CHAPTER 11

2340 Words
—ALISHA'S POV— Minsan sa buhay, pinangarap nating ikasal. Pinangarap nating maitali ang ating puso sa taong pinakamamahal din natin. 'Yong tipong ilalaan ang natitirang buhay natin sa taong gusto nating makasama habang buhay. Wala ka nang hihilingin pang iba. Sa tuwing nandiyan siya sa tabi mo, naiisip mong kaya mo ang kahit ano. Lahat tayo, aminin man natin o hindi, minsan nang sumagi sa isip nating ikasal. Ako? Oo, aminado. Aminadong aminado nagplano ng future kasama ang isang tao. Simula sa kasal, bahay, ilang anak, sa trabaho, sa lahat. Masayang kasing pagplanuhan ang mga bagay-bagay basta kasama mo 'yong minamahal mo at mas masaya 'yon pag naabot o 'di kaya natutupad niyo 'yon nang magkasama. Pero lahat ng planong mayroon kami ay nahuli sa wala. "Wow, you really look so stunning, Isha!" King opened the door of his car. Nang makasakay ako ay sinara niya ulit ang pintuan ng sasakyan niya at saka bumalik sa driver's seat. Sila Quenxi, Qianzy, Shun, Zavia at mga kapatid niya ay nauna na sa church, ako naman ay kasama si King. Habang nasa biyahe, tahimik lang kaming dalawa. Hindi na rin ako nag abalang magsalita dahil nga sa may sumasakop pa sa isip ko at 'yon ang katotohanang makikita ko ulit siya. Ilang araw ko rin pinaghandaan 'to. I even practice my facial expression, the words I will tell him if ever we have a sudden conversation. Lahat ay praktisado na. Kinda awkward but I have to. I don't want him to think that I haven't moved on. We should be happy because even if we didn't end up together at least, in parted ways we managed to reach our dreams. 'Yon ang pinakamagandang kinalabasan sa masakit na pagtatapos namin ng lalaking kasama ko sa pangarap na binuo ko para sa sarili ko. MAAYOS NA ANG lahat pagkarating namin sa simbahan. Kumpleto na ang lahat. Ilang minuto na lang ay magsisimula na. Nandito kami, kasama ng ilang bridesmaids at bestman sa likurang parte, saktong gilid lang ng nakasarang pinto, kung saan dito lalabas si Yhuri mamaya-maya. Hindi nga nagtagal ay nag-umpisa. Tanaw ko sa harap ng altar si Paxton, kasama ang Dad niya. Simula sa ring bearer hanggang sa aming bridesmaids at bestman isa-isang naglakad na sa gitna. Malalapit na kaibigan at pamilya nila Paxton at Yhu ang dumalo, ang iba ay pamilyar na ang mga mukha, ang iba naman ay hindi pa. May kalayuan ang kinatatayuan namin at ang altar, kaya kahit natatanaw ko siyang nakatayo, malapit lang kay Pax ay hindi ko pa maaninag ang mukha niya. There's a part of me that wants to make the time a little bit faster, so I could see him but there's also a big part of me that doesn't want to let my feet take a step. Stopping me. Stopping me from seeing him. Stopping from going near him. But before I could ever think of a something, someone tap my shoulder. I guess one of the organizer, giving me instructions to walk right after Ashtrella, cousin of Yhu, the second to the last bridesmaid. "You are next, Miss Alisha and your partner King. " With a small bouquet of flowers in my hands we did the other instructions of the organizer— to walk slowly with a smile on my face and feeling proud and happy for the both of them. I'm wearing a simple, peach color of long gown. Fitting every small curves of my body. While King wears a black tuxedo. Pero hindi ko na 'yon pinansin, hindi ko binigyan ng pansin si King. Tila may sarili akong mundo habang naglalakad. Unti-unti ko nang naaininag ang mukha niya. Everyone's attention focused on me and King while we're slowly and graciously walking towards the altar. Feeling every bit of emotions. This is what I've dreamt, walking here in this aisle, smiling from ear to ear while he is waiting for me in the altar. Almost 9 years ago, that was our planned. "If I ask you to marry me right now, would you say I do?" he asked with a plain, serious tone. I looked at him with a confused looks. We are here in baywalk, sitting and quite hugging each other, embracing each others arms. "Eh?" Mahina siyang natawa, siguro dahil sa naging reaksyon ko. Nakakagulat kasi, out of the blue magtatanong siya ng ganyan. "Langga, do you see your future with me? You know, having your own family. Being together for the rest of our lives?"? Saglit akong napaisip at inilipat ang tingin sa karagatan. Tahimik lamang ito, wala masyadong alon at hindi rin gaano kainit dahil malapit nang magdapit-hapon. Kokonti lang na din ang mga tao rito. Bahagya akong kumalas sa pagkakayakap sa gilid niya at saglit pang bumuntong-hininga bago siya muling tignan. "To tell you honestly, hindi." Pagkatapos kong sabihin 'yon agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya, hindi pa ako handang makita ang kahit anong emosyon doon. Alam kong nalilito siya. Malamang magtatanong 'yan pero inunahan ko na siya. "Before I met you, never kong nakita ang sarili ko sa future. I don't see myself in any profession nor I see myself being with someone, getting married or even have a family. Never sumagi sa isip ko ang mga bagay na 'yan. The only goal I have in my life before was to make my family proud of me and to fit in to them. But yeah, that was just before." I smiled as the thought of it. "I changed or let me say, those statements changed the day I found you. Sounds cringe but I learned to look forward for my future—our future." "Ang layo ng sagot mo sa tanong ko," natatawa niyang sabi sa akin. Sus, kinikilig lang siya. I rerouted my gaze to him and force a weak smile. "Because of you, I've learned a lot, Langga. You gave me a reason to the best the version of myself." I stopped and heave a deep sigh. "But now, now that you're in the seminary, I don't know. I don't know what to think or expect for our fufure. Honestly speaking, you're slowly fading." I don't know how to explain it. "Alam mo 'yon? Sa mga nangyayari ngayon, hindi ko na kasi alam. Isang taon ka nang nasa seminaryo. Patago tayo kung magkita, worst every sunday lang. Your mom wants you to continue to be a priest. What if you will? What will happen to me?" Natahimik siya. Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo at bago siya tuluyang umiwas ng tingin. "I know what we're doing is wrong. Alam ko namang kahit anong gawin ko, ako pa rin ang tao. Ako pa rin 'yong masasaktan nang sobra pag nagpatuloy ka sa pagkapari. Pero hindi ko kayang bumitaw kasi gusto kong ikaw ang makasama ko sa future ko." It's sunday. We're here again in our favorite spot, away from his family. "Do you want me to answer my own question?" he asked again. I answerd him with silence. I didn't uttered any words. Besides, I told him everything I feel. "Actually, we feel the same. Maraming nagbago simula nang magseminaryo ako. But, langga." He looked back at me and hold both of my hands and look straight to my eyes. As if reading and entering my soul through it. "But I'm desperate. I'm desperate to see you there in my future. I'm desperate to the point that I broke the rules just to be with you. Ikaw lang gusto kong makasama. Ikaw lang kahit mali, kahit bawal." Mali. Bawal. Nakakatawa, 'yan ang dalawang salitang makaka-describe sa kung anong mayroon kami. Maling magmahalan kami. Bawal dahil nasa seminaryo siya at malaki ang posibilidad na magpari siya. But here we are, we choose to become sinner and this only happens every sunday. "I don't see my future being with you too but I'm so desperate, Langga. Can you do me a favor? Please, be desperate to be with me too. Please don't give up until things were all settled." The long chair in this church were designed of flowers and other stuff, peach and gray color were coating the whole place. Everybody seems so happy and excited. I continued walking, forcing my smile when my gaze rerouted to him. The man I let go almost 9 years ago. The man who's now wearing a mix of white and sotana, a moreno, tall and broad man. Parang tumigil ang mundo. Lahat ng tao sa paligid ko nawala. Tila napako ang mga mata ko sa kaniya. Patuloy pa rin ang mga paa ko sa paglakad. Kung gaano kabagal ang hakbang ko, triple naman ang bilis ng t***k ng puso ko nang mapagtantong nakatingin din siya sa akin, at saka isang natural na ngiti ang naipinta sa mukha niya. Parang walang pinagbago sa kaniyang mukha. And again, a memories filled with melancholy starts to invade my heart. He is still handsome. He look so matured and respected. Lastly, he look so happy and contented. Narating namin ni King ang harap ng altar. Ilang metro lang ang layo nila sa akin. Ni hindi ko binigyan ng pansin si Pax na alam kong nakatingin at binigyan ako ng nag aalalang mukha. Kahit may kalayuan, nakipagtitigan kami sa isa't isa. Siguro nga at ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa harap kaya napansin ng ibang organizer at inalalayan akong umupo sa uupuan ko. Ni hindi ko man lang napansing pumanhik na si King sa upuan niya. At ayon nga, pumasok si Yhu sa loob ng simbahan. Suot ang isang napakagandang puting wedding gown, naglakad siya, nang dahan-dahan papunta kay Pax. Paxton's reactions is priceless. Bakas ang saganang luha sa mga mata niya habang pinapanood maglakad si Yhu. Everything feels like a disney story, having a their happy ending. In my case, not to be selfish or what but something makes me feel sad in this scene. Of course, I'm happy for my bestfriends but not for myself. The wedding ceremonial continued. Tuloy-tuloy lang habang ako, ang atensyon ko ay naubos sa kaniya. Nauubos kakatitig kay Kysler. Gusto kong pigilan, sawayin ang sarili ko pero parang isang glue ang mga mata ko, dumikit ito sa kaniya. Dala siguro ng ilang taong hindi pagkikita namin kaya ayaw maalis ng mga mata ko sa kaniya. Hindi ko alam kung pansin niya ito pero sana hindi. PATI SA VENUE kung saan pagkatapos ng kasal ay dumeritso ang lahat ay nandoon lang si King sa tabi ko. Tulad ng sinabi niya, hindi siya umalis sa tabi ko hanggang sa patapos na rin ang handaang hinanda nila para sa kasal. "King, sure ka ba? P'wede ka naman maunang umalis, mag-taxi lang ako pauwi." Kailangan lang daw ako kausapin ni Tita Amara, mama ni Yhu. "No, I insist. Isa pa, ako kasama mo kanina papunta rito saka baka mapano ka pa sa daan, mag-ga-gabi pa naman," kaswal na wika ni King. Hindi na lang din ako nagpumilit pa, hinayaan ko na lang kaysa maubos ang oras at lakas ko—namin 'di ba. Sinabihan ko siyang maghintay sa labas ng event hall at hintintay si Tita Amara roon. Inaaliw-aliw ko ang sarili gamit ang cellphone ko. Nag-aayos na rin naman kasi ang mga organizer dito sa event hall, kung saan ginanap ang wedding venue. Halos lahat ng mga bisita ay nakaalis na, ang mga kapatid at pinsan ko ay nakauwi na rin. Sila Yhuri at Paxton ay ayon, umalis para sa kanilang honeymoon. Inabot ng ilang minutong paghihintay at sa wakas ay nilapitan na rin ako ni tita Amara, kanina kasi ay may kinakausap siya kaya napilitan akong umupo rito sa isang gilid at maghintay. "Ay sorry talaga, hija, nagtatanong kasi sila kung iuuwi na lang ang mga natirang pagkain. Oh, kamusta ka pala? Nag-enjoy ka ba? Nakatapos na rin sa wakas! Ay oo nga pala! 'Yong tungkol sa sasabihin ko, si Yhuri talaga nagpasabi nito. May kakausap daw kasi sa 'yo. Teka lang, nag-text siya sa akin kanina pa na papunta na siya. Sayang nga eh, hindi siya nakaabot dito marami raw inaasikaso. Pero 'wag ka mag aalala, kilala mo naman siya..." Parang nabingi ako at hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi ni Tita Amara nang matanaw sa likod niya ang isang napakapamilyar na pigura. Naglalakad papalapit sa amin. It's him. Yhuri wants me to talk to him, huh? For what? Hays. "Hija, okay ka lang ba? Namumutla ka yata?" Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni tita pero ang mga mata ko ay napako sa lalaking papalapit sa amin. In my peripheral vision, I saw tita looked back and her gasped answered my questions. "Nandito na pala siya. Father, kakarating mo lang ba?" He smiled naturally. His eyes glued at me and smile even more. "Yes, Tita. May inayos pa kasi ako sa simbahan," pagsagot niya sa tanong ni tita pero ang mga mata niya ay nakapokus sa akin. "Ahmm... H-hi?" Nakakabinging katahimikan ang sumakop sa aming tatlo. Tila naubos lahat ng lakas ko, nakangiti pa rin siya habang ako—habang ang puso ko ay parang nagkakarerang kabayo sa bilis kung tumibok. Rinig na rinig ko ito. My heart pounding so darn fast. Ito na 'yon! Literal na makakaharap ko na siya ulit nang malapitan. Pero bakit ganito? Naninikip ang puso ko. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin. Nasu-suffocate ako. Parang walang akong masabi, tanging ang t***k ng puso ko lang ang nagsasalita nang nararamdaman ko ngayon. Wala sa sarili akong napaatras. Isa, dalawa, tatlong hakbang pa paatras. My instinct suddenly told me to run away from him. So I did. I used all of my energy to run. Run as fast as I could. Nang makalabas sa event hall, narinig ko ang mga sigaw at pagtawag ni King, tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko pinansin 'yon. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makalayo ako kay Kysler. It's been almost 9 years but why I could still feel this pain? Bakit ang sobrang sakit na makita siya ulit? I thought he's out of system but why am I reacting like this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD