- Gail -
Maaga akong nagising dahil sa pangangatok ni Tita Melvie sa akin. Wala pa ngang ala-syete ay ipinapababa na ako para kami ay mag almusal. Naghilamos at nag-toothbrush lang ako bago bumaba.
Pagbaba ko ay sakto naman na nagkukumahog sa paglabas si Jepoy.
“Ano nangyari sayo?"
“Male-late na ako Ate Gail! Bye!"
Para itong si the flash sa bilis dahil nakalabas na agad ito ng bahay. May service din naman ito papuntang school kaya hindi ito mahihirapan sa pagsakay.
Pagpasok ko ng kusina ay nagbubunganga si Tita Melvie.
“Mauubusan na talaga ako ng dugo kay Jepoy!" padabog na napaupo si Tita Melvie.
“Goodmorning.." pagbati ko para mawala ang init ng ulo ni Tita Melvie.
Si Tito Robert naman ay tahimik lang habang nagkakape. Nag-angat ito ng tingin nang makita ako.
“Oh Athena maupo kana dito. Maaga pa naman ang dating ni Attorney Xiaofeng ngayon." salita ni Tito Robert.
“Okay po."
Tahimik akong kumakain. Sa katunayan niyan ay tahimik na tao talaga ako at mahiyain. Kaya walang alam ang Tito at Tita ko sa mga ginagawa ko sa bahay kasama ng mga kaibigan ko. Panatag naman din itong si Tito Robert dahil may tiwala siya sa mga ito. Nung unang lumipat ako sa bahay ni Max ay parang member ng NBI pa itong si Tito sa mga katanungan kung maayos at ligtas ba akong maninirahan. Pumanatag lang ito nang malaman niyang legit na taga-NBI si Max. Kapag naalala ko ang mga iyon ay nahihiya na lang ako. Mabuti na lang ay matalino at magaling sumagot itong si Max. Kaya pwede na itong kumindedatong leader ng bansang pilipinas. Kung trip niya lang.
Natapos kami sa aming agahan at ako na ang nagpresintang maghugas ng aming pinagkainan.
Pagkatapos ko maghugas ay nag-vibrate ang phone ko.
Sa group chat namin iyon sa messenger kasama ng mga staff ko.
Si Anna ang nag-message.
Good morning Ms. Gail! Ask ko lang po kung makakapasok po ba kayo today?
I replied.
Good morning Anna! Unfortunately, hindi pa ako makakauwi *Sad emoji*
May kailangan pa akong tapusin today. I'll try to go back tomorrow.
Nag-send pa ako ng isang message.
How's our store? Still smooth?
Nagreply ito.
So far, so good pa po Ms. Gail. Kahapon nga po ay panay ang tanong ni Ms. Carol sayo. Namiss ka 'ata. *insert laugh emoji*
Napangiti na lang ako. Ganun talaga itong loyal customer namin. Kapag wala ako sa store ko ay panay ang tanong at hanap sa akin. Iisipin kong lalaki itong si Ms. Carol pero babae ito at may pagkamaarte pa nga kung magsalita.
Sabihin mo na lang na nagbakayon at mag-aasawa na. Char! *insert 3 laughing emoji*
Mabilis pa sa alas-kwatro na nagreply si Anna.
I got you Ms. Gail!
Binitiwan ko na ang cellphone ko at hindi na nag-reply. Naupo ako single chair at humarap sa malaking aquarium para pakainin ang mga isda. Nakakatuwa itong mga alaga ni Jepoy. Mahilig kasi ito sa mga pets. Siya ang nagma-manage sa pag-aalaga ng isda, ibon, magkapartner na rabbit at hamster. May aso din ito na sobrang malalaki pa naman na kapag tumayo ay mas malaki pa sa akin, pero nakakulong ang dalawang aso na sila Captain at Duke. Hindi naman mahilig si Tita Melvie sa mga hayop pero kapag wala si Jepoy ay si Tita ang nag-aalaga. Si Tito Robert naman ay napamahal na lang din dahil sa hilig ni Jepoy. Samantalang ako noon hanggang ngayon ay puro kaartehan lang. Nung nag-college ako ay nahilig ako sa cosmetics, skin care at sa mga kasuotan. Kaya ang kwarto ko ay aesthetic dahil gusto ko ay maganda, malinis at komportable. Ang akala ko nga ay ako lang ang ganoon, yun pala ay hindi. Dahil nauuso na rin pala sa internet ang pagandahan at aesthetic na kwarto. Nakaka-inspire din naman ang tumambay sa Home buddies sa isang peysbuk group.
Napalingon ako kay Tito Robert nang maglakad ito na halos patakbo palabas ng bahay.
"Dumating na 'ata si Attorney Xiaofeng." biglang sulpot ni Tita Melvie habang may hawak na pamunas sa kamay.
Nagpagpag ako ng kamay at umayos sa pagkakaupo. Hindi nga nagtagal ay may naririnig na ako sa labas ng bahay. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok si Tito Robert, kasunod nito si Attorney Ken. Infairness, ang gwapo at looking fresh ito. Ang bango-bango na sumabay ang amoy sa malakas na buga ng wall fan.
"Goodmorning Ms. Gail. Good morning Madam.." yumuko pa si Attorney Ken at napahawak pa ang isang kamay sa kaniyang dibdib bilang paggalang.
Wow. Ganito ba talaga ang mga chinese. Napaka-gentleman naman.. Gwapo na nga at super humble pa.
"Goodmorning din Mr. Attorney Ken." ngiting-ngiti naman ni Tita Melvie .
"Goodmorning din.." nakangiti ko sa binatang abogado.
Pinaupo naman agad ni Tito Robert si Attorney Ken at pumasok sa kusina si Tita Melvie para kumuha nang makakain ang bisita.
Si Tito Robert naman ay naupo sa mahabang sofa na nasa gitna. Para itong hari para manghusga sa nasasakdal.
"First of all, thank you Mr. Diaz for allowing me once again in your home"
Nagkibit balikat si Tito Robert.
"Small things."
Sinulyapan ako ni Attorney Ken. Ang gwapo talaga nito, pero hindi ako na-attract sa kaniya.
"Ms. Gail, kumusta na po? What's your thoughts about your biological father? Do you have a question? Suggestions? Or anything.. just feel free to ask me and i'll do my best to answer."
Tumango ako ng dahan-dahan at napade-kwatro.
"Nabasa ko na ang sulat ni Mr. Huateng Jung. Hindi ko inaasahan na mayroon na pala siyang sakit at hindi na magtatagal sa mundong ito...."
Salubong ang kilay ni Tito Robert habang nakatingin sa akin.Wala akong nakuhang ibang reaksyon na sa tingin ko ay alam na nito.
"Kahit hindi man sabihin ng buo sa sulat ay alam kong magulo at komplikado ang naging buhay niya... hindi naman ako masamang tao para hindi makaramdam ng awa kay Mr. Huateng Jung. At kahit masama ang loob ko sa kaniya simula nung bata pa ako ay kahit paano ay napawi ang galit ko sa kaniya. ..."
Seryoso ding nakatingin sa akin ang binatang abogado.
"... pero hindi naman agad nawala ang sama ng loob ko sa kaniya.. Hindi ko pa siya nakikilala ng lubusan. At wala pa akong idea kung ano na ba talaga ang kalagayan niya noon bago pa siya nagkasakit ngayon.
Napatingin ako sa malinis na tiles at bumuntong hininga.
"So it means.. do you agree to come with me to china?" Attorney Ken asked.
Tumingin ako sa kaniya ng matagal. Nagdadalawang-isip pa ako kung ano ba ang isasagot kong tama.
Lumabas si Tita Melvie na may bitbit na tsa-a at pancake. Para iyon kay Attorney Ken. Umalis din naman si Tita matapos mailapag sa harapan ng abogado ang pagkain.
"Pag-isipan mo ito ng maayos Athena. Dahil kapag sumagot ka nang 'Oo' ay hindi kita pipigilan at makakaalis kayo ni Attorney Xiaofeng. Kapag sumagot ka naman ng 'Hindi' ay hindi na magpapakita itong nasa harapan mo ngayon kahit kailan. Kaya sumagot ka na ginagamit ang isip. Dahil mahalaga ang bawat oras. " mariin na bitaw na salita ni Tito Robert.
Parang nalunok ko tuloy ang dila ko sa sinabing iyon ni Tito Robert na may pagka-istrikto. Napakamot tuloy ako sa likod ng aking kanang tenga.
"Ahh mmm.."
"I'll give you a time to think about it Athena." pang-uutos ni Tito Robert at humarap kay Attorney Ken.
"Just take a sip of your tea Mr. Xiaofeng .."
Tumango naman ang abogado at humigop ng mainit na tsaa. Maya-maya pa ay nag-uusap na ang dalawang lalaki sa kani-kanilang fields sa buhay habang ako naman ay parang lumilipad ang utak. Nakakatakot naman kasi itong si Tito Robert.
Kung OO, dapat lang dahil kahit paano ay tatay ko pa rin si Huateng Jung. Bilang na rin ang kaniyang mga araw at hindi na magtatagal sa mundong ito. Hindi naman ako naghahabol kung ang minana lang nito kaya ako pupunta sa bansang china. Kahit maliit lang ang coffe shop ko at nagsisimula pa lang ako sa negosyo ko ay masasabi kong hindi na ako naghihirap sa buhay.
At kung HINDI naman, ay parang napakasama ko namang anak kung ganun? Kahit paano ay nagmahalan silang dalawa ni Mommy Gemma ko at ako ang kanilang bunga. Hinanap niya ako ng matagal na panahon at nang matunton ay pinadala niya si Attorney Ken kaya ito nandirito. Kahit na masama ang loob ko sa kaniya nang napakahabang panahon ay napawi iyon ng kaunti dahil sa sulat nito.
.. Pero nagdadalawang isip ako. Paano kung hindi naman pala totoo at scam lang ang lahat? Uso pa naman ang ganung sistema. Pero bakit hindi naman nag-aalinlangan si Tito Robert sa kaniyang kausap ngayon? Alam kong bago niya iparating sa akin ang ganitong bagay ay mas nauna na nitong malaman ang lahat.
Ayoko naman iwan ang mahal kong si Lance. Hindi pwedeng ‘di ko ito nakikita.. paano na ang puso ko, paano na ang kaluluwa ko...
Napabuntong hininga ako. Nag-uusap pa rin ang dalawa at binigyan talaga ako ng oras para magmuni-muni. Nagulantang ako sa pag-vibrate ng cellphone ko na nasa aking bulsa sa may kanang dibdib.
Si Cassey iyon. Kaya mabilis kong binuksan ang message nito.
Cassey: Uy beh! Shocking ang nasagap kong chismis today... wag ka sanang ma-broken hearted ahhh..
Hindi ko pa man alam ang tinutukoy ni Cassey ay agad na kumirot ang puso ko... Kahit hindi pa nito sabihin ay alam kong ang boss nitong si Dr. Lance ang tinutukoy nito. Agad akong napasimangot.
Me: Anu naman yun?
Wala pang isang minuto ay nagreply si Cassey na may kasamang pang tatlong pictures.
Cassey: Ayun sa nasagap kong chismis dito .. si Dr. Lance ay malapit na daw ikasal. May nakita silang sikat na celebrity female na kasama ni boss papunta sa kaniyang office. And take note! Ayan ang evidence!. Kayanin mo sana beh or much better move on ka na lang!
Kahit parang winasak ang puso ko sa nabasa kong message ng aking kaibigan ay dali-dali kong tinignan ang naka-attach na picture.
Napaawang ang labi ko sa nakita. Ang pinakamamahal kong lalaki na simula't sapul pa ay may kayakap na babae at kahalikan. Ang isang larawan ay nagtatawanan sila habang naglalakad. Ang isa naman ay nagbubulungan papasok sa loob ng office ni Lance. At tama nga, isang sikat na artista at modelo ang babaeng iyon na si Tricia Javier. Hindi naman ako fan ng mga local celebrities pero kilala ko ito dahil napapadalas ito sa telebisyon at magazine.
Bakit naman ganun ito... nakakawalan ng pag-asa ang pinakamamahal kong lalaki. Sa ilang taon kong pagsunod at pagkahumaling dito ay nagpaka-loyal ako kahit hindi ako nito pinapansin. Kahibangan man pero mahal na mahal ko si Maxwell Lansten Zimmerman. Kahit lantaran ang pagiging babaero nito ay hindi pa rin ako nito magawang tignan bilang babae. Kung minsan nga nangarap na rin ako kahit maging isa na lang sa babae nito mapansin lang nito. Ang kaso wala naman din akong lakas ng loob para gumawa ng hakbang.. Kahit magpunta kami sa mansion ni Max at nakikita ko si Lance ay para lang akong hangin na dinadaan-daanan nito. Pero kahit ganun ay mahal ko pa rin ito. Iba ang impact nito sa akin. Kahit minsan nakakapikon na rin ang pang-aasar ng mga kaibigan ko sa akin lalong-lalo na si Lily na minsan ay gusto ko na lang din makipag-sabunutan dahil nakakaiyak din minsan ang pang-aasar nito sa akin. Hindi na nga ako pinapansin ng mahal kong si Lance ay kinakawawa pa ako.
Nag-message muli si Cassey.
Cassey: Anu beh? Okay ka lang? Hayaan mo na lang yang crush mo. Maghanap ka ng iba. Sa ganda mong iyan ang daming nagkakandarapa sa iyo, malay mo ang isa dun ay destiny mo.
Matagal ba ako nagreply kay Cassey. Bigla ay parang gusto pumatak ng luha ko. Kaya isang emoji na umiiyak na lang ang sinend ko sa kaniya. Wala naman akong ibang masabi, dahil nasasaktan ako.
"Nakikinig ka ba Athena?"
Agad akong napalingon kay Tito Robert na parehas silan dalawa ni Attorney Ken na nakatingin sa akin. Napabalik tuloy ang luha kong gustong pumatak.
"A-ano po?"
"Ang sabi ko ay nakapag-isip isip ka na ba ng isasagot mo? Wag mong pinaghihintay si Attorney Xiaofeng dahil mahalaga ang bawat oras nito."
Napakagat labi ako.
Tumunog muli ang cellphone ko at si Cassey ay nagreply.
Cassey: Kung ako sayo, mag-out of town ka muna. Mamasyal, mag-shopping or magpaka-busy sa life para mabilis mong makalimutan itong babaero kong boss. Grabe lang parang hindi kapatid ng kaibigan nating si Max.
"Athena.."
Napaangat ako ng tingin kay Tito Robert. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon.
"What's your decision Ms. Gail?" tanong ni Attorney Ken sa akin.
Nangingilid muli ang luha ko pero pinipilit kong wag umiyak sa harap ng dalawang lalaki na nasa harap ko ngayon.
"Athena Gail."
"O-opo! I agreed."
Ilang segundong napaawang ang labi ni Tito Robert bago ito nagsalita.
"Okay. Good." pagtango ni Tito Robert.
"Thank you Ms. Gail." lumiwanag ang mukha ni Attorney Ken.
Ako naman ay hindi na nag-reply sa huling message ni Cassey. Para saan pa, nasasaktan na nga ako. Siguro nga kailangan ko munang harapin ang totoong buhay ko kesa ang mabaliw sa kakapangarap kay Lance na hindi man lang ako magawang lingunin. Kung sasama siguro ako kay Attorney Ken ay baka dun na ang simula nang pagmo-move on ko. Dahil hangga't hindi ako lumalabas sa comfort zone ko ay mai-stock lang ang utak at puso ko kay Lance na walang ibang ginawa kundi ay saktan ang puso ko nang hindi nito nalalaman.
"Starting today, I will begin preparing all the documents. The only thing you need to do is accompany me Ms. Gail. Because it won't take long, we will be heading to china to meet your father."
Dahan-dahan akong tumango.
"O-okay.."
May ilan pang sinabi si Attorney Ken na ilang mahahalagang bagay. Hindi rin naman nagtagal ay umalis na ito. Dahil sa araw ng bukas ay luluwas na muli kami ng Maynila upang simulan ang ilang paghahanda para sa pag-alis namin papuntang china.
Maraming payo ang ibinigay ni Tito Robert sa akin na dapat ay maging matalino ako sa lugar na aking patutunguhan. Malaki ang tiwala nito kay Attorney Ken Xaiofeng.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama at tulala na nakatingin sa kisame na may maliit na chandelier.
"Bwisit ka talaga... palagi mo na lang ako pinapaiyak..."
Hinayaan ko lang na dumaloy ang luha ko sa aking pisngi pabagsak sa aking tenga.
Masakit at nakakasama ng loob ang pagmamahal ko kay Lance na ilang taon kong inalagaan. Pero wala naman akong magagawa kahit na umiyak ako ng dugo kung nakahanap na ito nang kaniyang the one. Sa gwapo nitong taglay ay marami naman talaga ang nababaliw sa kaniya at isa na ako. Malayo rin naman ako sa mga babae nitong magaganda na ay ubod pa ng mga sexy. At hetong may latest... isang sikat na tao pa. Kaya wala na talaga akong pag-asa. Siguro nga hanggang ganito na lang ang pag-ibig ko sa kaniya. Dahil kung para kami sa isa't isa ay matagal na sana na naging kami. Pero hindi naman. Dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi dapat nasasaktan.. Pero ito ako, parang tanga... Kawawa naman ako..
Baka sa lugar napupuntahan ko ay makilala ko ang magiging future partner ko.
Siguro nga, wala man dito ay baka nasa ibang panig ng mundo. At si Attorney Ken, gwapo pa naman ito. Pero hindi ko naman alam kung may lovelife ba ito o wala. Hindi naman ako interesado pero siguro sa susunod na araw ay malalaman ko rin. Lalo pa at siya ang magiging kasama ko patungong china at siya ang magiging guide ko.
Hayyyy buhay.. Kung nanahimik lang ang puso ko edi sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito..