Panibagong Yugto ng Buhay ni Loisa.

1570 Words
KABANATA 8 Madaling lumipas ang mga araw at panahon. Nasa Fourth Year Level na si Loisa at ilang buwan na lang ay ga-graduate na siya. Gano’n pa rin ang dating samahan nila ng kaniyang mga kaibigan. Magkaklase pa rin silang tatlo at lagi na’y nasa Scicur 2 pa rin siya samantalang ang kaniyang kakambal na si Sophia ay nasa Scicur 1. Marami na naman siyang e-co-comply na mga requirements bukod sa kaniyang grades. Dapat mapirmahan lahat iyon at mabayaran na ang kaniyang clearance para sa huling fourth grading. Napabuntong-hininga pa siya sa isiping kung bakit ang tagal binayaran ng kaniyang mga magulang ang kaniyang bayarin sa school. Ang sa bunso nilang kapatid na si Ezra ay bayad na samantalang si Sophia ay bayad narin dahil natapos na nito na-comply ang mga kakailanganin samantalang hanggang ngayon ay wala pa rin ang sa kaniya. Bakit kaya? Nakalimutan kaya ni Mama? ‘Di bale pag-uwi ko ay sasabihin ko. Anang isip ni Loisa. Tumayo na siya at iniligpit ang kaniyang mga gamit. “Loisa, uuwi ka na?” agad na tanong ni Ava nang malingunan siya nito. “Hindi pa. Pupunta pa ako ng library para papirmahan ky Maam Quijano ang clearance ko,” sagot naman ni Loisa kay Ava. “Gano’n ba? Sige,” ang tugon na lamang ni Ava kay Loisa. “Loisa, sasabay na ako kay Ava ha, total pareha lang din naman ‘yong destinasyon namin,” sabat naman ni Mia na nasa likuran na ni Ava. “Sige, pagkatapos ko pa saka ako uuwi.” Isinuot na niya sa kaniyang balikat ang kaniyang ‘di gaanong kalakihang shoulder bag sabay bitbit ng ilang papel at books sa kaniyang handy bag. “Sabay na tayo,” anyaya ni Dhale kay Loisa nang nasa likuran na pala ito nila Ava at Mia. Napaangat naman ng tingin si Loisa kay Dhale saka tumango. “Sige, Loisa. Mauna na kami sa inyo,” paalam na lang ni Ava kina Loisa’t Dhale. Ngumiti lang si Dhale bilang tugon. Nagpaalam na rin si Loisa sa kaniyang mga kaibigan. “Tayo na,” anyaya ulit ni Dhale kay Loisa. Tumango naman ulit si Loisa saka nauna nang naglakad palabas ng kanilang classroom. Sumunod na rin si Dhale kay Loisa hanggang nagpantay na sila sa paglalakad. “Hindi ka pa ba nakapagpirma ng clearance mo kay Teacher Quijano?” tanong ni Dhale kay Loisa habang naglalakad na sila patungo sa direksyon ng library. “Oo,” ikling sagot lamang ni Loisa. Tila matamlay siya habang naglalakad sila ni Dhale. Tila may malalim siyang iniisip. “Ayos ka lang ba? May sakit ka ba?” pag-alalang tanong sa kaniya ni Dhale. Napatingin naman si Loisa kay Dhale. Mababakasan sa mukha ni Dhale ang pag-aalala rito. “Alam ko kung may sakit ako,” ani naman ni Loisa kay Dhale. Kumunot naman ang noo ni Dhale na nanatili pa ring nakatingin sa mukha ni Loisa. “Alam kong nag-aalala ka pero salamat dahil ayos lang talaga ako.” Pinal na sabi ni Loisa at nginitian niya ito para hindi na mag-alala pa. Walang relasyon sina Loisa at Dhale. Naging magkaibigan na rin sila dahil laging nag-aanyaya at naglalaan ng oras si Dhale kay Loisa kaya naman hindi na hinindian pa ni Loisa si Dhale sa ano mang gustong gawin nito dahil naging mbauti naman ito sa kaniya. Hindi siya nito pinakitaan ng mga bagay na ayaw niya. Alam niyang nanggagalaiti sa selos ang iba dahil maraming nagkakagusto kay Dhale dahil sikat itong mananayaw sa kanilang school. Ang iba naman ay nagbibigay ng mga sulat o kung anu-ano pa kay Dhale. Nagpapansin sila para lamang makuha ang atensyon nito pero si Dhale ay likas na mabait kaya ngumingiti na lang siya sa kaniyang mga tagahanga. Pero dedma lang kay Loisa ang mga babaeng nagkakagusto kay Dhale at hindi niya pinapatulan kahit pa may ibinabato itong hindi magandang salita sa kaniya. Pagdating naman kay Loisa, ang mga tropa ni Dhale ay nagiging tahimik at hindi magawang magbiro kay Loisa. Parang tumitino sila kapag nandiyan si Loisa, marahil natatakot sila kay Loisa dahil suplada ang dating nito bukod sa matahimikin pa. Hindi gaanong nagsasalita si Loisa. Kung kausap man niya ang kaniyang mga kaibigan at napapatawa siya ng mga ito ay hanggang doon lang. Hindi siya kailanman nakitaan na nakipagbiruan. Kaswal mo lang siya makakausap sa school pero kung sa bahay naman ay laging nagsusuplada at gumagawa ng biro sa dalawang kapatid. “Gusto mo bang maging Doktor o iyan ang kukunin mo kapag nasa kolehiyo na tayo?” tanong ni Dhale kay Loisa nang harapin niya ito para makausap. Napahinto naman si Loisa at nag-angat ng tingin kay Dhale. “Hindi ko alam pero iyon ang gusto ko. Gusto ko manggamot lalo na’t may nasusugatan,” pahayag ni Loisa na wala sa sarili. “O-okay...pero talaga bang ayos ka lang? Mukha kasing napakatamlay mo kaya inakala kong may sakit ka,” ani ni Dhale na hindi naintindihan ang kinikilos ni Loisa. “P-pasensya ka na kasi...kasi,” ang nasabi na lang ni Loisa na hindi niya naituloy. Hinihintay naman ni Dhale ang kaniya pang saabihin pero humugot muna siya ng malalim na paghinga saka ulit nagsalita. “Ang totoo niyan, pinoproblema ko ngayon ang Clearance Card ko. Dalawang buwan na lang kasi at hindi pa bayad iyon. Ang hirap naman kasing kulitin ang magulang ko. Hindi ko rin alam ba’t sinasabi ko ‘to sa ‘yo,” mapaklang pagtatapat niya kay Dhale. Napangisi pa siya na tila iiyak ba siya. Nahihirapan siya ng mga sandaling ito kaya hindi niya alam kong sasaya ba siya dahil problemado siyang talaga. Nadinig niyang napabuga ng hangin si Dhale saka inilapit siya nito sa kaniyang katawan at tuluyan na siyang niyakap. Hindi na pumalag si Loisa dahil wala rin siya sa kaniyang sarili at tila naging tuod na rin sa kaniyang kinatatayoan. Inaalo siya ni Dhale. Hinahawakan nito ang buhok sa kaniyang ulo. “Magiging maayos din ang lahat. Huwag mo na problemahin ‘yan. Ano pang silbi ng isang kaibigan kung hindi ka matulungan,” sabi ni Dhale na pinalulubag ang kaniyang loob. Napaangat naman ng tingin si Loisa kay Dhale. Basa ang mg mata ni Loisa, malamang ay may namuong luha rito na pinigilan niyang tumulo. Tila nag-histerical saglit si Dhale sa nakita niya. Parang magmumura pa siya pero nagpigil siya dahil kailanman ay hindi niya pinakitaan ng bad reaction si Loisa dahil baka matakot ito sa kaniya pero sa nakikita ni Dhale rito ngayon ay parang kinurot ang kaniyang puso. Naaawa siya sa kaibigang si Loisa o sa mas tamang ang minahal niyang si Loisa ng lihim. “Ano'ng ibig mong sabihin?” takang tanong ni Loisa sa sinabi ni Dhale sa kaniya na makahulugan. “Dala mo bang clearance mo?” tanging tanong na lang ni Dhale kay Loisa. Tumango naman si Loisa. “Hali ka na.” Bumitaw na si Dhale sa pagkakayakap sa kaniya at hinila na siya nito sa kamay. “T-teka, sa library tayo pupunta, ‘di ba?” nalilitong tanong ni Loisa sa kaniya. “Sa Treasurer Office muna tayo,” sagot ni Dhale kay Loisa. “Ah, ha?” Tanging nasambit na lamang ni Loisa nang hila-hila na siya ni Dhale. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil tahimik na rin si Dhale at seryosong nagmamadali na sa paglakad. Mabuti na lamang at walang tao kanina sa hallway nang niyakap ni Dhale si Loisa. Kung hindi ay baka nagkagulo na lalo na kung may nakakitang tagahanga nitong si Dhale. Nasa sakayan na sila ng bus habang naghihintay para makasakay. Hindi na muna iniwan ni Dhale si Loisa habang hindi pa ito nakakasakay. Nakaupo ngayon silang dalawa sa upuan ng pasaherong naghihintay. Nilingon ni Loisa sa kaniyang tabi si Dhale. “Salamat nga pala ulit. Hayaan mo at babayaran kita kapag naibigay na ni Mama ‘yong pambayad sa clearance ko,” simula ni Loisa ng usapan dahil kanina pa sila tahimik na dalawa. Nilingon din naman siya ni Dhale saka nginitian siya. “Ayos lang ‘yon at kahit hindi mo na bayaran,” kaswal alng na sagot nito sa kaniya. “Ha, hindi puwede ‘yon. Kailangan kong bayaran ‘yon, ano ka ba!” mariin niyang hiyaw rito. Ngunit ngumisi lang si Dhale. “Sariling pera ko ‘yon kaya ayos lang sa ‘kin,” muli’y sagot nito sa kaniya. “Babayaran ko pa rin iyon dahil utang ‘yon,” pamimilit na sabi ni Loisa kay Dhale. “Bahala ka,” tanging sagot na lang ni Dhale kay Loisa para hindi na ito magsalita. “Pero maraming salamat ulit,” seryosong salita ni Loisa kay Dhale na tiningnan niya pa ito at nginitian. Napansin niya pang tila nahihiya si Dhale sa ginawa niyang pagtitig dito dahil namula bigla ang magkabilang-pisngi nito. Napayoko ito at napakagat-labi pa. Napangisi si Loisa sa kaniyang isip. Kakaiba rin pala ang Dhale na ‘to. May kahinaan din pala. “Ayan na ang bus,” agad na sabi ni Dhale saka napatayo. Napatingin naman si Loisa sa kadarating lang na bus na walang masyadong nakasakay na pasahero. “Sige, mauuna na ako sa ‘yo. Salamat ulit,” paalam ni Loisa kay Dhale at sumakay na sa bus. Sinundan na lamang ng tingin ni Dhale si Loisa. Hindi siya umalis sa kaniyang puwesto hangga’t hindi nawawala sa kaniyang paningin si Loisa na lulan ng bus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD