Seventeen

1027 Words
Simula pa lamang ay alam ko nang hindi kami pwede. Boss ko siya, at sobrang imposible na magustuhan niya rin ang tulad ko. Ako lang naman itong naghangad ng sobra. Nag-assume na pwede kaming dalawa. Pero kasi akala ko talaga meron. Yung paglabas naming dalawa, yung pag-hatid niya sakin o kaya naman yung mga biglaang sweet words niya. Wala lang ba talaga 'yon? Ang sakit lang kasi, na akala ko ayon na. Tapos meron palang iba. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang nakikipag-kwentuhan sila sa iba pang mga staff. 'Yung mga ngiti ni Steve para bang siya yung pinaka-masayang tao sa lugar na 'to. Iyong mga tingin niya kay Mariam na akala mo ito ang pinaka-magandang babae sa mga mata niya. Iniwas ko ang tingin ko sakanila at dahan-dahang umalis doon. Dumiretso ako Comfort Room sa likod ng restaurant. Walang tao roon nang pumasok ako na siyang ipinagpasalamat ko. Mataman kong tinignan ang sarili ko sa malaking salamin sa tapat ng sink. Hindi ko maexplain kung ano nararamdaman ko habang pinagmamasdan sila. Humihigpit ang puso ko na parang pinipisil habang tinutusok ng karayom ng paulit-ulit. Kasalanan ko 'to e. Masyado akong nagpapaniwala sa mga nababasa ko sa libro. Masyado akong naniwala na lahat pwede basta nagmahal ka. Pero hindi pala. Ilang minuto lang ang nakalipas nang makarinig ako ng mga katok. "Guada! Guada! Nariyan ka ba sa loob?" Narinig kong tawag sa akin ni Gelli at kumatok pang muli. I sighed and cleared my throat before answering. "O-oo nandito ako" marahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Gelli na para bang kinakabahan na ewan. "May malaking problema!" Sabi nito na hindi mapakali. "Anong problema?" ------------------------------ "Sige na kasi Guada, isang gabi lang naman. Tsaka may bayad naman daw e. Sayang din 'to" pangungulit sa akin ni Gelli habang sinusundan ako pabalik ng kusina. Ilang beses ko nang sinabi sakanyang ayaw ko ngunit heto pa rin siya. "Gelli ayaw ko nga sabi. Hindi ko na ginagawa iyon. Tapos na ko sa ganon" ani ko sakanya na may himig ng inis sa boses. "30k. Just this night" ani ng baritonong boses sa aking likuran. Nagdulot ito na kakaibang sensasyon sa aking pagkatao na siyang dahilan upang tumaas ang mga balahibo ko sa batok. Dahan-dahan akong lumingon, kahit na kilalang kilala ko ang boses na iyon ay gusto ko paring makasigurado. Hindi nga ako nagkamali. Siya. Siya nga talaga. Parang punyal na tumutusok sa puso ko ang nakikita ko. Hindi ako dapat maapektuhan ng ganito ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Itinuon ko ang isipan sa ibang bagay. Naninikip ang dibdib ko at hindi niya iyon dapat malaman. "Kung hindi pa enough yung 30k, 50k" he said when I didn't answered immediately. Naramdaman ko ang pagkurot ni Gelli sa tagiliran ko at marahan itong bumulong. "Bakla ka, tanggapin mo na malakaing tulong sainyo 'yan ng kapatid mo" Muli kong naalala ang sira-sirang bag ni Arriane. Kung magkataon ay totoo ngang malaki ang maitutulong ng malaking halaga na iyon sa amin. Humingi ako ng malalim bago bumaling sa lalaki. "Sige" ani ko. Tila nakahinga ito ng maluwag sa king pagpayag. Ngumiti muna siya bago tumango at naglakad na patungo sa loob. Sumunod na lamang ako ng may malaking kaba sa dibdib. Matagal na bago ko ito huling ginawa, at ang huling pagkakataong iyon ay hindi naging maganda ang resulta. Suot ang isang pulang bestida na hindi ko malaman kung saan nanggaling ay umakyat na ako sa entablado. Ang kaninang excited na mukha ng mga tao ay napalitan ng pagkalito. I closed my eyes before I started strumming my guitar. "Sometimes I feel like I'm all alone, wondering of what have I done wrong, maybe I'm just, missing you all along, when will you be coming home... back to me" Wala akong marinig sa paligid kung hindi ang aking gitara at sariling tinig. I did not dare to open my eyes. Ayokong tignan ang mga tao. Ayaw kong makita sa mga mukha nila ang panghuhusga. "There were times.. I felt like giving up, haunted by memories I can't give up wish that I never let you go and slip away.. had enough reasons for you to stay" Dinadama ko ang bawat lyrikong binibigkas na tila ba para sa akin ang awitin. Nagpatuloy ako sa pagkanta ng hindi tinitignan ang reaksyon ng mga tao. Pakiramdam ko ay ako lang mag-isa sa mundong ito, at sa pagkantay naisasatinig ko ang lahat ng nagpapabigat sa aking damdamin. Bago bigkasin ang huling lyriko ng kanta, nagmulat ako ng mata at ang kauna-unahang nahagip nito ay ang kaniyang malamlam na mga mata. "...Back to me." Nagpalakpakan ang mga manonood nang matapos akong kumanta, hindi tulad ng inaasahan ko. Ngumiti lamang ako at nagpasalamat bago mabilis na bumaba ng entablado. Bago makapasok sa kusina ay makakasalubong ko si Steve at ramdam ko ang kaniyang pininitig. "Ang galing mo pala kumanta,Guada. Your performance is so nice!" Ani Mariam. Nakangiti ito sa akin habang ang mga kamay ay naka-angkla pa rin sa braso ni Steve. "You did well, Guada. Thank you for saving the event" ani naman ng lalaki. Tumango lamang ako sakanila ay nagpaalam na upang magbihis. "Naks naman Guada, sabi na nga ba magaling ka pa rin sa entablado!" Bati sa akin ni Gelli nang maabutan ko siya sa locker room. Naroon din ang iba naming kasamahan marahil ay break time rin nila. "Sus, pang average lang naman. Pwede na sa videoke-han sa kanto" ani ni Stacey na siyang ikinabungisngis ng mga kaibigan nito. Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at diretso na akong nagbihis tutal ay patapos na rin naman ang shift ko. "Grabe ka naman Stacey, buti nga nariyan si Guada para saluhin ang anniversary celebration nila sir Steve kahit na boses palaka siya sa tuwing umuulan" panunukso pa ng isang kaibigan ni Stacey na siyang nagpalakas pa lalo ng tawanan nila. "Anniversary celebration naman pala. Kaya pala may live band pang paganap. Ano ka ngayon, Guada? Nga-nga!" Ano pang ipanglalaban ko 'don? Maganda, mayaman at mukhang gustong-gusto talaga ni Steve. Hays. "Mga inggiterang 'to. Pag inggit, pikit!" Dinig ko pang habol na pang-aasar ni Gelli kay Stacey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD