Naging successful ang pagtatapos nila Loisa sa kanilang Graduation Day. Masaya naman sila na nagsalu-salo pag-uwi nila sa kanilang tahanan. Kahit medyo may kakapusan ang kanilang pamilya, natugunan naman na ipagluto sila ng kanilang Papa Benjamin ng masasarap na pagkain at desserts. May piling bisita lamang sila na ang iba ay bisita pa ng kanilang bunsong kapatid na si Ezra. Kaya kahit tila walang kagana-gana si Loisa nang mga sandaling iyon ay pinilit niya pa rin ang kumilos nang sa gano'n hindi mapaghalataan. Espesyal naman ang araw na iyon sa kaniya kaya kahit paano ay masaya naman siya na magtatapos na siya. Matapos ang matagumpay na pagtatapos ni Loisa ay gigising siya sa araw na ito para sa panibagong buhay na kaniyang kahaharapin. Ito ang mas tamang temang dapat sambitin kaysa s

