SOUTH, KOREA "Sir, are you ready?" ang tanong ng isang mataas at may malaking katawan na lalaki na nakasuot ng unipormeng itim na pang-itaas hanggang sa baba. Tumango lang si Dam Reun at bago pa lumabas ay isinuot niya ang kaniyang sumbrerong itim at sunglasses. Tahimik naman na nakasunod si Manager Do sa likuran ni Dam Reun habang ang assistant din nito ay bitbit ang dalawang bag na may lamang gamit ni Dam Reun. Tanging ang Manager, assistant at dalawang bodyguard lamang ang isinama ni Dam Reun para sa kaniyang pagdating sa Pilipinas. Hindi na siya humakot pa ng maraming alalay at mag-po-protekta sa kaniya dahil ayaw na ayaw niya ng maraming nakakasama at tao sa kaniyang paligid. Hindi naman siya haharap sa camera kun'di bibisita lamang siya sa isang eskuwelahan na kaniyang pag-aari

