JEANN
"Yeah, pinahiya niya ako sa mga kaklase ko kaya bagay sa kanya iyon," walang gana kong sagot sa kanya.
"My ghad, Jeann, hindi ka ba marunong mag-ingat? Lagi ka na lang napapaaway. Kapag nabalitaan ito nila tita, paniguradong malalagot ka," gatong niyang sabi.
"Hindi nila malalaman kung walang magsasabi," sagot ko sa kanya habang kinakalikot ang phone ko.
Nanliit ang mata ko nang makita ang video na naka-post na sa f*******: hinggil sa ginawa ko kanina lang.
Ano ba 'tong ginawa ko? Patay na naman ako nito sa mommy and daddy ko.
"Ano? Nagsisisi ka na ba sa ginawa mo?" taas-kilay na tanong ni Dianne. Napahilamos na lang ako dahil kumalat na panigurado ang video sa buong campus.
"Siya ang nauna kaya bagay sa kanya iyon," inis kong sagot kay Dianne.
"Kung ako sa iyo, kausapin mo na siya bago pa lumala ang lahat. Humingi ka ng sorry, Jeann, dahil paniguradong katapusan mo na," nakangising sabi niya.
Nang makarating na kami sa Kasada Bar ay um-order agad ako ng isang tequila. Ramdam ko ang pagguhit nito sa lalamunan ko. Padabog kong ibinagsak ang baso dahilan para matakot sa akin ang bartender.
"Don't mind her. She's upset," sambit ni Dianne sa bartender na kinatango naman nito.
Napairap na lang ako at uminom muli ng tequila para mawala ang bad mood ko. Nang medyo nakaramdam na ako ng kakaiba ay nagpaalam na ako kay Dianne. Nagpumilit ito na ihatid ako sa amin pero pinigilan ko lang siya.
Nang makasakay na ako ng kotse ay nagpaalam na ako sa best friend ko. Pinaharurot ko na agad ito papunta sa tambayan ko tuwing wala ako sa mood. Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating ako sa lugar na pupuntahan ko. Lumabas agad ako ng kotse kahit nahihilo ako. Humiga ako sa ibabaw ng kotse. Para akong timang na nakangiti habang nakatanaw sa mga bituing kumikinang sa langit.
"Hanggang ngayon, wala pa ring pinagbago itong playground," ngiting sabi ko habang nakapikit ang mga mata at dinadama ang malamig na hanging dumadampi sa makinis kong balat.
Nang medyo nahimasmasan na ako ay bumaba na ako ng kotse. Napasapo ako sa noo ng marealize na kotse pala ito ni Dianne kaya kaagad koi tong tinext para hiramin at ibabalik na lang sa kanya. Habang abala sa pagtitipa ay may bigla akong narinig na kaluskos sa gilid ko.
"Sino 'yan?!" sigaw ko kahit kinakabahan. Wala akong nakuhang sagot. "Just stop this nonsense! Wala akong panahong makipaglaro sa iyo!" sigaw ko kasabay ng pag-irap bago ako sumakay ng kotse nang biglang— "Waah!" sigaw ko kasabay ng pag-atras sa gilid ng upuan.
Halos manlaki ang mata ko nang makilala kung sino itong lalaking nasa harap ko. Kinalampag nito ang bintana ng kotse ko. Sinuksok ko agad ang susi para paandarin ito kaso bigo ako dahil biglang humarang sa daraanan ko si Kaito. Inis kong binuksan ang bintana ng kotse ko.
"Baliw ka na ba? Umalis ka nga sa daan!" sigaw ko sa kanya. Mabilis nitong hinarang ang bintana dahilan para mabuksan niya ito. "Bwiset ka! Umalis ka sa kotse ko!"
"Damn! Stop this car!" sigaw nito sa akin at tinaboy ako sa kabilang upuan. Wala akong nagawa dahil parang may masamang nangyayari base sa itsura niyang may sugat pa.
Napaurong na lang ako at pinaandar naman agad niya ang kotse nang mabilis, dahilan para mapahawak ako sa gilid ko.
"Wah! Buwiset ka! Can you just slow down?!" sigaw ko sa kanya dahil kulang na lang ay paliparin niya ang kotse ko.
Hindi ko alam kung saan na kami napadpad pero ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating kami sa isang abandonadong bahay. Kinabahan ako nang biglang lumabas si Kaito sa kotse ko habang nakapamulsa.
Napatingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"What?" inis kong tanong dito dahil sa mga titig niya.
Umirap ito at tinalikuran na ako. Napasapo na lang ako sa noo at lumabas ng kotse. Baka may ibang tao pang sumunod sa amin at madamay pa ako. Mabilis ko siyang sinundan. Pagkapasok namin sa loob ay halos malaglag ang panga ko nang makilala kung sino ang dalawang lalaking nandito.
"What the—! Ano'ng ginagawa ng babae na 'yan dito!" inis na duro sa akin ni Nathan.
"Chill, dude," pigil ni Ice rito.
Natuwa ako dahil nandito si Ice pero nawala rin kaagad kasi nandito ang mayabang na Nathan. Inirapan ko lang ito hanggang sa hinarap ako ni Kaito at inis ko naman itong tinitigan. Tinalikuran ko na silang tatlo nang biglang pigilan ako ni Ice. Hinawakan niya ako sa kamay kaya parang may milyonng boltahe ang dumaloy sa buong katawan ko kaya naitulak ko siya.
"B-bakit mo ako pinipigilan?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Jeann, hindi ka pwedeng umalis na lang bigla," nag-aalala nitong sabi. Kumunot ang noo ko at parang nag-iba ang nararamdaman ko.
"Bakit naman? Aalis ako kung kailan ko gusto at hindi niyo ako mapipigilan." Tatalikod na sana ako pero napahinto ako nang marinig ko ang sinabi ni Kaito.
"Hayaan niyo siya kung gusto niyang umalis."
Nagsalubong ang kilay ko at inis itong hinarap. Kita ko kung paano ito humithit ng sigarilyo. Padabog akong umalis at sumakay ng kotse ko. Mabuti na lang at hindi ako naligaw kung saan ang labasan. Pinaandar ko na ang kotse ko habang inis na nakahawak sa manibela. Ang kapal niyang sabihan akong hayaan, eh, siya nga itong nakigamit ng kotse ko.
Simula ngayon ay lalayuan ko na ang mga iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko.
Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko na namang patay ang ilaw. Napabuga na lang ako ng hangin at pinark ang kotse ko. Sanay na ako na ganito lagi ang naaabutan ko. Sa tuwing uuwi ako ay ang mga kasambahay lang namin ang naaabutan ko.
Tahimik na kumain na lamang ako. Nang matapos ay umakyat na ako sa itaas para maligo. Nilublob ko ang sarili ko sa bathtub para mawala ang tama ng alak sa katawan ko.
Ilang minuto rin bago ako nagsimulang mag-ayos at humiga nang biglang tumunog ang cell phone ko. Kumunot ang aking noo nang mapansing tumatawag si Dianne sa akin ng ganitong oras.
"Hello—"
"Jeann!" sigaw niya dahilan para mailayo ko ang phone sa tainga ko.
"Pwede bang huwag kang sumigaw!" inis kong sagot sa kanya.
"Nabalitaan mo ba iyong kinukwento ko sa 'yo noong nakaraang buwan? Iyong lalaking nambastos sa 'yo?" sambit nito.
"Oh, ano naman ngayon?" Umirap ako dahil sa tuwing naaalala ko ang baliw na lalaking iyon ay naiinis lang ako sa kabastusan niya.
"Nakita ang katawan niyang wala ng buhay," sagot nito. Parang pumunta sa mukha ko ang lamig dahil sa gulat. "Buksan mo ang tv mo." Kinuha ko ang remote at binuksan ito. Bumungad sa akin ang isang balita na kilalang-kilala ko kung sino.
Si Julius, ang sikat sa campus namin bilang basagulero. Nakita ang katawan niya na walang buhay at maraming tama ng baril sa katawan. Bigla kong naalala ang nangyari sa kotse. Nakita kong may dugo si Kaito pati sila Ice at ang iba pa.
Hindi kaya tama ang naiisip ko? Sila ang may gawa kaya namatay si Julius?
"Nakita ko na. Pero bakit naman siya papatayin?" naguguluhan kong tanong kay Dianne.
"Mabuti na rin sa kanya iyon dahil ang bastos niya kaya, Jeann," inis na sagot ni Dianne sa akin.
"Mag-usap na lang tayo sa campus bukas."
"Sige. Matulog ka na dahil alam kong may tama ka pa rin ng alak, don't forget to bring my car."
Pinatay ko na ang tawag kasabay ng pagpatay sa tv. Napaupo ako sa kama dahil sa malikot kung isipan. Bakit bigla na lang
namatay si Julius? Nakakapagtaka dahil ang bilis ng pangyayari.
To be continued...