- Gail -
Matapos nang nakakahilong byahe dahil sa matinding traffic palabas ng SLEX ay nakarating din ako ng ligtas.
Pagbaba ko sa harapan ng gate ay nag-doorbell ako. Pinalitan na kasi ni Tito Robert ang gate namin kaya wala na akong access para makapasok.
Tanghali na rin at mataas ang sikat ng araw kaya kailangan ko nang pumasok sa loob ng bahay. Naiwan ko pa talaga ang payong ko sa bahay. Masakit kasi sa balat ang matinding araw. Dagdagan pa na kahit makinis at maputi ako ay inaalagaan ko pa rin ang balat ko. Mahal pa naman ang skin care na pinapahid ko sa katawan.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang gate. Si Tito Robert na malaki ang ngiti.
“Mabuti naman at nakarating ka na Anak."
Nagmano muna ako kay Tito bago sumagot.
“Opo, kakarating ko lang ‘to."
Chinika pa ako ni Tito habang nililibot ko ang paningin sa paligid ng aming bahay. Mahilig sa bulaklak si Tita Melvie at ngayon ay mukhang nadagdagan na iyon dahil sa makukulay na bulaklak. Sa katabi niyon ay ang fortuner ni Tito na nakapark. Sa kabilang side naman ay may maliit na swimming pool. Mahilig kasi magtampisaw si Jepoy nung bata pa ito kaya nagpagawa ng pool si Tito para sa kaniyang anak.
Bago kami makapasok sa loob ay madadaanan ang isang kulungan ng parrot. Si Niknok at Mae-mae.
“Hello Niknok. Hello Mae-mae!" bati ko sa dalawang parrot.
“Hello kamusta! Hello Kamusta!"
“Hi beautiful! Hi beautiful!"
Natatawa na lang ako sa dalawang parrot na marunong magsalita. Matalino ang mga ito kahit na sobrang ingay.
Iniwan ko na ang dalawang parrot at sumunod na kay Tito Robert.
“Tita !"
“Ang maganda kong pamangkin. Athena." nakangiti ni Tita Melvie.
Niyakap ako nito at ginantihan ko rin ng yakap.
“Tara na sa lamesa. Hinintay ka talaga ng Tito Robert mo para sabay-sabay na tayong kumain."
“Ahh, si Tito talaga."
Ibinaba ko muna ang dala kong backpack sa sofa at ang cellphone ko ay inilagay ko sa aking bulsa.
Pagpasok namin sa dining area ay nakahanda na ang pagkain.
“Jeffrey!"
Malakas na tawag ni Tito Robert sa kaniyang anak. Naupo na kami nang sumulpot si Jepoy.
“Ate Gail!"
Masayang mukha na lumapit si Jepoy sa akin at yumakap. Ginulo ko ang buhok nitong makapal.
“Binata na talaga si Jepoy namin. Iba na ang boses!" nakangisi ko.
Namula naman itoa at naupo sa aking tabi.
“Binata na nga. Hindi na mautusan bumili sa tindahan eh." reklamo ni Tita Melvie sa kaniyang anak.
“Paanong hindi mautusan eh andun ba naman ang crush niya sa tindahan. Ikaw ba naman ay utusan mong bumili ng asin." singit naman ni Tito Robert.
“Aba'y syempre paano magkakalasa ang niluto kong ulam kung walang asin?" matalim na tinignan ni Tita Melvie ang kaniyang asawa.
Natawa na lang ako sa mag-asawa.
Mas lalo naman na namula ang gwapong mukha ni Jepoy. Hindi makapagsalita. Binata na nga.
Masaya kaming kumakain sa tanghalian. Hindi nagbago na tulad lang din nang dati. Kaya mahal na mahal ko ang pamilyang ito dahil simula bata pa lang ako ay puro kabaitan at pagmamahal na ang naranasan ko sa kanila.
Matapos namin kumain ay nagtungo muna ako sa aking kwarto dahil si Tito Robert ay may pinuntahan at dala ang kaniyang sasakyan. Tinanong ko si Tita Melvie kung ano ba ang importanteng sasabihin ni Tito sa akin kung bakit niya agad ako pinauwi dito. Ang sagot lang ni Tita Melvie ay si Tito Robert na lang daw ang bahalang magsabi sa akin.
Napabuntong hininga ako at napatitig sa maganda kong kwarto. Kahit bihira lang kung makauwi ako dito ay palaging nami-maintaine ang kalinisan sa kwarto ko. Napakabait at masipag kasi ni Tita Melvie.
Kulay white at pink ang theme ng kwarto ko dahil favourite colour ang pink na parang Barbie doll. Maski ang bedroom ko ay ganun din ang kulay. Kahit ang cabinet at closet ko ay kulay white na may pink sa bawat edge.
Naupo ako sa kama at kinuha ang malaki at malambot na hello kitty na kulay pink ang dress.
“Hi! Namiss kita." mahigpit kong yakap.
Tumayo ako at sumilip sa bintana. Wala naman nagbago sa likod bahay namin bukod sa doon naglalaba si Tita Melvie.
Isinarado ko nang maayos ang makapal na kurtina para hindi tumagos ang init ng araw. Malamig kasi dito sa aking kwarto dahil sa Aircon.
Naligo muna ulit ako sa banyo ko na super cute. Ako kasi ang nagdesign sa lahat lalo pa at maarte ako sa mga gamit ko. After 20 minutes ay natapos din ako sa paliligo.
Nagsuot lang ako ng t-shirt at pajama.. Hindi na ako nag-ayos sa mukha at tamang sunscreen lang ang nilagay ko. Nag-blower lang ako sa buhok at nagsuklay. Ilang sandali pa ay nag-open ako sa aking laptop.
Kahit wala ako sa aking shop ay nakikita ko naman ang galaw ng mga tao dahil sa CCTV na nakadirekta sa akin. Mukhang wala naman aberya. Nagcheck din ako sa mga orders kung kailangan na ba ulit naming magpadeliver.
Nagsend sa akin si Anna ng ilang stocks na paubos na. Kaya mabilis kong na-confact ang company na kinukuhaan ko ng aking paninda.
Hindi naman nagtagal ay pinatay ko na ang laptop. Nag-scroll naman ako sa aking account. At wala sa loob na napatulala ako.
Si Lance ..
Bwisit ka talaga Mahal ko. Ang sakit pa rin ng nakita ko kagabi. Pero kahit ganun ay mahal pa rin kita. Hindi ka na naawa sa kagandahan kong taglay.
Biglang nag-flash back kung saan ko unang nakita si Lance.
Third year college ako nun at ang kinukuha kong kurso ay marketing management sa isang university. Nagkaroon ng isang event ang buong campus at may mga ilang sikat na personalidad ang dumating. May politician at ilang sikat na mga professional. At isa sa kanila si Dr. Maxwell Lansten Zimmermann. Isang Surgeon.
Siya lang ang bukod tanging gwapo sa lahat na naroon. Siya lang din ang halos hindi magkamayaw sa kakasigaw ang mga kababaihan sa tuwing ito ay name-mention. Lalo na nang isa ito sa nag-speech. Kulang na lang ay mangisay ang mga kababaihan sa sobrang kilig. At isa na ako sa kanila...
Sa dami ng mga gwapo doon ay si Dr. Lance lang ang hindi humiwalay ang aking paningin. Na love at first sight ako sa kaniya. Hindi man niya ako kilala pero ako ay kilalang-kilala siya. Sa sobrang pagkahumaling ko sa kaniya nung araw na iyon ay parang ayaw ko na sa kurso ko at maging pulis na lang para imbestigahan ang buhay ni Dr. Lance na sobrang gwapo.
Simula nang araw na iyon ay ni-research ko si Dr. Lance sa internet. Mabuti na lang at naka-boarding house ako ‘nun kaya hindi alam ni Tito ang kahibangan ko sa aking crush. Napapadalas ang punta ko sa hospital kahit wala naman akong pasyenteng dadalawin.
Nung nagkasakit ako dahil sa thesis namin ay pinili ko talaga na sa Zimmermann hospital ako ma-admit. Hindi naman nagtaka si Tito Robert basta ako ay gumaling lang.
Nag-request pa ako kung pwede na si Dr. Lance ang maging doctor. Pinagtawanan lang ako ng ibang doctor at nurse nun. Maski si Tito at Tita ay pinanlakihan ako ng mata.
“Mala-artista kasi ang kagwapuhan ni Dr. Lance kaya palaging siya ang request na maging doctor sa mga pasyente." pailing-iling pa na salita ng isang doctor.
Nalungkot ako nun dahil feeling ko ay wala ng pag-asa na makita ko si Dr. Lance. Sa tatlong araw kong pananatili sa ospital ay dininig ang wish ko.
Bago ako madischarge ay bumisita si Dr. Lance na sobrang gwapo..
“Hello Ms. Athen Gail." nakangiti ang gwapong mukha ni Dr. Lance. Kahit ang boses nito ay napaka-manly. May dimple ito sa kaniyang kanang pisngi at napakaperpekto ng hugis ng kaniyang ilong. Ang mga mata nito kulay itim na para bang kung tumingin ay pati ang lamang loob ko ay nakikita nito.
Bagay na bagay sa kaniya ang suot na hospital gown, kitang-kita ang kakisigan nito sa laki ng kaniyang katawan ay humahapit ang kaniyang suot. Mabalahibong braso na ang sarap hawakan at gusto kong yakapin.
“Hi Doc." sagot ko sa kaniya.
Ang Tito Robert ko ang kumakausap sa kaniya na hindi ko naman maintindihan dahil natulala na ako sa kaniyang kagwapuhan. Iba pala talaga ang kapag nakikita mo ito ng malapitan, bukod sa napakagandang boses ay napakabango pa.
“Doc, crush po kita." nahihibang kong salita.
Natigilan sa pag-uusap ang dalawa at lahat sila ay napatingin sa akin.
Napaawang ang bibig ni Tita Melvie habang si Tito Robert naman ay nagsalubong ang mga kilay. Wala naman reaksiyon ang mukha ni Dr. Lance at nakatingin lang ito sa akin.
“Athena!" mahina pero madiin na tawag sa akin ni Tito Robert.
“Pagpasensiyahan niyo na po ang pamangkin ko Doc." nahihiyang salita ni Tito kay Dr. Lance.
“Yeah it's okay.. It's maybe part of her hallucination kaya dapat talagang magpahinga siya ng husto at ‘wag abusuhin ang katawan. She needs 8 hours of sleep every night." dugtong ng doctor.
Hindi naman nagtagal ay umalis na ito ay bago pa ito makalabas ng pintuan ay tinawag ko pa ito.
“Thank you Dr. Lance!" sabay finger heart sa kaniya.
Wala naman akong nakuhang ibang reaksiyon dito at nagpatuloy na ito sa paglakad.
“Ikaw na bata ka talaga! Kung kelan gumaling ka na sa sakit mo ay nagkakaganiyan ka pa." napapailing pa si Tito Robert sa akin.
Nagkandahaba ang nguso ko. Si Tita Melvie naman ay hinaplos ang aking likuran at bumulong sa akin.
“Okay lang ‘yan. Sino ba ang hindi magkaka-crush kay Doctor Zimmerman. Napakagwapo ba naman."
Umaliwalas ang mukha ko.
“Bàta ka pa kaya normal lang na maramdaman mo yan. Sa ganda ng Athena namin." nakangiting salita ni Tita Melvie.
Na-touch naman ako kay Tita. Napatingin naman ako kay Tito na hindi maipinta ang mukha na nakatingin sa aming dalawa ng kaniyang asawa.
Ang kahibangan kong iyon ay nagsimula hanggang sa araw-araw ko na itong ini-stalk. Hindi lang sa social media kundi na rin sa kaniyang hospital.
Kapag nakikita ko siyang naglalakad malapit sa akin ay nagtatago ako gamit ang magazine. Tinatakpan ko lang ang mukha ko para hindi niya ako makita. Sa awa ng maykapal ay never niya pa akong napansin. One time habang nag-aabang ako sa kaniya ay hindi ko siya nakita. Kaya malungkot akong lumabas ng ospital at sa hindi inaasahan ay nakita ko si Dr. Lance na may kasamang babae at sila ay naghahalikan.
Iyon ang unang sakit na naranasan ko. Sa sobrang pagka-heart broken ko ay isang linggo akong hindi nag-stalk sa kaniya. Pero bumalik ulit ang pagkahumaling ko sa kaniya nang mapadpad na muli ako sa kaniyang ospital. Hanggang sa inabot ng ilang buwan at taon ang pinag-gagawa ko. Nakaka-absent lang ako sa pag-stalk dito kung may emergency or andito ako sa cavite.
One time habang naghihintay ako sa waiting area ay nakita ko si Lance na may kasamang babae. Maganda ito at seryoso ang mukha. Kahit paulit ulit ko ng nakikita itong may kasamang ibat-ibang babae ay first time kong makita ang magandang babae.
Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Pero hindi niya ako kinausap. Sa pangatlong beses na nakita ko ito ay nalaman kong isa itong pulis base sa kaniyang suot na uniporme. Ang astig niya tignan at napansin kong ginagalang ito ng staff nang ospital.
Lumapit ito sa akin at naupo sa aking tabi.
“Are you stalker?" diretsong tanong sa akin ng babaeng maganda.
“H-huh?"
“Pasensiya na pero babaero yun. Sayang naman ang effort mo kakapunta dito kung playboy ka pa humanga. Maganda ka pa naman." pinasadahan ako nito ng tingin.
“T-teka paano mo nasasabi yan? Isa ka ba sa mga babae niya?" parang umalsa ang dibdib ko sa aking sinabi. Nakakaselos dahil maganda ito.
Tumawa ito na para bang isang joke ang sinabi ko.
“That' fvcking no way!.."
Sasagot pa sana ako nang may mapansin tumawag sa kaniyang cellphone na agad nitong sinagot.
“I have to go. See you later!"
Napasimangot ako. Mabuti na lang at dumaan ang isang janitor na naglilinis ng sahig.
“Manong, may pasyente po ba yung pulis na iyon?" nguso ko sa umalis na babaeng pulis.
Huminto si Manong at sinundan ang nginuso ko.
“Ah si Ma'am Maxine. Hindi po. Nakababatang kapatid po ‘yan ni Boss Lance." sagot nito at umalis na rin agad.
Ako naman ay umuwing lutang sa aking nalaman. And that's how I met my friend Max.
Napalikwas ako sa pagbubulay ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko iyon. Si Tita Melvie.
“Athena, andiyan na ang Tito Robert mo sa ibaba. Tinatawag ka na niya."
“Sige po Tita."
Sumunod na ako kay Tita Melvie habang hawak ko ang aking cellphone.
Sa living room ay nakaupo si Tito Robert at tumabi sa kaniya ang kaniyang asawa. Napakunot noo agad ako sa isang taong gwapo na chinito. Kamukha niya si Yang Yang na isang Chinese actor.
Tumikhim si Tito at itinuro ang isang bakanteng couch at doon ako naupo. Nakaharap ako sa isang lalaking nasa chinito habang nasa gitna sila Tito at Tita.
“Ito si Athena Gail. Ang pamangkin ko." seryosong mukha ni Tito Robert.
Nagtataka ako pero hindi ako nagsalita.
“My name is Ken. Nice to meet you Ms. Athena Gail." tumayo ang lalaki at nakipagkamay sa akin. He look so gentleman.
“Nice to meet you din." sagot ko.
Ngumiti ako sa kaniya. Gwapo ito at mabango din pala.
Napatingin ako kay Tito na seryoso ang mukha.