- Gail - Napabalikwas ako nang makaramdam ako ng panunubig sa pantog. Para akong zombie na naglalakad patungong banyo. Nakapikit pa ang isang mata ko habang ang isa ay pilit na dinidilat para hindi madapa sa nilalakaran. Kinapa ko ang switch ng ilaw at mabilis akong naupo sa bowl. Mabilis lang akong natapos pero mabagal akong kumilos. Paglabas ko ay agad akong napatingin sa bintana. Bakit parang ang dilim pa? Napatingin ako sa walk clock. Alas-dos pa lang pala ng madaling araw. Jusmiyo kaya naman pala. Napabalik ako sa malambot na kama at halos malubog ako sa sobrang lambot kasabay pa nun ang malamig na aircon. Pumikit ako pero hindi naman nagtagal ay napadilat din ako. Hindi na ako nakatulog pa kaya nagmuni-muni muna ako hanggang sa nakaramdam ako ng pagkagutom. “Gosh! Hindi pa

