Chapter 1
- Athena Gail Jung -
Ito na naman ako simpleng umupo sa may upuan katabi ang mga taong naghihintay tawagin ng doctor para magpa check up. Hawak ko ang magazine na kunwari ay nagbabasa at nakatakip sa mukha pero ang mga mata umiikot na sa paligid.
Maya maya pa ay narinig ko na ang nurse na may kausap at pasimple ko naman na binaba ang hawak ko na magazine. Si Lance na may hawak ng record ng mga pasyente at seryoso ang mukha. Nakasalamin pa ito at kunot noo na lalo pang nakadagdag sa taglay nitong kagwapuhan. Pumasok na ito sa loob para makapag simula na dahil mahaba na ang pila ng mga gustong magpa check up.
Hindi ko alam kung ang iba ay magpapa check up lang, madalas ay mga babaeng malalandi lang ang nakikita ko. Mukha naman kasing walang mga sakit ang iba, baka sakit sa kakatihan lang.
Inis na tinignan ko ang dalawang babae na kilig na kilig nung makita ang mahal ko na si Lance. Sa itsura ng mga nito at kasuotan para bang pupunta ng bar at hindi magpapakonsulta. Sabagay sa madalas ko na pagbisita sa ospital na ito ay lagi na lang ako nakakasagupa ng mga ganito. Imbes na masanay kasi ay lagi ako nabubwisit. Nakakaselos naman talaga kasi.
“Nakita mo na si Doc Lance, uuwi kana ba?" biglang sulpot ni Cassey na diko namalayan dahil iniintindi ko ang dalawang higad.
“Tsk! Uuwi nako pero may gusto akong sungalngalin Cassey" inis ko.
Natawa naman ito sa akin.
“Bat dika pa din sanay sa araw araw na dumadaan ka dito alam mo na maraming ganiyan dito. Saka Gail alam mo ding kaliwat kanan ang babae ni boss." tinaasan pa ako ng kilay ni Cassey.
“Ayus lang, importante makita ko lang siya masaya na araw ko." nahihibang kong sagot.
Napapailing na lamang ito. Daily routine ko na atang pumunta sa ospital na ito para lang makita ang mahal ko, basta andito din si Cassey. Kapag day off niya ay hindi ko kayang pumuslit dito kahit saglit, wala akong lakas ng loob. Masaya na ako na makita siya kahit sa malayo at sobrang busy man nito. Importante masilayan ko lang ang mukha nito ay tanggal lahat ng stress ko sa buhay. Sa totoo lang, hindi pa kami nakakausap na para bang kaibigan o maging close. Natatakot ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit. Pag nagkausap naman kami ay very formal lang, isang tanong isang sagot. At kapag kasama naman namin si Max at mga kaibigan ko ay di ko kayang makipaglapit dito at kung todo iwas ako. Sobra kasi akong nate-tense sa prisensya nito. Alam ng mga kaibigan ko ang kahibangan at galawan ko kaya kulang nalang ay ibaon nila ako sa lupa dahil napaka shunga daw ng mga damoves ko! Ayus lang dahil first time ko lang magkagusto sa isang tao na di ako gusto. Oo first love ko si Lance.
“Uy! natulala ka na naman diyan Gail" sabay pitik sa aking noo.
“Aray naman!" sabay hawak sa aking noo.
“Nurse Ledesma!" tawag ng pamilyar na boses. Walang iba kundi ang aking mahal si Lansten Maxwell Zimmerman.
“Doc Lance!" si Cassey at tumalikod sa akin para puntahan ang kaniyang boss.
Ako naman na nakahanap ng tiyempo ay kasing bilis ni the flash na umalis sa aking upuan at lumabas ng ospital na pagma may-ari ni Lance. Ganito lagi ang gawain ko para di niya ako makita. Pag alam ko na papalapit ito sa aking gawi ay mabilis akong nagkukumahog na umalis. Ayoko na nakikita niya ako. Gusto ko ay ako lang ang nakakakita sa kaniya. Kabaliwan nga.
Nang makalayo ako ay agad na akong pumara sa isang taxi. Pero bago pa man ako makapasok ay lumingon muna ako sa aking pinagmulan na ospital at ganun na lamang ang aking gulat nang makita ko ang mahal kong Lance na nasa labas nun. Halos magtatalon ang aking puso nang magkatinginan kami. Oo tingin ko sa akin siya nakatingin dahil iyon ang sigaw ng aking instinct.
“Sasakay po ba kayo Mam" untag sa akin ni manong driver.
Agad akong napabaling dito.
“Ah opo sasakay na po ako, pasensiya po" at sumakay na ako nakakahiya naman kay manong kung paghintayin ko pa dahil nakipag titigan ako kay Lance.
Mabilis naman akong nakauwi sa bahay na aking tinutuluyan kasama ng aking mga kaibigan. Nakita ko pa si Akeera na nagta-type sa hawak nitong loptop sa sala. Isa kasi itong writer.
“Kumain kana Gail, habang mainit pa ang ulam." sabi nito na di naman lumilingon sa akin.
“Paano mo nalaman ako ang dumating Akeera?" takang tanong ko.
Napabaling tuloy ito sa akin at kunot noo.
“Ikaw lang naman ang umuuwi nang ganitong oras sino paba?" mataray talaga ito tulad ni Lily. Bumalik ulit sa ito harap ng loptop.
Alas onse na pala ng gabi. Oo nga ako lang umuuwi nang ganitong oras, lalo na pag dadaanan ko pa ang mahal ko. Si Akeera madalas ay sa gabi nagta-trabaho at tulog sa umaga. Daig pa ang call center. Si Honey naman ay maaga ito laging natutulog, nagbibilang ito lagi ng oras nang pagtulog. Beauty Rest daw eh, lalo na isa itong guro. Si Lily naman ay may pasok din kinabukasan kaya hindi ito madalas nagpupuyat pwera nalang kung rest day nito kinabukasan. Si Cassey na paiba iba ng schedule ng trabaho, minsan sa umaga minsan sa gabi pero hindi din ito mahilig magpupuyat. Si Max na aking soon to be sister in law ay inuumaga kung minsan umuwi dahil sa klase ng trabaho.
“Okay kakain nako. Masarap ba ulam?" tanong ko.
“Kelan ba naging di masarap ang luto ko, kumain kana diyan!" asik nito.
Ako naman ay natawa dito.
“Thank you!"
Matapos ko kumain ay pinaghugasan ko na ang pinaggamitan ko.
Biglang sulpot ni Akeera na kusina na kinagulat ko.
“Nakakagulat ka naman!"
“Anung nakakagulat kumuha lang ako ng tubig, ikaw kasi puro ka Lance kung saan saan tuloy lumilipad ang isip mo" pang aasar nito at uminom ng tubig.
Natameme naman ako dahil totoo ang sinasabi nito.
“Kung ako sayo tutal naman ganiyan kana kahibang, gayumahin mo!" sabay talikod sa akin. Ako naman ay napabusangot na lamang. Wala na talaga akong maaasahan sa aking mga kaibigan kundi asarin ako.
Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at kinuha ang aking towel para maligo. Dahil dalawa ang banyo nang bahay na ito. Matapos ko maligo ay nagsuot ako ng aking paboritong pajama. Nag scroll muna ako sa aking sss at IG at matapos nun ay nagmuni muni muna ako ng mga bagay bagay. Lalo na sa aking mahal na si Lance. Ilang beses na ba ako nag imagine kung paano kami ikakasal, at mag aanak ng marami. Daig ko pa teenager sa tuwing nag iisip ng mga imposibleng bagay. Pero ayos lang importante mahal ko si Lance.
Nakatulog tuloy ako na may ngiti sa mga labi.