KABANATA 14 Nakalabas na ng silid si Dam Reun. Hindi na si Loisa tinapunan pa ng tingin nito pagkatapos nang naging pag-uusap nila. Mukhang may hindi maganda sa kaniyang reaksyon at parang galit dahil sa naging sagutan ng pag-uusap nila. Malamang ay naintindihan naman siguro siya nito dahil alam naman nito ang kanilang salita. Napahalukipkip na lamang si Loisa sa kama. Maayos-ayos naman ang kaniyang pakiramdam at...bigla na lang siyang sumigaw nang mapagtantong t-shirt na kulay gray lamang ang kaniyang suot. Boxer brief naman ang panloob niyon. Pinamulahan ng mukha si Loisa. Nasisiguro niyang kay Dam Reun itong sinusuot niya. Inamoy pa niya ito at napakabango...parang amoy nga ito ni Dam Reun dahil no'ng nag-uusap sila at sa tuwing lumalapit sa kaniya si Dam Reun ay naamoy niya ang baho n

