- Gail - Pinapasiyal ko si Daddy Huateng dito sa kaniyang mini garden sa rooftop ng hospital. Gamit ang wheelchair ay masaya kong iniikot si Daddy. Habang tinutulak ko ang wheelchair ay may isang bakal din akong hawak dahil nakakabit mula roon ang màliit na oxygen at dextrose. Sinamahan ako ng dalawang nurse nang umakyat kami dito. Umalis din sila at naiwan kaming dalawa ni Daddy. Wala si Ken dahil may kailangan itong asikasuhin. Habang si Greg naman ay nasa labas lang ng office ni Daddy at hindi na sumama sa amin. Hindi ko pinapakita ang nangyayaring kakaiba sa akin. Dalawang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay parang lutang pa rin ako at nalilito. Nung gabing iyon, alam kong hindi iyon panaginip lang. Dahil totoo iyon. Si Lance . He hugged me so tight and we kissed passionat

