Chapter 2

1981 Words
- Gail - Maaga akong nagising dahil sa parating na ipina-deliver ko isang linggo na ang nakalilipas. Kailangan ko iyon dahil ang mga iyon ay ginagamit ko sa aking small business na coffee shop na ang pangalan ay 'Ateanas coffee' na hindi lang puro kape dahil merun ding iba't ibang klase ng tea's, coffee brew's at mga na patok ngayon sa mga kabataan. May croissant breads, cookies at cakes. Hindi pa naman ganun kalaki ang shop ko dahil dalawang table lang ang merun sa loob at apat na upuan. Dalawa lang din ang staff ko at pangatlo ako na nasa counter na madalas naman ay tumutulong din lalo na kapag maraming customers. Kahit maliit lang ang shop ko ay masasabi kong maganda at malinis iyon. Dahil sa magandang ambiance at magagandang decorations na masarap pagmasdan ay nakakadagdag atraksyon sa mga kumakain. Kulay puti at brown ang theme ng coffee shop ko. Kaya sa mga kabataang bumibili ay hindi makakaiwas na hindi sila magselfie lalo pa at naglagay din ako ng maliit na space para sa photo booth. Sa tulong ng Tito Robert ko ay nagkaroon ako ng sariling negosyo na masasabi kong sarili ko. Bata pa lang ako ay nakatira na ako kila Tito Robert at sa asawa nitong si Tita Melvie. Simula nang mawala sa mundo ang Mommy Gemma ko nang sampung taon pa lang ako dahil sa sakit na cancer ay kinuha na ako ni Tito Robert na bunsong kapatid ni Mommy. Isang seaman si Tito Robert, kaya kahit papaano ay nakaranas ako ng maayos na buhay. Hindi ko nakilala ang sarili kong Tatay nung bata pa ako dahil ang kwento sa akin ay nabuntis nang isang business chinese si Mommy kung saan ito nagtatrabaho sa isang bar bilang waitress. Hindi tinanggap ng pamilyang chinese ang Mommy ko dahil sa ibang lahi at galing pa sa mahirap at hindi sa katulad nilang galing sa isang mayamang angkan. Hindi man lang nagawang ipagtanggol nang sarili kong tatay ang Mommy ko kaya umuwi ito nang luhaan at depressed habang ako ay kaniyag ipinagbubuntis. Hindi na nakapag-asawa pa ang Mommy ko at ako kaniyang inalagaan hanggang sa ito ay magkasakit ay mawala sa mundo. Kaya itinuring na akong anak ni Tito Robert at Tita Melvie. Nag-iisa lang din ang anak nila na si Jepoy na trese anyos pa lang. Umuuwi pa rin naman ako sa Cavite kung saan sila naninirahan kapag weekends o depende kung kailan ko balak umuwi doon. Madalas kasi ay dito na alang din ako nagtatagal sa bahay kasama ng mga kaibigan kong magaganda. Alam kong minsan ay nagtatampo na sila Tito Robert sa akin dahil sa tagal kong umuwi. Hindi ko kasi masabi ang dahilan lalo na at hindi ko maiwan-iwan ang mahal kong si Lance. My one and only sunshine.. “Hello good morning!" masayang bati ko sa aking mga kaibigan habang nagsusuklay ng mahaba kong buhok pababa sa hagdan. “Morning!" sabay-sabay naman ako binati ng mga kaibigan ko. “Kumain na kayo nang makaalis na rin kayo.!" nilapag ni Akeera ang malaking bowl na punong-puno ng sinangag. “Bakit pinapalayas mo na kami??" mataray na salita ni Lily. “Oo! Dahil maglilinis ako bahay. Nakakahiya naman kasi sa iyo eh no" nakangusong sagot ni Akeera. Nagtawanan na lang kami at hindi na nagreklamo pa dahil totoo naman iyon. Si Akeera na nga lang ang hindi na nga lumalabas ng bahay all-around pa sa paglilinis. Kaya madalas ay dinadalhan ko ito sa natitira naming paninda, pampalubag loob. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin kami sa aming almusal. "Sinong sasabay sa akin?" tanong ni Max. "Ayoko Ate Max.." malakas na iling ni Honey. "Hindi na magje-jeep na lang kami." mabilis na sagot ni Cassey. "Pwede ba ako? Pero daan tayo saglit sa ospital?" pa-cute ko kay Max. Lahat sila ay nagsalubong ang mga kilay at alam ko naman ang dahilan. "Ako na ang aangkas Max! Wag mo nga 'yang pinapansin si Gail at baka ibaon ko sa hukay si Lance na pakboy!" mabilis pa sa kidlat na umangkas si Lily kay Max. Napasimangot ako at matalim na tinapunan ng tingin si Lily na madalas akong barahin. Hinila ako ni Honey. "Tara na Ate Gail, sa amin ka na sumabay." nakangiti nitong salita. "Tara na. Mamayang gabi mo na lang ulit siya daanan sa ospital. Ikaw naman ay madalas na dumadalaw doon." nagpipigil sa pagtawa si Cassey. Umiiling na lang si Max at hindi na nagkomento pa. Nagsuot na ito ng kaniyang helmet habang si Lily naman ay pangisi-ngisi lang na parang nang-aasar pa habang nagsusuot din ng kaniyang helmet. "Hmmmpp!!!" Napapadiyak ako sa hangin sa inis at wala nang nagawa kundi sumabay na lang kay Cassey at Honey. Nag-taxi na lang kami dahil male-late na si Cassey sa kaniyang trabaho bilang nurse kung saan si Lance ang nagmamay-ari na kuya ni Max. Habang si Honey naman ay isang teacher sa isang private school. Pagdating ko ay nauna na sa akin ang dalawang staff ko na si Anna at Ferry na isang binabae. Simula nang mag-opening ako ng coffee shop ay silang dalawa na ang nakasama ko. Masarap silang kasama at mapagkakatiwalaan pa. Kaya bilang ganti ay libre ang kanilang pagkain at meryenda. Sa kanilang benefits sa serbisyo ay sinisigurado kong naiibigay ko para lalo pa silang magsipag sa trabaho at para naman iyon sa aming lahat. Ang kanilang uniporme ay black polo-shirt na may tatak ng 'Ateanas coffee' at black pants. Magkaiba ang kanilang day-off para may kasama pa rin ako sa tuwing wala ang isa sa kanila. Kung minsan naman ay kumukuha ako nang magsa-sideline kapag wala ang isa sa kanila o kaya wala ako. Si Marie na working student. Papasok lang ito sa akin kapag kailangan o kaya may free ito. Naglilinis na ang dalawa at binati ako nang makita. "Good morning din sa inyo." bati ko sa dalawa. Naglinis lang din ako sa counter, kaunting punas lang naman dahil nalinis na rin naman iyon ng dalawa kanina. Hindi pa nagtatagal ay dumating na ang delivery truck kung saan namin kinukuha ang aming paninda. Ako ang madalas humarap sa mga delivery boy at sinisigurado ko na tama ang order ko dahil hindi naman maiwasan na magkamali sila ng dala o kaya minsan ay nagkukulang. Bawat pagbaba ng mga kahon ay chine-check ko iyon sa aking note pad. Nang maayos naman at kompleto lahat at nagpaalam na ang delivery boy. Ilang araw na kasing kulang ang ibang flavor ng tea's ko at mga cake na gustong-gusto pa naman ng ilang kabataan. Nadi-disappoint sila kapag wala ang gusto nilang bilhin. Kaya nakakatuwa naman at kompleto na ulit ang mga paninda ko. Matapos ng isang oras na pagtutulong-tulong namin ay nagsimula nang masidatingan ang mga customer. Maaga pa naman kaya paisa-isa pa. "Thanks for coming! Balik po ulit kayo." nakangiti ko sa mga ito. Sa ganitong umaga ay hindi naman masiyadong matao, kung minsan nga ay wala pa. Pero tuwing tanghali at pagsapit nang hapon ay kesa dadagsa ang mga customer. Kung kelan nga pasara na kami may mga humahabol pa kahit hanggang 8 pm lang kami. Makukulit din ang iba, pero kailangan nang mahabang pasensiya. Habang nasa counter ako ay tumunog ang telepono sa aking tabi. "Hello good afternoon. This is Gail from Ateanas coffee" sagot ko sa kabilang linya. "Hi. Good afternoon. It's me Carol. Same order pa rin Ms. Gail." sagot ng babae sa kabilang linya. "Oh ikaw 'yan Carol. Meryenda time na pala. Ihahanda ko na ang orders mo!" nakangiti kong sagot. "Yeah. Thank you! Thank you Ms. Gail." Hindi na nagtagal ang tawag at ibinaba ko na ang telepono. Mabilis na akong kumilos para ipaghanda ang orders nito. Walang palya ito si Carol na mag-order ng trentang milk tea's, trentang coffee brew at tig-trentang croissant na ibat ibang klase at cakes. Isa kasing secretary si Carol na hindi naman sinasabi sa kung saang kompanya. Isang taon mahigit pa lang naman itong aking coffee shop at itong si Carol ang siyang numero uno kong customer. Pero never ko pang na-meet at through phone lang kami nagkakusap. Hindi naman ito scam dahil nagbabayad ito online. May dumadating na lang na sasakyan para i-pick up ang kanilang order. Tinulungan ako ni Anna at Ferry. "Hindi ka talaga maze-zero sa isang araw Ms. Gail. Palaging big time itong boss ni Ms. Carol." natatawa pa si Anna. "Baka bilyonaryo 'to Ms. Gail! Ayy!! Kapag ito gwapo pakasalan mo na Ms. Gail!" pahawi-hawi pa ng bangs si Ferry kahit wala namang bangs. Malakas akong napailing kahit natatawa. "No. Never in my wildest dreams... Isa lang ang sa akin. Si Dr. Lance." Siniko ni Anna si Ferry at nilakihan ng mga mata. "Kahit sinong gwapo at kayaman 'yang iharap mo kay Ms. Gail wala yan. Iba pa rin kapag sa true love. " "Korek ka diyan Anna!" "Oh siya, sorry naman po Ms. Gail. Nahihiwagaan talaga ako diyan sa boss ni Ms. Carol na 'yan ehhh. Kakaiba.. Pero atleast alam nating tayo pa rin ang winner!" Nagtawanan na lang kaming tatlo at kung anu-ano na lang ang aming pinagkukwentuhan. Hanggang sa may mga dumating na customers. Dumating na rin ang magpi-pick up sa maraming orders. Tumulong ako sa pagbuhat hanggang sa paglabas. "Pakisabi sa boss niyo na maraming salamat sa pagtangkilik sa amin. Thank you sa inyo. Ingat !" pagpaalam ko. "Maraming salamat din po Ma'am! Makakaasa po kayong makakarating ito sa aming Boss." sumaludo ang driver sa akin bago nito pinaandar ang sasakyan. Pagpasok ko ay napapangiti na lang ako sa ilang kabataan na madalas ay mga estudyante pa lang na panay ang selfie. Hindi muna nila kasi gagalawin ang kanilang pagkain at mauuna muna ang pagkuha ng larawan. "Hi Ms. Gail!!" pagtawag ng mga ito sa akin. "Hello. Enjoy lang kayo." nakangiti ko sa mga ito. Ang iba ay kilala na ako at komportable na akong tinatawag sa aking pangalan. Sila naman ay hindi ko kabisado ang mga pangalan pero tanda ko naman sa mga mukha. Habang papadilim ay parami ng parami ang mga bumibili. Mabuti na lang din at flexeble na si Anna at Ferry kaya sanay na ang mga ito sa mga ginagawa. Lagi ko naman sila pinapaalalahanan na wag magmadali para hindi magkamali dahil makakapaghintay naman sila. Pagpatak ng alas-otso ay nag-close na si Ferry. Naglinis sila at ako naman ay nag-inventory na. Matapos nang 30 minutes ay nagpaalam na rin ang mga ito para magsuwi. "Ingat Ms. Gail." "Bye Ms. Gail!." "Ingat din sa inyong dalawa. See you tomorrow!" kumaway ako sa dalawa at nawala na sila sa aking paningin. Humarap ako sa malaking mirror at nag-ayos nang sarili. Naglagay ako ng manipis na make-up at nagsuklay nang maayos. Nagpalit lang ako ng blouse para hindi ako mangamoy pawis. Naglagay din ako ng pabango dahil syempre kailangan ko talaga ito. Chineck ko ang lahat ng gamit. Mga outlet kung mayroon pang naiwan na nakasaksak. Matapos kong libutin ang lahat at nasa maayos na ay nagsara na ako. Madali lang naman itong isara at kayang-kaya ko naman gawin. May mga gwardiya din naman na nagro-ronda sa tuwing gabi dahil marami rin akng katabi na katulad kong may shop. Kahit may kamahalan ang lugar ay secured naman. Ang Tito Robert ko kasi ang naghanap sa lugar na ito. Sa ganitong oras ay wala nang jeepney kaya ako ay magta-taxi na lang. Excited na naman ako sa aking pupuntahan. Bitbit ang malaking bag ko na nakasukbit sa aking balikat at malaking plastick na ang laman ay milk tea at cake. Pasalubong ko iyon kay Cassey at sa bahay na para kila Akeera at Honey. Hindi na ako nagdala para kay Lily dahil tiyak kumain na iyon sa labas. Mayaman naman iyon eh. Si Max naman ay siguradong wala pa sa bahay. Minsan lang naman iyon umuwi ng bahay. "Taxi!" Mabilis na huminto ang taxi at ako ay nasakay. "Sa Zimmerman Hospital po Manong." "Okay po Ma'am."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD