Chapter 3

2202 Words
- Gail - Pagkarating ko ay inayos ko muna ang aking sarili bago ngumiti sa entrance ng ospital. "Sandali po Ma'am. May pasyente po ba kayo sa loob? Bawal ang pumasok basta-basta dito." harang sa akin ng security guard. Napaawang ang labi ko. Paano ba ako makakapasok sa loob ng hindi sinisita. "A-ahh" napakamot ako sa aking ulo. Madalas kasi ay nakakalusot ako. Napalingon ako sa isang guwardiya na lumapit sa sumita sa akin. May ibinulong ito sa dito at mukhang nagulat napatingin sa akin. Lumapit ang isang guwardiya sa akin. "Pasok na po Ma'am." nakangiti nito sa akin. Naguguluhan na nagpasalamat ako sa dito at ngumiti ako isang gwardiya na biglang nahiya sa akin. Kahit paano ay umayos ang aking pakiramdam at naglakad na papasok. Hindi na bago ang maraming tao dito sa hospital. Naupo na ulit ako sa waiting area at nagde-kwatro. Nagtext ako kay Cassey na andito na naman ang maganda niyang kaibigan na may dalang pasalubong pa. Hindi ko alam kung saan nagra-rounds si Cassey pero alam niya naman kung saan ang kinatatambayan ko at hindi na ito bago sa kaniya. Ako naman ay ibinaba ang dala kong pagkain sa aking tabi habang nasa aking kandungan naman ang aking bag. Kinuha ko sa loob nang bag ang makapal na libro. Matagal na itong libro na ito na hiniram ko pa kay Honey na hindi ko pa maibalik-balik. Hindi ko rin kasi ito matapos-tapos na basahin lalo pa at lumilipad ang mata ko sa paligid para lang makita ko ang mahal ko. May napapatingin sa akin na hindi ko naman pinapansin. "Magandang gabi po Ma'am." pagbati sa akin ng janitor habang ito ay nagmo-mop ng sahig. "Good evening din po Manong." nakangiti kong pagbati. Si Manong na madalas akong batiin. Night shift pala ito ngayon dahil minsan ay hindi ko ito nakikita at nasa morning shift kung minsan. Halos kilala na rin ako ni Manong dito at mabuti na lang at hindi naman niya ako tinatanong nang kung anu-ano. Bihira lang din kung makausap ko ito lalo pa at nasa trabaho nito ito. Dumukot ako sa plastick bag ng isang box ng cookies at tinawag si Manong. "Manong, for you po." nakangiti ko. Nagliwanag ang mukha ni Manong at masayang mukha na tinanggap nito iyon. "Naku, napakabait mo talaga Ma'am. Thank you very much po.!" "Walang anuman po Manong." nakangiti ko sa matanda. Nagpaalam na rin si Manong dahil sa ibang floor na ito maglilinis. Napasipat ako sa aking wrist watch. Sampung minuto pa bago mag 10 pm. Kaya pa ng oras at makakapaghintay pa ako. Wala pa rin si Cassey. Saan na kaya ang mahal ko? Tagal-tagal naman magparamdam. Miss na miss ko na ehh. Napabalik ako sa binabasa kong libro kahit wala naman doon ang aking isip. Bawat dumaraan ay mabilis ang mga mata ko. Lahat ng naka-hospital gown ay tinitignan ko at baka isa na sa kanila ang mahal ko. Pero wala.. nakakainis lang. Fighting lang! Hindi ako uuwi nang hindi ko ito nakikita. Mahirap na magkasakit. Masakit sa puso ang hindi ito masilayan. Napahikab ako sa paghihintay. "Inaantok na ako... bwisit naman 'tong mahal ko. Kung hindi ko lang mahal bwisit talaga.." mahina kog bulong-bulong sa sarili. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at para sana mag-scroll sa aking account ng may tumikhim. Si Cassey. May hawak-hawak pa itong dextrose. "Umuwi ka na lang Gail. Wala si Boss dito." agad nitong salita sa akin. Napatuwid ako sa aking pagkakaupo at salubong ang kilay. "Saan siya nagpunta?" "Aba'y malay ko. Wala naman siya maghapon dito. Umuwi ka na lang at mukhang pagod na pagod ka na.. Teka, merun ba sa akin dito?" Mabilis na lumapit sa akin si Cassey at sinipat ang laman na plastick. "Ang bilis ng kamay ahh." simangot ko kay Cassey. Napangisi ito sa akin. Sabay kuha nang isang milk tea at isang box ng cake. "Thanks sa pasalubong. Makakauwi ka na Gail." pagtataboy nito sa akin. Napaawang ang labi ko. "Matapos mong makuha ang pasalubong ko ay ipagtatabuyan mo na ako na parang langaw." "Wala ka naman kasing gagawin dito. Halos matumba ka na nga sa kinauupuan mo sa antok 'di ka pa uuwi?" pinanlakihan ako nito ng mga mata. "Kahit na. Hindi ko pa nga nakikita ang Mahal ko." "Ay ang kulit mo." "Nurse Legaspi!" Napalingon si Cassey sa kapwa nito nurse. "Tinatawag na ako. Oh siya magtagumpay ka sa misyon mo. Kung wala umuwi ka na lang at matulog. Ingat sa pag-uwi bye!" kumaway ito sa akin at umalis na. Napabuntung hininga na lang ako. Naiinis ako. Napatingin ako sa aking relos at 10:30pm na. Nabu-bwisit na napatayo na lang ako. Nagugutom na rin ako. Nagluto pa naman ng sinigang na baboy si Akeera. Naghintay pa ako ng limang minuto at lulugo-lugong tumayo na. Tanginang buhay 'to... Tangina mo talaga Maxwell Lansten. Nakakapagod kang hintayin kung hindi lang kita mahal... Malungkot akong lumabas ng ospital at hindi ko nga pinansin ang bumati sa aking gwardiya. Bahala sila. Wala ako sa mood. Naglalakad ako at wala sa loob na naglakad ako sa parkingan. "Tama baka andito na ang sasakyan niya." Naglakad ako kung saan palaging naka-park ang sasakyan ni Lance ko. Nagliwanag ang aking mukha at nagkaroon ng lakas ang buhay ko nang tama nga na andito ang sasakyan ni Lance my love. Kahit marami ang sasakyang naka-park ay alam na alam ko kung ano ang sasaktan nito kahit na paiba-iba ito ng gamit. Sa galing ko ba namang mang-stalk dito ay kabisado ko na lahat ng sasakyan nito na higit pa sa sampu. Pasimple akong nagtago sa isang sasakyang kulay itim at sumilip. Kahit naman na nababaliw akong makita ito ay hindi ko ito kayang harapin o makita man lang ako nito. Wala lang.. nahihiya kasi ako. Ilang minuto pa akong naghintay kahit na nilalamok na ako sa aking kinatataguan. Pero sige lang para lang masilayan ang mahal kong si Lance. Makapagtitiis pa ako basta para sa kaniya. Napansin kong umaalog ang sasakyan ng mahal ko. "Lumilindol ba?" pagtataka ko. Pero nanatili pa rin ako sa aking kiatatayuan.Hindi naman nagtagal ay biglang bumukas nang kaunti ang pintuan ng sasakyan. Halos mapatalon ako sa tuwa at kilig. Pero mas lalo kong itinago ang sarili para hindi mapansin ng mahal ko na andito ako nagbabantaay sa kniya. Napawi ang magandang ngiti ko nang may lumabas na isang babae na halos wala na sa ayos ang kasuotan na kaunti na llang ay makikita na ang kaniyang n*****s. Tanginaaaaaaaaaa!!! Malanding ngumiti ang babae habang inaayos ang suot nitong damit. Nakatalikod ito sa akin. "Thank you for this wonderful night Babe. Tawagan mo lang ako palagi." Kulang na lang ay sumugod ako at sambunutan ang malanding hitad na babaeng ito. Bumaba si Lance na parang walang nangyari. "Okay." simpleng sagot ni Lance. Naluluha ako habang nakikita kong naglalandian ang dalawa sa harapan ko. Tumalikod na ako dahil hindi ko na kaya ang susunod nilang gagawin. Maghahalikan sila at hindi ko kayang makita ang mahal kong may kalandiang iba. Alam ko naman at kilalang babaero si Lance. Ayaw din ng mga kaibigan ko kay Lance dahil sa pagiging babaero nito. Pero matuturuan ba ang puso ko? Hindi naman. Kung pwede lang na sa isang pitik lang ay wala na akong maramdaman dito pero hindi. Matagal ko na itong mahal simula college pa lang ako. Kahit kaliwa't kanan ang babae nito ay pikit mata ko pa rin itong minamahal. Hindi ko man lang kayang magkagusto sa iba na tulad sa pagmamahal ko kay Lance. Hindi ko rin kayang magkagusto dahil pakiramdam ko ay magkakasala ako. Pero ako lang naman itong nangangarap ng gising sa pagmamahal kay Lance. Kahit si Max na aking kaibigan ay pinapayuhan ako nang hindi na mabilang na tigilan ko na ang pagkakagusto ko sa kaniyang kapatid. Kung pwede lang.. pero hindi naman. Lumuluha ako habang sumakay ng taxi. Namalayan ko na lang na nakauwi na ako at hindi ko na kinuha ang sukli sa limang daan na binayad ko kay Manong driver sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Ang sakit na naman ng puso ko. "Oh Gail. Mabuti at nakauwi kana. Kumain ka na diyan nang makakain ka na." Narinig kong salita ni Akeera na kahit hindi ito lumingon sa akin ay alam naman nito na ako ang dumating. Hindi ako sumagot at pabagsak kong nilagay sa lamesa ang dala kong plastick na may pasalubong. "Ikaw na lang mag-ref nito. Bigay mo kay Honey ang isa." Para akong lantay na gulay na umakyat sa hagdan. "Gail." Narinig kong pagtawag sa akin ni Akeera pero hindi ko na ito sinagot pa. Bago pa ako makapasok sa loob ng kwarto ko ay muli kong narinig ang boses ng aking kaibigan. "Tignan mo 'to. Malungkot na naman. Nakita na naman sigurong may kalandian si Lance na pakboy." Mas lalong sumama ang loob ko sa sinabing tumpak ng aking kaibigan. Para akong patay na bumagsak sa aking kama. Naluluha na naman ako. Hindi naman na kasi bago ang pagiging babaero ni Lance ko. Kailan ko ba huling nakitang may kahalikan ito? Last two weeks ago na pala.. at ngayon ulit. Yawa ka talaga Lance ko. Palagi mo na lang talaga ako sinasaktan at pinapaiyak. Kahit lagi mo akong ginaganito ay mahal na mahal pa rin kitang hinayupak ka. Para akong batang umiiyak. Nawalan na ako ng ganang kumain. Hindi ko na rin kayang mag-shower man lang. Gusto ko na lang ay matulog para mawala na ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagmamahal kong walang saysay kay Lance. Nagising na lang ako sa tunog ng aking cellphone. Umaga na pala at pasado ala-syete na ng umaga. Ang suot kong damit ay iyon pa rin kagabi. Ang dugyot ko na. Kinuha ko ang cellphone kong walang tigil sa kaka-ring. Si Tito Robert iyon. "Hello 'to." inaantok ko pang sagot. "Hello anak. Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko. Kanina pa ako tumatawag sayo. Kakagising mo lang ba?" sagot ni Tito sa kabilang linya. Tumikhim ako bago sumagot. "Opo. Kakagising lang. Napatawag po kayo?" "Kung maaari anak ay huwag ka munang magbubukas ng coffee shop mo." Nawala ang antok ko sa aking katawan dahil kay Tito Robert. "Huh? Bakit naman po? Sayang ang araw ngayon." pagtataka ko. "Kailangan mong umuwi dito. Ngayon na. " mariing salita ni Tito sa akin. "At bakit naman? Anong merun? May problema po ba?" "Basta. Umuwi ka na muna dito para malaman mo ang lahat." "Sige po.." pakamot-kamot ko pang sagot. Wala na akong nagawa at pumayag na lang. Pero hindi ko pwedeng isarado ang coffee shop ko dahil nanghihinayang ako sa kikitain ngayong araw. Wala naman akong idea kung anung gusto sabihin sa akin ni Tito Robert kaya bahala na lang nga. Mabilis akong naligo at nagsuot ng malaking tshirt at tinuck-in sa aking maong shorts. Suot ko ang sneakers at isang backpack. Hindi naman marami ang dala kong gamit mga iilan lang na mahalaga dahil marami naman akong damit sa Cavite. Pagbaba ko ng hagdan ay nakakunot ang noo ng mga kaibigan ko na nakatingin sa akin. "Saan ang punta mo?" "Hindi ka ba papasok?" Lumapit ako sa lamesa para humigop ng kape at kumain ng pandesal. Umiling ako. "Uuwi muna ako sa amin. Pinapauwi ako ni Tito eh." sagot ko. "Bakit naman?" tanong ni Honey. "Baka nalaman ng Tito mo na umiyak ka na naman sa pakboy na Lance na yun?"singit ni Akeera. Napasimangot ako. Nakaramdam pa rin ng sakit sa dibdib. "Hindi ah." sagot ko. Hindi rin naman kami nagtagal ay umalis na kami. Kaniya-kaniyang sakay na ulit kami. Sabay kami ni Honey dahil wala si Cassey. Every two days kasi ito bago umuwi. Ngayon naman ay dadaan muna ako sa aking puwesto. "Bye Honey." kaway ko sa aking kaibigan nang mauna akong bumaba ng jeepney. "Bye Ate Gail. Ingat sa pag-uwi." ganting paalam din nito sa akin. Nang makarating ako sa coffee shop ay agad akong sinalubong ng dalawang nakangiting staff ko. "Goodmorning Ms. Gail.!" "Goodmorning din sa inyo." Nagcheck lang ako sa ilang gamit at paninda bago ako nagpaalam sa dalawa. Nagulat pa ang mga ito at nalungkot. "Wag kayong mag-alala at uuwi rin naman ako ka agad. Urgent lang to." nakangiti ko sa dalawa. "Mami-miss ka namin Ms. Gail. Ingat po kayo sa pag-uwi." "Ingat din kayo. Tawag lang kayo kapag nagkaroon ng problema. Tatawagan ko na lang si Marie if available siya today." Hindi na rin ako nagtagal at sumakay na ako ng taxi para umuwi ng cavite. Nagpadala ako ng text message kay Marie na kung pwede siya ngayong araw. Napangiti naman ako nang mabilis itong sumagot at siya ay makakapasok ngayong araw. Ilang oras na akong nasa byahe nang makatanggap ng message kay Cassey. Cassey: Uy beh! Umuwi ka pala ngayon? May kasunod pang message mula kay Cassey. Sayang, may goodnews pa naman ako sayo today. Kaso sa pag-uwi mo na lang ikukwento ko. Nagreply ako sa sinabi ng aking kaibigan. Me: What is it? Cassey: Secret joke! About ito sa crush mong si Lance. *insert laugh emoji* Hindi na muna ako sumagot sa text ng aking kaibigan. Kung kay Lance ito ay kailangan ko munang magpagaling... Mahal ko siya pero hindi ko pa kaya ang sakit na nakita ko kagabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD