- Gail - Sa maghapon namin sa aking coffee shop ay kasama namin si Ken. He was a very approachable sa mga customers. Ang ibang teenagers pa nga ay nagpapa-picture kay Ken na mukha raw Korean artist. Hindi ko naman masisi ang mga kabataan dahil totoo namang gwapo si Ken, kilig na kilig pa nga ang mga ito, kaso sa akin ay walang dating. Ayaw ko man isipin pero nagsusumiksik sa utak ko si Lance. Ang gwapong mukha nito.. ang halik nito. Ahhhh tama na Gail! Grabe lang talaga, pinipilit ko na nga lang magpaka-busy sa buhay pero ang gwapong mukha at masarap na halik pa ni Lance ang nagre-rewind palagi sa utak ko. Hindi naman ako magsisinungaling pero nasarapan naman ako. Syempre mahal ko si Lance. Ilang taon kong inalagaan ang pagmamahal ko sa kaniya na akala ko ay pang habang buhay pero hin

