CHAPTER 12

2585 Words
—KING'S POV— Wala pang limang minuto bago ko makitang pumasok sa event hall si Kysler, ang ex ni Isha, nakita ko namang humahangos sa pagtakbo palabas si Isha. I tried to call her name for many times but she kept on running, as if she didn't hear me or she just ignored me. Sinubukan ko siyang habulin pero masyadong malayo na. Dahil sa mabilis siya, wala akong nagawa kung 'di kunin muna ang sasakyan saka siya sinundan. Mabilis pa sa alas-kwatro ang galaw ko maabutan lang siya, halos paliparin ko rin ang sasakyan. Madilim na rin ang daanan, kokonti ang mga taong naglalakad sa kalsada. Tanging ang mga lamp post ang nagsisilbing ilaw. May mga iilang sasakyan pa namang dumaraan. Inabot ako ng ilang minuto kakahanap sa kaniya, sa wakas ay nahagip ng paningin ko ang pagliko niya. Tila nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan at nakahinga nang maayos nang matanaw ko na siya, malapit sa isang crossroad, panay lakad at takbo ang ginagawa. Nang makalapit ang sasakyan ay sakto ring tumigil siya at hinihingal na umupo. Literal na humihingal. Saglit pa akong at agad na nagmadaling lumabas sa sasakyan at nilapitan siya. "Isha!" Makikita ang bigay sa bawat paghinga niya. Parang pilit na hinahabol ang kaniyang hininga. "Isha, look at me," I said guiding her chin to look at my face while she's still trying to catch her breathe. The looks in her face is telling how desperate she is to have her normal breath back. Dumaan ang ilang segundo at ganoon pa rin siya, habol-habol ang hininga at ako ay parang hinahabol din ng kung ano dahil sa kaba na manayani sa akin. Magkahalong kaba at takot ang kumakain sa sistema ko habang pinapanood siyang ganyan. Siguro may hika at inaataki siya nito ngayon, kung oo man, bakit pa kasi tumakbo? "f**k!" I cursed. "I said, look at me, Isha!" Hindi niya sinunod ang sinabi ko, kapagkuwan ay mahigpit na napahawak sa kamay ko. Habang hinahabol pa rin ang hininga, mas lalong humihigpit nang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ramdam ko ang mumunting sakit sa pagkahawak niya na isinawalang bahala ko muna. "Isha, Isha, calm down! Tumingin ka muna sa akin. Kumalma ka! Hey, inhale, exhale, inhale—don't panic.... P-please?" Her eyes settled in my face. "Breathe slowly," I said and heave a sigh as I demonstrate her how to properly breathe and trying to calm her down. "Inhale, exhale, inhale, exhale." Ilang beses kong ginawa ang mabagal na pag inhale-exhale na sinunod niya naman. Hindi nagtagal ay bumalik na sa dating paghinga niya. Nahimasmasan siya pero mababakas ang panghihina sa mukha. Halos nakaupo na siya rito sa gilid ng kalsada, yakap-yakap ang mga tuhod. Bakas ang iilang butil sa kaniyang noo at parang nakatingin sa kawalan. She really look stressed and wasted. Bakit pa kasi tumakbo? Ayan tuloy, alam namang may hika. Hays. That was pretty close! Nanatili siya sa ganoong posisyon hanggang sa walang ano-ano ay narinig ko siyang humikbi. Nasundan 'yon nang nasundan pa ng ilang hikbi hanggang sa kumawala sa bibig niya mumunting hagulgol. Why is she crying? f**k! Dumapo ang kamay ko sa ulo niya at marahan itong iginaya papunta sa bisig ko. Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig namin pareho, maliban sa dumadaang sasakyan tanging mumunting hikbi niya ang nagbibigay ingay sa paligid. Marahan kong pinaghahapos ang kaniyang buhok at hinayaan muna siyang umiyak. "Bakit ang sakit, King? Bakit ako nasasaktan ngayon?" Is it because of him, Isha? Is it because of that priest? Nanatili kami sa ganoong posisyon—ako na nakaluhod ang kanang tuhod habang yakap-yakap siya at siya naman ay nakaupo at umiiyak. Nang lumipas ang ilan pang minuto ay tumahan ito, kaya inalalayan ko siyang tumayo at iginaya pasakay sa sasakyan. Nang masiguradong nakaupo siya nang maayos ay dali-dali akong bumalik sa driver's seat at nagmaneho na pauwi. Ihahatid ko lang siya sa bahay nila. Mas mabuting makasiguro akong ligtas si Isha bago ako umuwi sa amin. WE ARRIVED AT their house around nine pm. Nakatulog siya sa byahe, hindi na ako nag abala pang gisingin siya. Saktong naabutan ko naman kasi sa labas ng bahay nila ang isa sa kapatid niyang kambal. Hindi nga lang ako sigurado kung sino ba 'to, si Quenxi ba o Qianzy. Ah basta! Kahit ngayon kasi nalilito pa rin ako sa kanilang dalawa. "K-kuya King?" she said, seems so shock when she saw me. Yes, she knew me. We already met before. "H-hi, Quenxi or Qianzy? Ay nevermind, your Ate is inside the car. Galing pa kami sa event hall, may kinausap kasi kaya natagalan kami at nakatulog siya sa byahe pauwi. Hindi ko na lang sana siya gigisingin. P'wede ko bang ihatid sa loob?" I didn't mind to tell her about what happened earlier. Isha is okay now, I bet she wouldn't want her sisters to know about it too, they'll just surely get worried. "Qianzy, Kuya King. Yes, p'wedeng-p'wede naman, teka bubuksan ko lang ang gate," sabi niya saka mas binuksan nga ang gate nila. "Kaya naman pala natagalan si Ate." Qianzy lead the way to Isha's room while I am carrying Isha in a bridal way. Mukhang tulog na tulog siya dahil hindi man nagising nang buhatin ko. "Dito po," saad ni Qianzy at binuksan ang isang kwarto. Bumungad sa amin ang may kadiliman na kwarto. Pagkabukas ng ilaw ay parang walang pinagbago ang dilim nito. Puro black color kasi ang mga bagay na nandito. Simula sa wall paint pati sa bedsheets, chairs, pillows and etc., puro black ang kulay ng mga ito. Maingat kong nilagay si Isha sa kama niya at saglit pang pinagkatitigan ang maamo niyang mukha. Bahagya siyang gumalaw at nanatiling nakatulog. Whe looks like an angel when she's sleeping. Sobrang amo ng kaniyang mukha, ang ganda rin niya. Nakakahipnotismo kung titignan nang matagal. An angel when she's asleep but when she's awake, ahh-ahh nevermind. I could still remember my first day in ABC company, argh, that day! To be honest, nakaramdam talaga ako ng takot ng mga oras na 'yon. Para kong nakakakita ng demonyo sa sungit. I didn't expected she was that so rude and I thought she would be nice, since we were classmates and she once liked me but hell no. I even thought that she hated me, her treatment was so cold just like an ice and hard as a rock. Akala ko nga hindi niya ako kilala kasi ayon, daig pa niyang may sama ng loob sa akin para sabihing ayaw niya akong maging assistant, na ayaw niya sa akin kesyo lalaki ako. Prangkang-prangka talaga siya kung magsalita, mukhang walang sinasanto, kaya minsan nakakatakot pero minsan nakakahanga rin. Mabibilang lang ng daliri ko ang mga taong tulad niya, pinipiling maging prangka kaysa sa maging plastic para hangaan ibang tao. "Baka matunaw si Ate Ali, Kuya," natatawang saad ni Qianzy. "Baka pinagnanasaan mo na siya ah," dagdag pa niya. Binalingan ko siya ng tingin at bahagyang nakitawa rin. Nandito pa rin kami sa kwarto ni Isha. Nakatayo sa tabi ng kama ni Isha, ilang metro lang layo namin sa isa't isa ni Qianzy. "Thank you sa paghatid sa kaniya, Kuya." Tumango lang ako bilang pagsagot. Binalik ko ulit ang paningin ko kay Isha na ngayon ay mahimbing na natutulog. Magulo ang malaberde ngunit maikli niyang buhok, bagay na bagay talaga ito sa kaniya, parang mas nagpapatingkad sa aura na mayroon siya. Bold and elegant. "So I have to go. Ikaw na bahala sa Ate mo—" "Have a coffee or juice muna, Kuya!" "Ay sa bahay na lang ah. Gabi na rin naman." "I insist, Kuya. Pang thank you na rin sa paghatid kay Ate. Pretty please?" Hindi na ako umangal pa. Lumabas kami ng kwarto at dumeritso sa kusina nila. Tahimik ang buong bahay, siguro ay natutulog na ang mga kapatid at pinsan nito. Wala rin kasing katao-tao o kaingay-ingay dito. Naghintay lang ako ng ilang minuto rito sa dining table nila nang makabalik ulit si Qianzy, may bitbit na dalawang baso. I asked for a pure black coffee, magbabyahe pa ako pauwi kaya makakatulong 'to para 'di ako dalawin ng antok. "What a coincidence naman, workmates din pala kayo ni Ate 'no? " Nilapag niya ang dalawang baso sa mesa at kinuha ang isa, binigay naman ang isa sa akin. "Oo, nag-apply ako sa pinagtatrabahuhan niya, buti at natanggap," wika ko saka sumimsim ng kape. "Pagpasensyahan mo na lang pala 'yong nakaraan ah. Ganoon talaga si Ate. Wala talaga siyang sinisipot sa mga nirereto namin sa kaniya. Huli na lang namin nalaman na si Ate Yhuri pala sumisipot doon." Naalala ko na naman ang reto nila ni Quenxi at Qianzy. Dahil sa kanilang dalawa, nagkaroon ako ng chance na makausap ulit si Isha matapos ang ilang taon pero 'yon nga lang hindi naman natuloy. 'Yong sinet-up nilang blind date para sa amin, ako lang 'yong pumunta. Naghintay ako ng ilang oras para sa wala. Kinabukasan pinapasok ako ni Ate Aki bilang assistant ni Isha. Good thing, Ate Aki approved my application as an assistant of Isha. Dapat talaga kasi ay ang vacant position ng accountant ako magtatrabaho, kaso noong nalaman ko na si Isha ang sumalo sa lahat ng gagawin ng nag-resign na accountan, I ask Atr Aki to be her assistant. In short, hindi ko tinanggap ang naunang offer sa akin na maging accountant ng ABC Company. "You really like Ate, don't you?" Nasamid ako sa tanong niya, muntikan pang mabuga ang iniinom na kape. "Iyong totoo, Kuya, coincidence lang ba naging magkatrabaho kayo ni Ate Ali?" "H-ha?" nagmamaang-maangan kong tanong. "Tinatanong ko kung gusto mo ba si Ate Ali," patay malisya niyang sabi sa akin. Napapaypay ako ng kamay ko ng wala sa oras. Ramdam ko ang init na namumuo sa hangin. May aircon naman sila pero bakit ganoon? "Okay ka lang ba, Kuya? Mukhang pinagpapawisan ka-" "Yes!" I almost shouted when she touched my forehead. "Ohh okay," she sipped her coffee, quite smirking at me. Silence took over us for a seconds. No one dared to talk but that didn't last because Qianzy open the topic again. "I'm sure you like, my ate." Again, she started it. Hindi ko alam ano sasabihin ko kaya nanatili akong tahimik. Baka madulas ako at ano pa masabi. Ang tanong, paano niya nasabi? "Alam mo ba paano ko nasabi, Kuya?" Wow, nababasa ba nito nasa isip ko? Mala-manghuhula kumbaga. "Ganito, maliban kasi na halatang gusto mo siya, kasi halatang-halata talaga, I could read you between your lines and your stares earlier. I'm not assuming or what, but remember ikaw mismo nag approach sa amin ni Xi tungkol doon sa blind date sana ninyo. Tapos ngayon, biglang magkatrabaho pala kayo at hindi pa 'yan close na agad kayo. At ang matindi, hinayaan ka niyang sunduin at iuwi mo siya rito," sunod-sunod niyang saad. "Binuhat mo pa nga. Anong mayroon? Buti hindi ka pa napatay ni Ate saka kung gusto mo siya—gusto ka ba niya?" I was literally off guard. Her words made me silent like a mute. My lips formed an small O-shaped after hearing her words. Wala akong masabi sa sunod-sunod niyang birada. Parang wala sa sarili akong napasandal sa inuupuan ko. Magkapatid nga sila. I feel like I'm being interviewed by a police. Pilit na hinuhuli sa salang ginawa ko. Si Qianzy yata sumunod sa pagkapranka ni Isha. Walang preno ang bibig. Bakit 'di niya na lang sinabi na stalker din ako ng Ate niya o 'di kaya ano— basta. Marami pa bang baon na tanong 'to? Iba kung makagisa sa mga tanong. I was about to speak when she stopped me. "Teka, kung gusto mo siya? Alam na ba niya? Nako, Kuya mukhang mahihirapan ka riyan kay Ate. Gusto yatang maging matandang dalaga 'yon. And she's allergic to boys dahil doon sa ex niya, ang alam ko nagpari 'yon, ewan kung nasaan na 'yon at alam mo bang nagtataka nga ako kanina bakit hinayaan kang ihatid mo siya rito. Pero dont worry, Kuya, ako bahala sa 'yo. You got me in your back." Hindi naman sa ano pero halatang madaldal 'tong si Qianzy? When it comes to being frank, Isha and her were very same but Isha isn't this too talkative. Patango-tango na lang ako sa mga sinasabi niya. I dont know what to say nor react. Tuloy-tuloy lang kwento niyo, lahat ay tungkol kay Isha. Quarter to 11 pm when I decided to bid my goodbye to Qianzy and went home. As expected, they were all sleeping when I arrived home. Dumeritso ako kwarto ko, nag-half bath at natulog na rin. NAGISING AKO SA ingay na nanggagaling sa living room. Kahit antok na antok ay napabangon ako. It's my day-off but here I am waking up so early because of that f*****g loud noise. Its already past 8 in the morning but it's Saturday and my day-off, I should be waking up late at 9 or 10 am. Naabutan ko sa sala sila Kuya Vold at isa sa kaibigan niya, nagtatawanan. Pamilyar sa akin ng kaibigan niya, hindi lang ako sigurado kung anong name niyan. "HAHAHAHA SINABI MO PA. ANG SUNGIT SUNGIT NGA N'ON SA AKIN! "IKAW NAMAN 'YAN PRE, KAYANG KAYA MO 'YAN!" pasigaw na sabi ni Kuya Vold. "PARANG MAY REGLA, PALAGING MAINIT ANG ULO NIYA SA AKIN! " boses ng kaibigan niya 'yon. "ISANG GIO, MAGPAPASINDAK SA ISANG DOCTOR?! HELL! NO WAY!" "KAYA NGA NACHA-CHALLENGE AKO SA KANIYA!" rinig kong sabi ni Gio. I remembered him. Gio Galladeo, the bestfriend of Kuya Vold. A certified playboy like Kuya too. Ayan na naman sila Kuya sa usapang babae. Tsk tsk! Akala ko ba nagbago na siya. Hindi ko muna sila pinansin saka tumungo sa kusina saka nag-tootbrush at naghugas ng mukha. Nagtimpla ng kape at kumuha ng bread loaf sa lalagyan, saka bumalik sa living room. Pumwesto ako a couch habang sila Kuya ay patuloy pa rin sa pagkukwentuhan tungkol sa babae. In-open ko ang cellphone at nag-scroll-scroll lang sa newsfeed nang maalala ko ang sinabi at mga tanong ni Qianzy kagabi. "Tinatanong ko kung gusto mo ba si Ate Ali." "I'm sure you like, my ate!" "Pero dont worry, Kuya, ako bahala sa 'yo. You got me in your back." "Halatang gusto mo siya." "Kasi halatang halata talaga." Liking Isha? Well— Agad akong napatingin sa cellphone ko nang mag-vibrate 'yon. A text message. A smile automatically flashed in my face as I read the name of the sender. Hindi ko napagilang mapangiti habang binabasa ang text niya. It says, "Good morning. Salamat sa paghatid sa akin kagabi." Simple lang pero nakakakilig. s**t, I'm not gay! Well, it's actually my thing. Liking and admiring Isha is my thing. Way back when we were college, I never ever thought of liking her. Naiinggit nga lang ako sa kung anong mayroon sa kanila noon ni Kysler, they were so strong and seems so inlove before. But that day, a very unexpected day happened. She told me that she liked me, I was so speechless that time and all I said was 'thank you' It was just too late to realized that I am liking her too. Nag iba na kasi kami ng landas after maka-graduate. So what I did was, chased my dreams first and find her again. Hope this time, destiny won't be hindrance and she could say, she still like me. Even if I once responded, 'thank you' to her. After all, Isha is worth to wait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD