- Gail -
Wala man akong idea ngayon ay tahimik lang ako. Iba din kasi ang awra ni Tito Robert, para ba itong binabagabag o may matinding problema. Lalo na sa harapan kong si Mr. Ken Xiaofeng na isang Lawyer pala.
Tumikhim si Tito na para bang nabarahan ng plema sa lalamunan.
"Athena, anak. Kaya kita minadali sa pagpunta dito ay para malaman mo ang isang seryosong bagay tungkol sa iyo." panimula ni Tito.
Napatikwas ang isang kilay ko at tumingin ng diretso kay Tito Robert. Si Tita Melvie naman ay tumayo at nagtungo nang kusina.
"Hindi ko man gusto ito una pa lang dahil nangako ako sa Mommy mo nung nabubuhay pa lamang siya na hindi ko sasabihin ang tungkol sa pinagmulan ng iyong Ama. Hindi ko pa rin mapapatawad ang taong iyon at ang kaniyang pamilya sa pananakit sa iyong Ina."
Napaawang ang labi ko sa gulat dahil kahit kailan ay hindi ko naisipan ang ganitong usapan.
"Isang buwan na ang nakakalipas ng makilala ko si Mr. Xiaofeng. Siya ay inutusan ni Mr. Huateng Jung, your biological father para ikaw ay hanapin."
"Hanapin?" kahit ayaw ko nang makilala kung sino man ang totoo kung tatay dahil sa ginawa nitong pananakit sa Mommy ko ay never ko namang hiniling na makilala ito. Kahit may dugo akong chinese ay hindi ko ikinatutuwa iyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang apelyido ko ay sinusod pa sa biological father ko na wala namang bayag.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Tito Robert.
"Nagalit ako sa kaniyang pangungulit. Araw-araw niya akong pinunpuntahan at sinusundan na para bang stalker. Kaya nang pagbigyan ko siya ay saka ko lang nalaman ang nais niya."
Tinanguan ni Tito si Mr. Ken.
"Thank you Mr. Diaz. .. Ms. Athena Gail .."
" Just call me Gail." mabilis kong sagot.
"O-okay. Ms. Gail. I have an envelope here from your real father. " ipinakita ni Ken ang malaking envelope na kulay itim. May tatak pa yun kakaiba at may hugis dragon sa gitna.
Kahit salubong ang kilay ay kinuha ko ang envelope pero wala pa akong balak na buksan.
"Ano ba ang dahilan kung bakit ka niya pinapunta dito? Walang rason na magparamdam pa siya at mas lalong walang rason para malaman niyang buhay pa ako." diretso kong salita sa Lawyer na ito.
Wala naman akong nakitang ibang reaksyon sa Lawyer na ito. Ngumiti pa ito sa akin.
"Yes, i can understand what you feel Ms. Gail. Karapatan mo 'yan bilang tao."
Lumabas galing kusina si Tita Melvie at bitbit nito ang isang tray ng juice at sandwiches. Nilapag nito iyon sa glass table na nasa aming harapan. Nagsalin pa ito inumin sa aming tatlo at nilagay ang sandwiches sa platito. Hindi naman nagtagal ay umalis na rin si Tita Melvie at umayat sa hagdan.
"Si Mr. Huateng Jung ay kasalukuyang may sakit ngayon. He is battling stage 4 cancer, and that's Leukemia. Because of his sickness, gusto ka sana niyang makita at makilala bago man siya pumanaw."
Kay masama ang loob sa taong iyon ay hindi ko maiwasang mapasinghap sa pagkakarinig.
"Dahil ba may sakit na siya ay ngayon niya lang naisipang hanapin ako? That's absurd.." mapait akong natawa ..
"Sa tingin ko naman ay may asawa at pamilya na siya ngayon. Pero bakit niya pa ako gustong makita pa? Dahil ba malapit na siyang mamatay?"
"Athena Gail!" mariing saway ni Tito Robert sa akin..
"Si Mr. Jung ay may dating asawa at kaka-finalize lang nang kanilang divorce two months ago. Hindi sila pinalad na magkaroon ng anak. Infact, ang nasa envelop na 'yan ay ang lahat ng documents sa lahat ng katanungan mo. May hand written letter si Mr. Jung para sa iyo. Sana lang ay mabasa mo immediately."
Hindi ako umimik at tinignan lang si Mr. Ken. Inaarok ang lahat ng kaniyag mga sinasabi at nacu-curious ko na ring basahin ang nasa loob ng envelop.
"Hindi na ako magtatagal Ms. Gail, dahil alam kong nasopresa ka pa. But, i'll be back here tomorrow morning para sa magiging sagot sa kahilingan ni Mr. Huateng Jung " mabilis na tumayo ang abogado na hindi man lang nagalaw ang kaniyang meryenda.
Tumayo rin si Tito Robert at nakipagkamay sa abogado.
"Maraming salamat po Mr. Diaz. Marami din pong salamat Ms. Gail. Sana mabasa mo na ang nasa sulat Nice to meet you again." nakangiting salita ni Ken sa akin at nakipagkamay din.
"Okay. Ingat."
Tumango na langa ako kahit na nalilito ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Magkahalong pagkabigla at sama ng loob ang pakiramdam ko ngayon. Hindi naman ako pwedeng magalit sa abogadong umalis dahil inutusan lang din naman ito.
"Anak, kung ano man ang nasa sulat ay sana lang ay mapag-isipan mo ng maraming beses bago ka sumagot kapag tinanong ka ng abogadong si Mr. Xiaofeng."
Tinapik ako ni Tito Robert sa aking likuran at umalis na sa aking harapan. Naiwan akong tulala.. Ilang minuto muna akong nakaupo bago ko kainin ang meryendang hinanda ni Tita Melvie. Masarap pa naman kaya uubusin ko muna ito bago ako pumanhik sa aking kwarto.
Matapos kong kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto. Naupo ako sa aking kama at tinitigan ko nang ilang minuto ang itim na envelope. Naghahalo ang damdamin ko ..
Napabuga ako sa hangin.
“Bahala na..”
Binuksan ko ang black envelope. Maraming papel iyon, at bawal papel ay makakapal. Hindi iyon manipis na nabibili lang sa bookstore. Pag-angat ko lahat ay may naglalagang tatlong pictures.
Kaya inuna kong tignan ang mga larawan. Agad na napakunot ang noo ko at napasinghap.
My Mommy Gemma!
Sa isang larawan ay magandang mukha at batang-bata pa ang Mommy ko na maganda ang suot. Kahit na luma na ang larawan ay hindi maiaalis na maganda noong bata ang Mommy ko. Nakangiti ito sa camera habang nakasandal sa isang poste ng ilaw na napapaligiran ng mga bulaklak. May kuha pa ang isa na si Mommy Gemma, at ang isang Chinese na lalaki... Kahit hindi ko na hulaan kung sino iyon ay alam kong siya si Huateng Jung ang biological father ko. May pagka- similarities kami ni Huateng Jung. Sa matang singkit, tangos ng ilong at kung paano ngumiti...
Nakayakap si Huateng sa likuran ni Mommy at masayang nakangiti sa camera. Makikita mo na masaya ang kanilang relasyon dahil kakaiba ang ngiti sa kanilang mga mata. At ang panghuling larawan ay nakayakap si Huateng sa bewang ni Mommy Gemma at ang kamay nito ay nasa tiyan ni Mommy. Habang ang isang kamay ay nakataas sa kanang kamay ni Mommy na ipinakita sa camera na may singsing.. They were both genuinely happy.
May namumuong katanungan sa aking kaisipan ngayon.
Ilang minuto ko munang tinitigan ang mga pictures. Hanggang sa simulan ko ng buklatin ang mga papel.
Marami iyon, at hindi ko alam kung paano ko pa iyon mababasa. May isang naka-sealed na hindi ko p alam kung ano iyon.
It's a handwritten letters for me.
First of all, I want to thank you for receiving this letter. I hope that I am still alive at this moment.
Nevertheless, my dear child, I am asking for your forgiveness for all the mistakes I made with your mother and you, my child. I failed in my role as a father to you. I ask for forgiveness for every day, month, and year that I did not see you grow up. You may not know, but I did everything to find you and your mother. However, many things happened, and obstacles got in the way. Please forgive me, my child. If only I could turn back time, I would.
I found out that your mother has passed away. You don't know how sad and tearful I was when I learned about it. But I couldn't come right away because of the tragedies in my life. I got married, but we had no children. Our relationship didn't last because I didn't love her. The only one I ever loved was your mother, Gemma.
I endured for years until we separated. I searched for you in the Philippines, but I had a hard time finding you. Until one day, I met someone who could help me see you. Now, I am weak, and even if you don't ask, I have been sick for a long time. My doctor told me that I have only a few days left to live.
I just wish, my child, if I could see you at least once before I leave this world. Before I pass away, I hope to have a smile on my face because I will see my one and only beloved child.
I have sent documents to show you that everything I have is yours. All the wealth I have left has been transferred to your name, my child. I know that your anger towards me is immeasurable, but I hope you can accept this as your father's plea for forgiveness. My dear child, Athena Gail Jung.
Natapos ko basahin ang sulat na hawak ko na ako ay lumuluha. Hindi ko man nakikita ang may-ari ng sulat na ito ay ramdam ko senseridad.
Pinatapos ko lang na mawala ang lahat ng luha ko ay ibinaba ko ang sulat. Kinuha ko ang isang sealed na sulat. Chinese - english ang nakasulat. Pero alam kong tungkol ito sa lahat ng yaman ni Huateng Jung.
Halos malula ako sa mga nabasa ko. Hindi lang isa ang negosyo ni Huateng Jung, kundi pito. Dalawang restaurant, Isang bar, tatlong resort, Isang mall at isang ospital.
Hindi ko akalain na ganito kalago ang yaman nito. Paano niya nagawang ilipat sa akin ang lahat niyang negosyo? Nagkaroon siya ng asawa, at kahit na hiwalay na ang mga ito ay tingin ko ay maghahabol ito. May mga kamag anak rin ito na naghahanda sa kanilang mamanahin. Pero bakit ako? Alam ba niya kung ano ang buhay ko? Paano kong isa akong scammer or one day millionaire?
Napapailing na lang ako. Hindi ko kinakaya ang ganito. Biglang sumakit ang ulo ko. Bakit naman ganito? Masaya na ako sa tahimik kong buhay.. Pero hindi ko akalain na may naghahanap pa pala sa akin. Never kong naisip na hahanapin pa ako nang tunay kong Ama. Humihingi ng kapatawaran at gusto akong makita sa huli nitong sandali .. at ang masaklap pa ay iiwan nito lahat ng negosyo sa akin?
“Arghhh!!"
Humiga ako sa aking kama at napatitig sa kisame..
Gumagawa ng eksena ang utak ko sa mga pangyayari nung unang panahon. Totoo pala talaga ang pagmamahalan ng Mommy ko at ni Huateng. Nagkaroon lang ng hadlang.. ang sabi sa akin ay ayaw ng magulang ni Huateng sa Mommy ko dahil sa ibang lahi ay galing sa hirap lang. Napakawalang hiya nila kung ganun man. Buhay pa kaya ang mga ito? Ang dating asawa nito saan na kaya?
Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung sino kayang tao ang nagbalita kay Huateng tungkol sa akin kaya ako ay natunton na? Nakakapagtaka iyon, lalo pa at nahirapan ako nitong hanapin. Sino kaya ang taong iyon?
Hmmmp!!!
Si Ken Xiaofeng ay babalik bukas ng umaga. Dapat ay may sagot ako sa kaniyang pagbalik. Siya kaya ang makakasama ko if ever na gusto kong makita ang tunay kong Ama?
Ahhhh ang sakit na ng ulo ko kakaisip!!
Kaya pala minadali akong pauwiin ni Tito Robert ay dahil dito ...
Kinagabihan ay magkakasama kaming kumakain ng aming hapunan.
“Nakapagdesisyon ka na ba Anak?" pambasag sa katahimikan ni Tito Robert.
Napatigil ako sa pagnguya. Kahit wala akong ganang kumain ay pinilit kong sumubo dahil ayaw na ayaw ni Tito Robert ang hindi kumakain.
“H-hindi ko pa po alam ‘to." mahina kong sagot.
Napatitig sa akin si Tito. Si Tita Melvie naman ay tahimik lang na kumakain pero nakatingin sa akin. Habang si Jepoy naman ay walang pakialam dahil malakas itong kumain.
“Si Mr. Ken ay hindi na magtatagal dito sa ating bansa. Kailangan niyang bumalik sa china. Kung ano ang magiging desisyon mo ay hindi ka namin pipigilan."
Napatigil ako sa pagkain at napatuwid ng pagkakaupo.
“Alam niyo na rin po ba ang nilalaman ng sulat?" tanong ko.
Umiling ito.
“Si Ken lang. Ayaw niya pa ngang sabihin kung ano ang pakay niya kung hindi ko lang tinakot na ipapa-deport ko siya kung saang planeta man siya nagmula ay hindi iyon magsasalita."
“Naawa nga ako sa abogadong iyon. Masiyadong tinakot ng Tito mo. Mabuti na lang at mukhang mabait at nakakaintindi." singit ni Tita Melvie.
“Bakit ka naaawa dun? Mukha ba yung pulubi?" simangot ni Tito Robert.
Pinanlakihan ng mga mata ni Tita Melvie si Tito, Kaya natawa ako sa dalawa. Seryoso na ang usapan tapos matatawa ka na lang.
Kinausap ako ng masinsinan ni Tito Robert nang gabi ding iyon. Alam ko ang gusto nitong ipaliwanag sa aking kaisipan.
“Kung ano ang magiging pasiya mo Anak, ay suportado mo kami. Kung sasama ka kay Ken ay sabihin mo sa akin. Gagawa ako ng paraan para hindi ka mapahamak sa bansang iyon. Maraming beses na muntik ng mapahamak si Huateng dahil sa paghahanap sa iyo. Kaya kung ikaw ay pupunta doon, kailangan mo ng makakasama na handa kang protektahan."
Napakunot ang noo ko.
“Napaka-over protective mo naman Tito. Hindi naman po ata ako makipag-giyera doon. Sa China po ang pupuntahan ko at hindi north Korea. " natatawa ko pa.
“Kahit na. Basta makinig ka na lang Athena. Kung minsan pa naman ay gumagawa ka ng desisyon na hindi namin nalalaman."
“Opo..," sagot ko na lang. Kesa humaba pa ang discussion naming dalawa.
Nakahiga nako ngunit di pa rin dalawin ng antok. Hindi ako mapakali lalo na at tungkol ito sa tunay kong Ama. Kahit masama ang loob ko, ay hindi naman ako masamang tao para hindi ito bigyan ng pansin. Bilang na lang ang araw nito sa mundo, at kahit paano naman ay gusto ko rin itong makita bilang tunay kong Ama.
Ang tagal kong tulala nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Text message iyon ni Max.
Hi Gail! Musta? Kailan ka uuwi?
Nagreply ako.
Hindi muna ako uuwi. May tatapusin lang akong importante dito bago ako bumalik diyan.
Then, another message form Max.
Okay! Ingat ka. Night xx!
Also I texted back.
Ingat din kayo. Nighty! xxx
Paglipat ko sa homescreen ay mukha ni Lance ang bumungad. Iyon kasi ang ginawa kong wallpaper. Pampaswerte sana.. Kaso parang puro kamalasan lang..
“Alam mo ba baby ko. Ang dami kong nalaman today.. Nakakagulat at nakaka-drain ng utak. Pero kahit ganun kailangan harapin ang mga bagay na iyon. Siguro nga may gustong ipahiwatig si Lord sa akin."
Napabuntong hininga ako at pinatong ang phone sa tapat ng aking dibdib.
“Baby ko.. Kahit nakakasama ka ng loob dahil sa pagiging babaero mo ay Mahal pa rin kita . Ganun kita kamahal bwisit ka. Pero sa tingin ko ay kailangan ko munang harapin ang tunay kong pagkatao. Iiwan muna kita.."
Pumikit ako at iniisip na para bang nasa harapan ko lang si Lance habang kausap ito.