamagandang babae na nakita nito sa buong buhay nito.
Asa ka pa, Eunice! You know hindi magiging madali ang lahat!
Napabuntong-hininga siya at sinundan ang kanyang asawa. Asawa. Napangiti siya. Asawa niya si Jun. Pwede na niya itong ariin dahil kasal na sila sa harapan ng diyos.
They went to Leo Airlines na pag-aari ng pamilya ni Jun. Diretso silang pumasok kung saan nakalagak ang private plane ni Jun.
Hindi siya kinikibo ni Jun at hindi na rin siya nagsalita. Sinusundan lang niya ito. After a couple of few minutes ay nasa himpapawid na sila patungong Paris.
Magkahiwalay sila ng upuan ni Jun. Hindi ito tumabi sa kanya. She was looking at him. He was resting his head and his eyes were close. He looked so tired and she didn't have the heart to disturb him. So she settled on her chair and closed her eyes to get some sleep.
Matatagalan ang biyahe nila papuntang Paris. At hindi pa nga lumilipas ang limang minuto ay nakaramdam na siya ng pamimigat ng mata niya.
Oo nga pala. Halos wala siyang tulog nitong mga nakaraang araw dahil sa nalalapit na kasal ni Jun at Hannah which turned out na naging kasal nila ni Jun.
Ilang gabi din siyang iyak ng iyak kaya heto at mukhang makakatulog na siya ng payapa sa kaalamang sa kanya na si Jun.
You're mine, my husband.
Nagising siya dahil sa pagyugyog sa kanya. Nang imulat niya ang mga mata niya ay sinalubong siya ng mukha ni Jun.
"Get the f*****g up kung ayaw mong iwanan kita rito." came his annoyed voice.
Napabalikwas siya at tumingin-tingin sa paligid. Dumating na pala sila. Kinuha niya ang bag niya at sinundan ito. Pagkababa nila sa private plane nito ay sumakay sila sa kotse na naghihintay sa kanila.
After 20 minutes ay bumaba sila sa isang five star hotel. Tiningala niya iyon. MAE Hotel ang pangalan ng hotel. Nang pumasok sila ay binabati nila si Jun ng congratulations.
Pag-aari rin ba nila Jun ang hotel na ito? Hindi niya maiwasang itanong sa sarili.
Dire-diretso si Jun na sumakay ng elevator at sumunod siya rito habang dala-dala niya ang bag niya. Jun pressed the top floor button.
"Ahm... pag-aari niyo rin ba ang Hotel na ito?" she asked him dahil hindi na niya kayang manahimik. Kanina pa sila hindi nagkikiboan at gusto niyang marinig ang boses nito. Pero tango lang ang sinagot nito sa kanya.
Hindi na nakakapagtakang malaman na pag-aari nito ang hotel. The Villanueva are one of the wealthiest family in Philippines. Marami ang mga negosyo ng mga ito from airlines, hotels, restaurants, malls and more. At si Jun at ang kapatid nitong si Marco ang magmamana lahat ng mga iyon. May isa pa silang kapatid na babae, her name is Maria Angela or Ella. The last time na nakita niya si Ella ay nung nineteen pa ito. She bet na dalagang-dalaga na ito.
Nanlamig ang mga kamay niya ng marinig niya ang pagtunog ng elevator. Dumating na sila sa top floor kung nasaan ang magiging kwarto nilang mag-asawa. They will be alone. At naalala niya ang sinabi nito kanina.
Ang ginagawa ng bagong kasal pagkatapos ng kasal... which is honeymoon!
Wala pa man ay kinakabahan siya na na-i-excite. She loves Jun and she would love to bear his children. Iniisip pa lang niyang magkakaroon sila ng anak ay parang gusto ng lumipad ng puso niya.
Pumasok si Jun sa isa sa mga pintuan at sumunod siya rito. Hindi na niya hihintaying hilain siya nito. Pagkapasok niya sa loob ng kwarto ay napahanga siya sa ganda ng loob. Dumiretso siya sa balcony ng room nila at tumingin sa labas.
She breathed the romantic fresh air of Paris. Kita niya ang Eifel Tower mula sa kinatatayuan niya. At mas lalo siyang na-excite sa isiping makakapasyal siya ulit sa Paris. It's been so long since the last time na nakagala siya sa Paris.
She's been to many places dahil mahilig siyang mag-gala. Now parang gusto niyang mag-gala na naman.
"Get inside here, Eunice. Baka mahulog ka diyan." Narinig niya ang malamig na boses ni Jun. His voice lacks emotion.
Pumasok siya at dinala niya ang bag niya sa loob ng kwarto at inayos ang gamit niya. Nagshower siya. She took her time cleaning herself. Nag-apply siya ng kung anu-ano. Gusto niyang maging memorable and first night nila bilang mag-asawa. Then she wore a very sexy lingerie. Regalo iyon sa kanya ni Hannah noong bridal shower niya noong dapat ay ikakasal sila ni Jun.
It was a black see through lingerie. Maluwag iyon sa katawan niya at umabot lang hanggang sa singit niya. She wore red lacey panty and no bra. Kaya naman kita ang n*****s niya sa suot niyang lingerie. She took a look at herself in the mirror.
I'm smoking hot!
She giggled. Teka nasaan na pala ang asawa ko?
She wore a robe at lumabas ng kwarto nadismaya nang makita niyang naglalasing ang asawa niya sa tapat ng minibar na nasa sulok ng hotel room nila. At base sa tatlong bote ng alak na nasa tapat nito alam niya ng lasing ito.
Jun is not a drinker. Mas malakas siyang uminom kesa rito. Alam niya iyon dahil minsan na silang nagkaroon ng drinking contest at natalo niya ito. Isang bote lang ang kaya nito.
Hinigpitan niya ang pagkakabuhol ng tali ng robe niya at nilapitan ito.
Jun was about to drink another glass of wine when she took the glass from his hand. He instantly glared at her.
"How dare you to take my drink away from me?" He snapped at her. Base on his slurring voice, Eunice concluded that he's really drunk now.
"You're drunk. Tama na yan. Atsaka bakit ka naglalasing? Honeymoon natin." Sabi niya at pinamulahan siya ng ngumisi ito ng nakakaloko.
He stood up at arm's length away from her. "Yeah right. It's our honeymoon."
Nagulat siya ng pangkuin siya nito.
Sobrang lakas ng t***k ng puso niya pero hindi niya ito sinaway. Muntik na silang matumba sa sahig dahil nga lasing ito. Nang makapasok sila sa kwarto ay binagsak siya ni Jun sa kama.
"Let's consummate our marriage, sweety." He said huskily.
Oh how she missed his endearment to her.
Kumubabaw ito sa kanya at pinikit niya ang mata niya nang ilapit nito ang mukha nito sa kanya. Akala niya ay hahalikan siya nito sa labi pero bigla na lang bumagsak ang buong bigat nito sa katawan niya.
"Jun..." tawag niya rito pero no reaction. Tinawag niya pa ito ng ilang ulit pero no reaction pa rin.
Tinulak niya ito ng malakas kaya naman napahiga ito sa kama and disappointment attacked her system when she saw how fast asleep he is.
Tinulugan siya ng asawa niya sa unang gabi nilang mag-asawa!
TBC