Fitting Room
“I love that,” sabi ng boses mula sa likod ni Chasty. She is standing in front of a wide mirror looking at every inch of herself wearing a long satin flared white gown adorned with glittery fabric on the top. But despite the elegance of the dress she is wearing, her eyes were empty staring at it. A hand reached on hers and she looked at the woman sighing so deep.
“You know what? I was in your shoe years ago,” she uttered and smiled at her. “You will learn to live with it, Chas” sabi ng babae.
“Tita I don’t think that I can do it,” sagot niya sabay bagsak ng balikat nito na napailing ng bahagya.
“Just remember your dad is rooting for you,” she smirked and held her face.
“Would this make him happy?” she asked her.
“Not just happy, dear but I think he will be okay knowing that you will be in good hands.”
Chasty nodded at Lorin her dad’s younger sister. Ipinagkasundong maikasal din si Lorin ilang mga taon na ang nakalilipas at ngayon ay inaasikaso niya ang kasal ng nag-iisang pamangkin niya.
Chasty is set to marry a man she know by name only. Isang hotelier ang mga Monfort at may mga resort ito. Bigla na lang nagkainteres ang daddy niya sa pamilya nito nang marinig na papalapit na bumagsak ang stock value nito sa stock market.
Tinawag ni Lorin ang coutourier at may mga inihabilin ito para sa mga aayusin sa wedding gown ni Chasty.
“I don’t like to see her dress shining, make it simple,” iyon ang habilin nito. Chasty’s personality is so far from other ladies. She might have been raised in a wealthy family, but her ways are not like of the others. She prefers simplicity and she wants everything in her life discreet.
Matapos silang magsukat ay diretso naman sila sa jewelry shop. Lorin is in charge of Chasty lalo na at ulila na ito sa ina.
“Tita shall we go home?” She asked while seated in the car.
“Oh no, I set this appointment with Ismael, alam mo naman na hindi basta lang pwedeng ipatawag ‘yon. I want you to have the finest jewelry on your wedding. Minsan ka lang ikakasal, so please allow me to do this for you, dear,” pakiusap niya.
“I know you don’t like glamour. At isa pa, after kay Ismael, we will see your optalmologist too, tanggalin natin ‘yan,” she meant of her doble vista glasses. Yes, hindi malinaw ang paningin ni Chas kaya kinakailangan niya na magsuot ng kaniyang salamin. “At teka, since when did you learn to wear it anyway?” Tanong ni Lorin.
“Oh no! Tita don’t you ever think of it,”sabi nito. “Okay pa po ang glasses ko, ayoko palitan,” dagdag niya pa.
Lorin laughed. “Hindi pwede, magpapalagay tayo ng contact lenses, ayoko na magmukha ka lang na matandang dalaga sa araw na ‘yon, we can take that off, masisira lalo mata mo sa ginagawa mo. I suggest ‘waf ka na magsuot niya. Maganda ka pero mas maganda ka na wala ‘yan.”
Hindi na umimik si Chasty.
Kinagabihan pagdating nila sa mansion ay ibinaba ng driver ang lahat ng mga shopping bags mula sa sasakyan.
“You seemed to have a long day, ladies,” sabi ni Arthur, father of Chasty.
“Absolutely, Dad dahil abala si Tita sa lahat. Can I go to my room?” paalam niya.
“I think you may, but bumaba ka kaagad, we are waiting for visitors tonight,” sabi ni Arthur. Mukhang may bisita nga, dahil abala ang mga kasambahay nila na tila may inaasikaso na mahalagang okasyon. Naningkit ang mga mata ni Chasty wondering what is all about.
“Are we expecting someone?” she asked in curiosity.
“Yes, some friends in the business. I want you to meet them too,” he ssaid.
“Can you excuse me again this time, Dad? I just— don’t fe—“
“I will ask you not to miss this time. Ilang taon nang hindi ka nagpapakita sa mga kaibigan natin sa negosyo. It’s high time you meet them and get to know them personally,” he uttered.
She said no word and nodded. She left him with a kiss on his cheek and turned her back.
Tumabi si Lorin sa kuya niya. “Know what? We can still call it off if you want,” mahinang sabi nito.
Napataas ang mga kilay ni Arthur sabay hugot ng hininga habang nakapamulsa sa pantalon niya. Hindi pa ito nakapagbihis mula sa opisina.
“Yes we can still call it off, but I see no one who is fit enough to be my son-in-law, Lorin. Matagal na ang usapang ito sa mga Monfort. Alam mo kung ano ang dahilan.”
“Well ang akin lang naman, Chas has been living her life the way want it, and I don’t think it’s a good idea that we push her with someone she doesn’t even know. Hindi pa nga sila nagkikita ng lalaking ‘yon. How can you be so sure he is the one who is fit for your only daughter,” bakas sa mukha ni Lorin ang pagkabahala.
“Lorin hindi ko ipapahamak ang anak ko sa ganitong bagay.”
“I believe you, pero ang akin lang naman sana—,”
“I suggest we cut this conversation, you go and change for the dinner,” pambawi ni Arthur at hinalikan sa noo ang kapatid. Tumalikod ito at tuluyan na pumasok sa nakaawang na pinto.
Lumipas ang isang oras at may pumasok na sasakyan sa garahe ng mansion. Malawak ang lupain na kinatitirikan ng bahay nila kung kaya ay kaya nitong magpapasok ng higit sa limang sasakyan. Mula sa itim na suv ay bumaba ang dalawang lalaki, isang may katandaan ang edad at isang halos kaedad lang din ni Arthur. The servant guided them inside. Mabilis naman pinaalam kay Arthur na dumating na ang kaniyang bisita. Ipinagbilin niya na sa oras na dumating ang bisita ay pababain na si Chasty.
Kumatok ng tatlong beses ang katiwala at pinagbuksan niya ito agad.
“Bakit?” tanging sabi niya.
“Ma’am naghihintay na po si Sir sa baba, dumating na po ang inyong bisita.”
“Susunod ako,” tugon niya. Napatingin ang katulong sa kaniyang itsura. Inakala siguro nito na magbibihis ng husto ang amo, subalit tanging naka-tshirt ito at suot pa ang palda na hanggang sakong ang haba. Kung titignan si Chasty ay parang walang plano na makipagsalo sa mga bisita ng daddy niya.
“Ma’am magbibihis ka po ba? Tulungan kita?” Alok niya.
Napangiti siya. “Ikaw naman, okay na ‘to. Huwag mo lang sasabihin kay Tita na hindi ako nakaayos. Bababa ako,” napatango siya bilang panigurado na susunod siya.
“Hindi ba siya mag-aayos? Ang dinig ko darating ang fiance niya ngayon. Ang batang ‘to talaga. Walang pagbabago ang ugali. Kung noon lahat ng layaw nakukuha at lahat ng gusto ginagawa, ngayon baliktad na. Kung kailan naman nasa hustong gulang, doon pa bumaliktad.” Bulong ni Rona sa sarili. Tama nga naman si Rona, noong teenage years ni Chasty, ay maraming kaibigan. Madalas tumatakas ng bahay kahit di pinapayagan ng daddy niya. And she got a back up sa katauhan ng tita niya. Kaya sa tuwing lalabas ito, pinasusundan niya na lang sa driver nila para masiguro ang kaligtasan nito kahit na gabihin ng uwi.
NAKAHANDA na ang hapag. At sumalubong ang tita Lorin nito sa kaniya sabay hila.
Nakatingin na nagtatanong ang mga mata. “What are you wearing?” She asked.
“Just my normal clothes, bakit?” kinaladkad pa ni Lorin si Chasty.
“Your fiance is here go back to your room and get dressed, please!”
“Tita? What is wrong with this?” tanong niya sabay tingin sa sarili. She didn’t want to impress anyone, anyway.
“Oh my goodness, please do not embarass our family. Alam mo ba na nakabihis ang lahat sa loob?” she meant sa dining.
“Nakabihis naman ako, and ayaw mo ba na mas maaga niya makilala talaga ako? I am not into glitters, for fascination, you know that,” katuwiran pa niya.
“Chas I beg, this time, give your dad something he could be so proud.”
“Tita I won’t change my clothes, ok na ako dito.”
“Tshirt talaga?” hinila nito si Chasty at inakyat. Sabay bukas ng closet nito. Nagulat si Lorin na walang eleganteng mga damit na naka-hang sa closet ni Chasty.
“Goodness! Ano ka ba naman na bata ka? I bought you a lot of dresses, where are they?” Nakabukas palad na tanong ni Lorin.
“Ah, pinamigay ko na sa mga katulong. I never needed that, and never gonna need it anyway.”
Mabilis na lumabas si Lorin at kumuha ng damit sa kwarto niya. Pagbalik niya sa kwarto ni Chas, nakaupo ito sa kama na nakatingin sa tita niya. Nagkunot ang noo niyo.
“No way!” She said. “That is a cery bad idea, Tita. I would rather be like this. Kaysa magsuot niyan. Lalabas na ako and I apologize, but—“ napangiwi siya “I won’t ever wear it,” mabilis itong lumabas at patakbo na bumaba sa hagdan. Diretso na pumasok sa dining. Pagpasok ay nagulat siya na ang daddy niya at ang dalawang lalaki lang ang naroroon. She thought that there are many of them coming. Napatingin ang mga ito sa kaniya. She glared at the old man crowned with gray hair at ang kaedad ng tatay niya. They must be the Monfort.
“Forgive me for coming late,” she said politely to them.
“By the way, gentlemen, meet my daughter, Chastity,” pagpapakilala nito sa anak.
Napangiti ng bahagya si Chastity. “Gentlemen, its very nice to see you, I apologize to keep you waiting,” sabi niya.
Lumapit ang isang lalaki sa kaniya.
“Hi it’s our pleasure to finally meet you,” sabi ng lalaki na sabay inabot ang kamay nito kay Chas.
“He must be the man?” She said in her thoughts. She is totally speechless looking into this man. “He’s old already. Like kaedad lang siya ni dad,” pangungusap niya sa isip.
“No! This is a very bad idea,” sabi pa niya sa harap nito.
Napatitig ang lalaki sa kaniya. Maybe he thinks, ayaw ni Chas na makipagkamay sa kaniya kung kaya ay binaba na lang niya ang kamay niya.
Napalunok si Chas. Could he be the man she will marry?