KABANATA 13 Natapos ang pag-uusap nilang iyon ng maayos. Pagkapasok niya sa kaniyang kotse ay saka pa siya nabunutan ng tinik. Nagmamaneho na siya ngayon at bandang alas dyes na ng gabi. Nakaramdam na siya ng gutom habang nagmamaneho pero kailangan niyang tiisin iyon dahil hindi niya kasama sina Manager Do at Assistant Nam. Hindi rin puwede na kusa siyang bumili mag-isa dahil baka may makakilala sa kaniya. Ang hirap naman ng kaniyang sitwasyon, sa isip-isip niya. Binalingan pa niya ulit ng tingin ang natutulog na nagngangalang Loisa. Nakatulog na ito, marahil sa naramdaman nito. Pero hindi man lang gumagalaw. Ayos lang kaya ang babaeng ito? Tanong na naman niya sa kaniyang isip. Syempre, salitang English iyon. Third POV ang gamit ko kaya ayos lang na e-define ko na lang sa salitang taga

