Sixteen

2212 Words
"MAAAAAA!! NASAAN YUNG LIPSTICK KO NA RED????" Good morning Philippines! Napaka-ganda ng umaga. Sobra. Jusko! Sa bawat araw ba na gagawin ng Diyos ay ganito ang bubungad sa akin? "HOY CHELSEA! ANG AGA-AGA 'WAG MO 'KONG BWISITIN SA LINTIK NA LIPSTICK NA 'YAN HA! SASABUNUTAN KITA R'YAN MAKITA MO!" Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at inayos ang higaan bago lumabas ng silid. Sa lamesita ay nadatnan ko si Ariane na nag-aalmusal ng kanin na hinaluan ng kape at si Tiya Lucy na masama ang tingin sa anak na si Chelsea. "Eh Ma naman e, bagong bili ko lang sa Watson's nun kahapon!" Sagot pa ni Chelsea habang halos baliktarin na ang bahay para lang mahanap ang lipstick niya. "Aba'y kung hindi ka gaga at kalahati edi sana ay itinabi mo ng maayos. Palibhasa'y burara kang babae ka" Inis pa ring sagot ni Tiya Lucy at tumayo na mula sa pagkakaupo at lumabas na ng bahay ng hindi na pinansin pa ang anak na nagddrama. Marahil ay magtutungo na sa palengke upang magtinda. "Argggg!!!!!! kainis!!!!!!!" Sigaw ni Chelsea at nagdabog na palabas matapos kuhanin ang bag na pula sa isang sirang silya. Nailing na lamang ako at nagtungo na sa lababo upang maghilamos. Matapos ay lumapit ako kay Ariane na patapos na sakaniyang pagkain. "Ipagtitimpla kita ng kape ate" anito at tumayo na upang kumuha ng tasa. "Hindi ka pa ba mahuhuli niyan? First day mo pa naman" ani ko habang nakatingin sa bag niya na nakapatong sa isang bakanteng upuan. Napangiti ako ng mapait ng makita ang ilang maliit na piraso ng tela na itinapal na lamang niya sa mga butas ng bag dulot ng kalumaan nito. Lumang bag ko pa ito noong highschool at hanggang ngayon ay pinagtitiisan na gamitin ni Ariane. "Maaga pa naman ate tsaka malapit lang naman" sagot nito nang ihapag ang isang tasa ng kape. Ngumiti ako dito bilang pasasalamat. "Kumpleto na ba mga gamit mo? Kaya pa ba ng bag mo? Parang bibigay na e" biro ko pa kahit ang totoo'y nagguilty ako dahil hindi ko man lang siya mabilhan ng bago. "Kaya pa 'to ate, hindi uso saatin ang marupok 'diba? Haha" "O siya, mauna ka na at gagayak na rin ako" "Good luck, ate. Second year ka na, konting kembot nalang! Fighting! " "Ikaw din, galingan mo." Pagkaalis ni Ariane ay naghanda na rin ako para pumasok sa school. Tignan mo nga naman second year na ako. Dalawang taon na lang. Sana kayanin ko pa. Sinara kong mabuti ang pinto ng bahay bago umalis. Tulad ng nakagawian, dadaan na naman ako sa eskinitang bakas na bakas ang kahirap na hindi man lang nagbago sa tagal ng panahon. "Good Morning, Guadalupe!" "Walang maganda sa umaga, Artemeo" ani ko at inalis ang braso niyang naka-akbay sa akin. Wala pang ilang metro ang inilalayo ko sa bahay, asungot agad. "Ikaw ang maganda sa umaga Guada, sumesexy ka ngayon ah!" Sinamaan ko ito ng tingin at nagdiretso na lamang sa paglalakad. "Seryoso nga Guada, hindi ka na pang fiesta, pang birthday nalang HAHAHAHAHA" "Leche" Inis na iniwan ko na siya roon habang tumatawa. Diyan talaga magaling ang hayop na 'yan, ang bwisitin ang araw ko. Lintik. Nakarating ako sa kanto habang naka-sunod ang isang hinayupak na bwisit sa buhay ko. 30 minutes pa naman bago ang una kong klase kaya ayos lamang sa akin ang maghintay ng jeep na masasakyan. Ang hindi maayos ay kasabay ko si Art na panay ang ngisi sa akin upang bwisitin ako. "Ang sexy ng Guada na 'yan, nagpapasexy ka ba para sakin?" "Neknek mo! Lumayo ka nga sakin, ang baho mo!" Ani ko sakaniya at tinaboy gamit ang mga kamay ko. "HOY! Anong mabaho, bagong ligo ako no, kahit amuyin mo pa kili-kili ko mas mabango pa sayo!" Lumapit ito sa akin at akmang ipapa-amoy nga ang kili-kili niya ng may bumisina sa harap namin. "Good morning, Guada!" Bati ni Steve nang maibaba ang bintana ng sasakyan niya. Ito ang maganda sa umaga, hindi si Art. Hmp! "Good morning din, Steve" ganting bati ko habang nakangiti. Nabaling ang tingin ni Steve kay Art na nasa tabi ko at tinanguan niya ito kaya napalingon din ako rito. Siniko ko ito ng hindi man lang niya pansinin si Steve at nag make-face pa habang parang langaw na bubulong-bulong. "Anyways, tara na hatid na kita" ani Steve na nakababa na rin pala sa kaniyang sasakyan. "Ah eh, hindi na. Mag jeep nalang ako malapit lang naman yung school. Baka maka-abala pa hehe" "Ano ka ba Guada, ngayon ka pa ba mahihiya? Halika na baka malate ka pa. First day mo pa naman. " Matamis akong nginitian nito kaya tumango na rin ako. "Eshege ne nge" ani ko at sumakay na sa kaniyang sasakyan. "Sabay ka na pre" alok ni Steve kay Art. "Hindi na, mag jeep nalang ako at may dadaanan pa" sagot naman ni Art na ikinatango ni Steve. Umikot na ito papunta sa driver's seat. "Thank you, Steve." Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe at nasa tapat na kami ng University. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at sininop ang mga gamit. "Basta ikaw, Guada. See you later" Nag-ningning ang mga mata ko at nag-pintig ang mga tenga sa narinig. "Ha? Bakit? May pupuntahan ba tayo mamaya?" Kunwari'y inosente kong tanong at inipit ang imaginary hair strand sa likod ng tenga. Hindi naman ako informed na may lakad kami mamaya, magdedate na ba kami? "Silly, hindi ba't may shift ka mamayang gabi sa restaurant?" Toinks. Oo nga pala. Magkikita nga naman pala sa trabaho. Assumera ka namang masyado Guada. "Hehe, oo nga pala. Sige Steve, una na ko ah?" Paalam ko, dahil sa kahihiyan. Sana naman hindi halatang nag-assume ako na may date kami, huhu. "Okay, take care" sagot naman nito habang matamis paring nakangiti. Awkward na kumaway nalang ako sakaniya at tumalikod na upang maglakad patungo sa classroom. Kainis naman, akala ko talaga may date na kami ulit. Hmp. Pagdating ko sa classroom ay nandoon na din si Art. Classmate ko na naman 'tong hayop na 'to? Umupo na ako sa tabi ng upuan ni Art. Kahit na pa ba inis ako rito palagi ay 'di mapag-kakailang siya lang talaga ang ka-close ko sa mga classmates ko. "Index card. Write your name and course" Bungad ng Professor namin nang pumasok ito sa classroom. Heto na naman ang mahiwagang index card. "Reyes" napa-pikit ako nang ako na ang sumunod na tawagin. "This is just a review and a very basic question." Napahinga ako ng malalim. Grabe kahit na ganon sabihin niya kinakabahan pa rin ako. First day palang, recitation na agad. "Number system is divided into two categories: real numbers and imaginary number. Now, give the classifications of real numbers." Okay, Guada basic lang 'yan. "There are four classifications of real numbers" huminga ako ng malalim at pinag-isipang mabuti ang isasagot. Hindi ako pwedeng magkamali dahil tiyak na mapapahiya ako. Madali lang ang tanong na napunta sa akin. Sa kursong ito, basic knowledge lang ang mga ganitong katanungan. "First, Real Numbers. These numbers are considered as the counting numbers. Example of real numbers are 1,2,3,4 and so on." Hindi ako tumingin sa mata ng Professor namin bagkus ay nakatitig ako sa white board sa likod nito. Nakaka-kaba ang aura niya at totoong mukhang istrikto. "Then,the Integers. These numbers include all the natural numbers, the negative of natural numbers and the number zero. Example: -5,-3,0,6, 8" "Next, we have Rational Numbers. These are numbers that can be expressed as a quotient or ratio. The term "rational" comes from the word "ratio". Examples are 0.5 which can be expressed as 1/2, and -3 which can be expressed as -6/2 which proves that all integers are rational numbers." "The last classification are the Irrational Numbers. These are numbers which cannot be expressed as a quotient of two integeres. Examples are the pi, and squareroot of 2" "Okay, you make take your seat." Sabi nito at nagtawag na ng ibang pangalan. Hindi ko alam kung natuwa ba ito sa mga sagot ko dahil wala siyang binigay na reaksyon. Gayunpaman, tingin ko naman ay tama ang mga sinagot ko. Isa't kalahating oras din ang tinagal ng klase at puro oral recitation lang ang nangyari. "Guada, wala daw mga Prof sa susunod na subject" palabas na ako ng classroom nang marinig ko ang sinabing iyon ni Art. "Pa'no mo nasabi?" Tanong ko habang nakatayo pa rin sa tapat ng pintuan. Tumayo na rin ito mula sa kaniyang upuan at lumapit sa akin. "First day kaya, tsaka sabi ng tropa ko sa kabilang section" anito at naglakad na palabas. Sumabay naman ako sakaniya. "Daan tayong faculty room para sure" suggestion ko. Lumingon muna ito sa akin at inis na um-oo dahil alam niyang hindi ako naniniwala sakaniya. Pag dating namin sa faculty room ng CE Department ay nakasalubong namin ang President ng klase namin. Naroon rin ang iba naming kaklase, marahil ay sinisilip kung totoong wala ng Professors na papasok. "Wala daw mga next Prof, attendance nalang guys!" Sabi ni Ingrid, ang class president namin. Tumingin sa akin si Art na para bang sinasabing "I told you". Ngunit inirapan ko lang naman siya. Nag-unahan sa pag pirma sa isang yellow paper ang mga kaklase ko, halatang mga nagmamadaling umuwi. Sabagay, sino ba namang hindi? "Pang-attendance mo nalang ako, pupunta pa kong palengke" utos ko kay Art. "Okay. Sabay na tayo, hintayin mo ako sa gate." Tumango lang ako sakaniya at nauna ng maglakad. Maaga pa naman para sa shift ko sa restaurant kaya tutulong muna ako sa pagtitinda sa palengke. Wala rin naman akong gagawin sa bahay. "Tara na, babes" sabi ni Art at umakbay pa sa akin. "Babes mo mukha mo, baduy" singhal ko naman sakaniya at padabog na inalis ang brasong naka-akbay sa akin. "Sungit mo, parang palagi kang may dalaw, e menopause ka na diba?" Pang-aasar pa nito. "Tse!" Mas binilisan ko pa ang lakad ko para iwan siya doon. "Hoy, bagalan mo naman! Para kang biik na hinuhuli sa bilis mo maglakad HAHAHAHAHAHA" Grrr! Biik pala ah. Madapa ka sana! Hindi ko na siya sinagot pa at dire-diretsong nagtungo sa palengke. Nadatnan ko doon si Tiya Lucy na nakikipag-usap sa isang tindera. Nagmano lang ako sakaniya at ibinaba na ang gamit sa isang maliit na mesa sa tindahan niya. Ala sinco ng hapon ng umalis ako sa palengke upang magtungo sa restaurant. Pag-dating ko doon ay busy ang lahat. Hindi pa gaanong marami ang customers pero aligaga na ang mga kasamahan ko. Agad na nilapitan ko si Gelly ng pumasok ito sa kitchen. "Anong meron, bakit parang sobrang busy?" Tanong ko rito. "May live band kasi mamaya, at gusto ni Sir Steve na maayos lahat kaya nagse-set-up na agad ng mini stage tsaka baka dumoble ang customer ngayon dahil 'don." Tumango naman ako sakaniya at sumilip sa labas. May naka-set-up ngang maliit na stage roon at may mga music instruments. Naalala ko tuloy noong nasa Tarlac kami, kung saan kumanta din si Steve para sa kasal ng kaibigan nito. Napangiti ako ng maalala 'yon. Ang gwapo niya noon, pati ang boses parang nang-aakit. "Hoy babae, baka gusto mo na magtrabaho? Tabi nga d'yan. Paharang-harang sa daanan." Masungit na sabi ni Stacey nang madaanan ako nito. Hindi nalang ako sumagot sakaniya dahil nakalabas na ito ng kusina. Hmp. Impakta! Pumasok na ako sa locker room at nagpalit ng uniform. Nag-ayos din ako ng buhok at naglagay ng kaunting powder sa mukha. "Guada, parang namayat ka" sabi sa akin ni Gelly matapos ako nitong tignan mula ulo hanggang paa. "'Wag mo nga akong lokohin" sagot ko naman sakaniya. Una si Art, ngayon naman si Gelly. Namayat ba talaga ako? Sabagay, parang ramdam ko ngang medyo lumuwang sa akin ang uniporme ko. "Seryoso nga, nagpapa-sexy ka 'no? Para kay Sir Steve ba, ha?" Pang-iintriga pa nito sa akin. "Tumigil ka nga! Ano bang sinasabi mo, wala lang talaga makain ngayon no!" pagbibiro ko sakaniya at iniwan na siya roon. Totoo ngang maraming customers ang dumarating pa kaya busy kaming mga staff. Isang oras na rin akong naka-duty pero hindi ko pa rin nakikita si Steve. Akala ko ba ay nandito s'ya? Ilang customers pa ang inassist ko bago ako mag break. 15 minutes lang ang break time kaya agad rin akong bumalik sa trabaho. Nang pumasok ako sa kitchen ay nagkukumpulan ang mga waiters and waitresses. Doon narinig ko ang boses ni Steve na nagsasalita. Nakangiti at excited akong lumapit sakanila. Sumingit pa ako para mapunta sa harapan. Pabida na kung pabida. Ngunit ang mga ngiti sa labi ko ay unti-unti ding nawala dahil sa susunod na narinig. "Guys, I want you to meet my girlfriend, Mariam. Mariam, sila ang nga staff ko dito sa restaurant." Natulala ako sa narinig. Para akong naestatwa habang pinagmamasdan siya. Naka-ngiti ito habang ang isang braso ay naka-palupot sa isang balingkinitang bewang ng babae. "Hello, guys. Nice to meet you all. Thank you sa pag-tulong niyo sa boyfriend ko." Doon lamang bumaling ang tingin ko sa isang maputing babae sa tabi ni Steve. Inangkla pa nito ang dalawang kamay sa braso si Steve at sumandal sa balikat nito. Halata sa itsura nito ang karangyaan. Mula sa pananamit hanggang sa mga alahas na suot nito. Ang ganda niya. Bagay na bagay sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD