Nasa Airport sina Loisa at Ava bandang alas-sais na ng gabi. Naabutan sila ng mahigit isang oras sa paghihintay na maka-landing ang eroplanong sinasakyan ni Mia. Ang balita kasi ay kasama ni Mia ang alagang aso ng kaniyang Step Mom. Nagpaiwan pa kasi ang mga ito matapos ang kasalan at honeymoon dahil mayroon pa silang aasikasuhin kaya naman si Mia ang pinauna nilang umuwi dahil aasikasuhin pa ni Mia ang kaniyang pag-aaral dito sa Pilipinas. Alas-singko na ng hapon pinakawalan si Loisa sa kaniyang trabaho kaya pagkatapos nga no'n ay sa airport na sila ni Ava dumiretso. Wala pa silang hapunan na dalawa kaya napag-isipan nila na si Mia ng may kasalanan kaya dapat niya itong sagutin ang gutom na nadarama nila ngayon. Sabay pa na napahagik-ik ang dalawa nang mapag-usapan ang reklamo nilang iyon

