Chapter 1

780 Words
JEANN "Are you Miss Jeann Vasquez?" tanong ni Miss sa akin kaya napatango ako. "Just wait here," sambit nito sabay sara muli ng pinto. "Okay, class, magkakaroon kayo ng bagong kaklase this year kaya tumahimik ang lahat!" sigaw ni miss sa mga estudyante sa loob. Napatingin ako nang bumukas ulit ang pinto. "Pwede ka nang pumasok," nakangiting sabi niya. "Thank you po." Dahan-dahan akong pumasok sa loob at halos tila kuliglig na lang ang maririnig dahil tahimik silang lahat at sa akin nakatingin. Halos napasinghap silang lahat dahil nakilala nila kung sino ang nasa harap nila. It's me lang naman. Tingnan na lang natin kung hindi pa nila ako makilala. Ngumiti ako nang peke sa kanila kasabay ng pagsasalita. "Hello, everyone! I'm Jeann Zane Vasquez from Elite's Section na nalipat dito. Sana magkasundo tayong lahat," pagpapakilala ko sa kanilang lahat at narinig ko pang sumipol ang ibang lalaki rito. Tsk, p*****t! Nadapo ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo sa gilid habang may katabing babae sa gilid nito. Kung hindi ako nagkakamali na ang katabi nitong babae ay si Anne, isa sa mga babaeng malandi na halos lahat ng mga lalaki dito sa campus ay pinapatulan niya. Kasama rin nito ang dalawa niyang alipores. Sabi nga nila the 'birds with the same feathers flock together' kaya hindi na ako magtatakha pa na pinapatulan nila ngayon ay ang isa sa mga sikat dito sa campus. Sino pa ba ang lalaking tinutukoy ko? Si Kaito. Tinaasan ko siya ng kilay dahil kung makatingin sa akin, tila ba kinikilatis ako nito mula ulo hanggang paa. As If I care what he's doing. "Maaari ka nang umupo sa tabi ni Mr. Del Valle." Tinuro ni Miss ang lalaking nakayuko at tila bored sa mundo. Inis akong lumapit dito at umupo sa katabi niyang upuan. Nagsimula na muling magturo si Miss. Nakinig lamang ako kasabay ng pag-take down notes para naman may maturo ako sa lalaking nasa tabi ko. "Okay, class, dimiss," sambit ni Miss. "Ehem." Umubo ako para naman magising itong tao na nasa tabi ko. Parang wala itong narinig kaya inis ko itong hinarap kasabay ng pagbatok sa ulo niya. "F*ck! Ano ba'ng problema mo?" inis nitong sigaw sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Hoy, ikaw! hindi mo ba alam kung bakit nandito ako, hah?!" sigaw ko sa kanya. Nagbulungan na ang mga kaklase naming dalawa dahil sa nasasaksihan nila. Ano pa ba, kung hindi ang bangayan naming dalawa. "Ano'ng pakialam ko? Binayaran ka ba para turuan ako? Don't worry dahil dodoblehin ko ang bayad sa iyo!" galit nitong sabi. Tumayo ito pero mabilis na dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. "Para sabihin ko sa iyo, hindi ako masisindak diyan sa ugali mo!" sagot ko sa kanya. Naramdaman ko na lang na hinawakan nito ang kamay ko nang mahigpit. "Huwag mo akong susubukan, Miss, dahil hindi mo ako kilala!" galit niyang sabi at inis nitong binagsak ang kamay ko. Nagsimula na siyang maglakad paalis. Napatulala ako dahil ngayon lang ako napahiya nang ganito sa harap ng mga estudyante. Ngayon ay ramdam ko na ang sungay na lalabas sa ulo ko dahil sa ugali ng lalaking 'yon. Tumakbo ako palapit sa kanya at hinarang siya dahilan para mapahinto siya. "Hindi ako papayag na mapahiya mo akong g*go ka!" sigaw ko sa kanya kasabay ng pagdapo ng kamao ko sa mukha niya. Kita ko ang pagtagilid ng ulo niya kasabay ng pagbagsak niya sa lupa. Hingal akong hinilot ang kamao ko at mabilis namang nagsilapitan ang mga kaklase ko para tulungan itong tulog na hinayupak. "Ano'ng ginawa mo?!" inis na tanong ni Kaito sa akin habang mabilis na binuhat itong si Mokong na nakatulog. Inupo niya ito sa upuan na malapit. "Marunong ka palang magsalita?" insulto kong sabi sa kanya. Sinamaan ako nito ng tingin at hindi ko na siya pinansin pa. Padabog kong kinuha ang bag ko at nagsimula nang maglakad paalis. "Sa susunod na pahiyain ako ng kaibigan mong 'yan, hindi lang iyon ang matatanggap niya sa akin." Magsasalita pa sana ito pero tinalikuran ko na siya. Tinawagan ko si Dianne para sabay na kaming umuwi dahil sa kotse niya na lang kami sasakay. Pagkarating ko sa parking lot ay naabutan ko si Dianne at mukhang nag-aalala. "Jeann! Ano'ng nangyari?" salubong na tanong niya sa akin. Siguradong nabalitaan na niya ang nangyari. Tsk! Tsismis nga naman. "Umalis na tayo dahil wala na ako sa mood," sagot ko at pumasok na sa kotse niya. Gusto ko munang magpalamig para mawala itong init ng ulo ko. Sinabi ko sa kanya na dumiretso kami sa bar. "Totoo ba iyong narinig ko?" tanong ni Dianne habang patuloy ito sa pagda-drive. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD