KABANATA 12 Napasilip si Emma sa kuwarto ni Sophia. Magkatabi lang ang kuwarto nina Loisa at Sophia ngunit maliit lang ang kanilang kuwarto at tama lang para sa kanila para magkaroon na rin ng privacy sa isa’t isa. Napaangat naman ng tingin si Sophia habang abala ito sa pagsuslat at pag-aaral sa maliit nitong mesa na katabi lang din ng kaniyang higaan. “Baka po nandiyan na,” turan na lamang ni Sophia sa kaniyang Mama Emma. “Hindi kayo nagkasabay umuwi, bakit?” takang tanong ni Emma sa anak. “Siya po kasi ang president ng SSG. Malamang nasa opisina iyon at ginagawa pa ang printing,” tanging sagot lamang ni Sophia sa mapanuring ina. “Pero, sigurado ka ba na nandiyan na siya? Naka-locked kasi ang kaniyang pintuan,” ani naman ni Emma na nag-aalala pa rin. “Opo. Ma. Malamang nagpapahinga

