KABANATA 9 Loisa's POV Pagpasok ko sa aming classroom ay parang hindi magkamayaw sa pag-iingay ang aking mga kaklase lalo na ang mga babae. Wala akong ideya kung ano ang mga nangyayari. Kaya mahinahon akong naupo sa aking upuan at inilapag naman ang aking shoulder bag at handy bag. Inilibot ko ang aking paningin loob ng classroom ngunit hindi ko nakita sina Ava at Mia pero nandito naman na sa upuan ang kanilang bag. Nasaan kaya sila? Tanong ko sa aking isip. “Oy, Ms. Gementiza.” Hinanap ko ang boses na iyon sa tumatawag sa akin. Nakita kong kinawayan ako ng isa sa mga kaklase kong babae na nasa estudyante nagkukumpol-an, nakiki-usyoso 'ata. “Ano ‘yon?” tanong ko naman kay Aileen. Ang kaklase kong tumawag sa akin. Hindi siya sumagot bagkus may hinihintay siyang kaniyang kukunin saka

