—QUENXI'S POV—
"TUMIGIL KA NA SABI! WALANG PATUTUNGUHAN 'TONG RELASYON NATIN, ANO BA?! TAMA NA, AYOKO NA! LAYUAN MO AKO!" pasigaw na sabi ng babae sa nobyo nitong halos lumuhod at nagpapamakaawang 'wag lang niyang iwan.
Nandito kami ngayon sa room namin, nag-mo-movie marathon kasama ang mga kaklase ko, may 2 hours break/lunch time kasi kami kaya naisipan ng buong klase na rito tumambay. Bonding lang kumbaga. Malapit na rin kaming maghiwa-hiwalay dahil nga sa gagraduate na kami.
Kita sa TV screen kung paano nagmakaawa ang lalaki pero hindi siya nito pinakinggan. The plot of the movie runs between two girls who fell in love in one boy. Too cliche. 'Yong isa sa kanila nagpaubaya kahit siya naman talaga gusto ng bidang lalaki. Medyo martyr siya sa part na ibinigay niya sa kaibigan niya ang kasiyahang dapat sa kaniya.
Parang ako lang.
Napalingon ako kay Zy, na nasa kabilang row lang, sa right side ko nakaupo. I think she is sleeping, nakayuko kasi ang ulo niya, nakasuporta sa ilalim ang dalawang braso. Sobrang stress siya ngayon lalo na at buntis siya. Hays, ang bilis ng mga pangyayari.
Mahigit dalawang buwan na kaming hindi nagpapansinan. Iniiniwasan niya ako, tinutulak palayo. Galit na galit siya sa ginawa ko, namin ni Eoin. Akala ko okay lang sa kaniya na magkaroon kami ng relasyon ni Eoin. Akala ko magiging okay kami ni Eoin.
She really like him.
We both like one boy. Just like in the movie we're now watching. I took a deeped sigh and rerouted my gaze to Eoin who were just sitting in my left side, 2 chairs before me. I was caught off guard when I caught him intently staring at me. No emotions or expressions are written on his face. Even though he looks so dead serious with his pierce aura, he still look so cute. In a snap of finger, he smiled at me.
Mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at agad na napadapo ang kaliwang kamay sa bandang dibdib ko. Parang hinahabol ako ng aso sa bilis ng pintig nito.
Gosh, Eoin, ngumiti ka lang naman bakit ganito epekto mo? Kanina pa ba siya nakatingin? Bakit kaya? Baka hindi naman, baka sa iba lang nakatingin. Sunod-sunod ang tanong sa aking sarili, walang ano-ano ay sunod-sunod din akong umiling-iling. "I need to ignore him," I whispered to myself, enough for me to hear it. "For the sake of Zy."
What Zy did to herself was enough for me stop whatever feelings or connections I have with Eoin. She wasted her life, naging lasinggera siya ngayon nabuntis. Kung kailangang kong umiwas, iiwas na lang ako. Feeling ko pa naman kasalanan ko lahat ng mga nangyayari sa kaniya. Kung hindi lang sana ako naging selfish para mahalin din si Eoin. Hindi ko na lang sana minahal ang lalaking mahal ng kakambal ko.
Muli akong napabuntong hininga at napalingon kay Zy.
'Miss na miss na kita, kambal.'
LAKAD TAKBO ANG ginawa ko, mas binilisan ko pa lalo ang aking mga galaw para hindi niya ako maabutan. Palabas na naman ako ng building, kakatapos lang ng graduation practice namin at kinuha ko agad ang mga gamit ko sa room saka dali-daling umalis.
Ayokong makausap siya. Ayokong magkaroon ng ugnayan sa kaniya. Ayokong lumapit sa kaniya. Baka maging marupok lang ako at masaktan na naman ang kakambal ko.
Ilang hakbang na lang at tuluyan na sana akong makakalabas sa building nang may pumihit sa braso ko at kinaladkad ako papunta sa gilid ng hallway. Kokonti na lang ang mga studyanteng nandito, malamang ay nakauwi na ang iba at papauwi naman ang naririto. Nagulat ako nang mapagtatanto kung sino ang kumaladkad sa akin, walang iba kung 'di ang taong iiwasan ko lang naman sana.
"Babe, bakit mo ba ako iniiwasan?" inis na wika ni Eoin.
Hindi ko siya pinansin at akmang aalis nang bigla niyang iharang ang dalawang mahaba niyang braso.
"Walang aalis. Sagutin mo muna tanong ko, Babe? Bakit mo ako iniiwasan? I'm trying to understand your situation but please, don't do this to me. You're torturing me already."
Pain is visible in his eyes. Seems like he's been holding his tears back. I've been ignoring him for days. Right after Zy got hospitalized when she attempted to commit suicide. Ginawa ni Zy 'yon dahil sa aming dalawa ni Eoin. I tried many times to explain but she never tried to listen to me.
"Naiintindihan ko naman kung nag aalala ka sa kakambal mo. Pero babe, ikaw 'yong gusto ko, ikaw 'yong mahal ko at ikaw 'yong pinipili ko! 'Wag mo naman akong ganituhin, nasasaktan din naman ako. 'Wag mo namang ipamukha na parang wala lang ako sa 'yo."
"Sinabi ko na sa 'yo, Eoin, tapos na tayo," seryoso kong saad sa kaniya.
Hindi ko ininda ang awa at pagkasabik na yakapin siya. Halos malukot ang gwapo niyang mukha. Kahit na may pagkasingkit ang mga mata nito, makikita talaga ng bahid ng sakit sa mga ito.
"Ganoon lang 'y-yon? Tapos na? Is it still about Qianzy? I told you, I won't and never like her, babe. Don't be like this, babe. We're not breaking up—"
"Tapos. Na. Tayo. Eoin." I said, emphasizing every word.
This would be way better than seeing Zy hurting.
"B-bakit? Tangina, a-ano bang ginawa k-ko?" garalgal ang boses niya.
Mas matangkad siya sa akin, hanggang balikat niya lang ako kahit 5'3 ang height ko kaya bahagyang nakayuko siya sa akin. Malapad din ang mga balikat, sakto para matakpan ang nasa likuran niya. Kung titignan ay parang mag nobyo at nobya lang kaming naghaharutan dito sa gilid, walang pake sa kung sino ang dumaraan sa likuran ni Eoin.
"Ayoko na, Eoin. Tapusin na natin kung anong mayroon sa atin—"
"NO!"
"Eoin naman! Hindi ko na kayang makitang nasasaktan ang kakambal ko dahil sa atin. Tama na! I can't stand seeing her suffer while I'm being happy with you. She suffered enough! Eoin, I can't hurt her anymore. I m-miss h-her," I said trying to control my emotions.
"So you'll hurt yourself and me for her? Sisirain mo kasiyahan natin para lang sa kaniya?" hindi makapaniwalang tanong niya, aktong napabuga pa sa hangin.
I love Qianzy so much. Mas masasaktan ako pag nagpatuloy galit niya sa akin. Kung ito 'yong paraan para pansinin niya ako at kausapin ulit, gagawin ko.
"When you said you love me, Quenxi, did you really mean it?" Napanting ang tainga ko sa tanong niya.
His voice full of doubts, as if he was betrayed by someone. Pain and regrets were also visible on his face. Sinundan ko lang siya ng tingin nang mapahawak ito sa buhok niya at naiiritang pinaglandas ang kaniyang kamay roon.
"Everytime you said those words, Quenxi, did you really mean it? Did you really love m-me?" he stepped back and give me a disappointed look.
Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita ngayon. Ito 'yong dapat kong gawin, ang hiwalayan siya, para hindi na ako masaktan sa pakikitungo ni Zy. Para bumalik na sa dati ang lahat. Pero bakit ganito? Bakit parang dinudurog ang puso ko habang nakikita kong nasasaktan ang taong mahal ko. Naawa ako. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Naiiyak ako sa nakikita ngayon, halatang nagpipigil lang din siya ng luha at galit.
"Quenxi, sabihin mo sa akin kung minahal mo ba talaga a-ako?!" mahihimigan sa boses niya ang pagmamakaawa. "Please, babe! Tell me you really mean it. That you really loved me and you won't leave me—
"OO! MAHAL NA MAHAL KITA!" halos pasigaw kong sagot sa kaniya, na agad na kinaliwanag ng kaniyang mukha, masakit man pero kailangang mawala ng liwanag na 'yan. "PERO TAMA NA! AYOKO NA! HINDI KO KAYANG M-MAMILI SA INYO NG KAKAMBAL K-KO. HINDI KO NA KAYANG MAKITA S-SIYANG N-NAGLALASING GABI-GABI. HINDI KO NA KAYANG NAKIKITA SIYANG NASASAKTAN. HINDI KO NA KAYA ANG COLD TREATMENT NIYA, 'YONG PAKIKITUNGO NIYA NA PARANG HINDI AKO KILALA! NA PARA AKONG ISANG HANGIN NA HINDI NIYA MAKITA! TAMA NA, EOIN! AYOKO NA, ANG SAKIT NA. I LOVE MY SISTER SO MUCH. TAMA NA, PLEASE—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang isang mahigpit na yakap ang ginawad niya sa akin. Ang kaninang mga luha na gustong kumawala ay nabigyang laya na. Tuloy-tuloy ang paghagulgol ko habang siya, pilit na dinadamayan ako sa paraan nang pagkayakap sa akin. Ang bigat na nararamdaman ko ay parang sumabog na lang bigla.
Naiipit ako. Sino nga ba pipiliin ko sa kanila? Sino ba ang dapat masaktan at sumaya? Sino ba mas matimbang sa akin?
"Shhss! Mahal na mahal din kita, Quenxi. Tahan na," panunuyo nitong saad.
Hindi pa ko tumatahan, hindi pa nakaka-recover sa pag iyak nang mabilis pa sa alas-kwatro kong tinulak si Eoin. I put all my force to push him away. Magrereklamo pa sana siya pero agad akong tumakbo at hinabol si Qianzy.
I saw her standing behind Eoin's back. I'm sure she saw me and Eoin hugging. Habol hininga ko siyang sinundan. Handa na akong piliin si Zy kahit na kasiyahan ko at namin ni Eoin nakasalalay. I just hope, that things will be okay after this.
—SHUNREI'S POV—
"Kuya Shun!" bati ni Zero pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.
Tumatakbo itong lumapit sa akin saka nagpabuhat. Zero is my youngest cousin and we're quite close. Kahit hindi man halata ay mahilig ako sa bata and Zero is only 7 years old.
"Kuya, may pasalubong ba ako?" inosenteng tanong nito.
Bahagya akong umiling na kinalungkot niya. Mahina akong natawa. The truth is I have pasalubong for her and her Ate Zavy.
"Of couse, Zero. Si Kuya pa ba?" Ibinababa ko siya saka kinuha sa bag ko ang tatlong lollipop at binigay sa kaniya.
Ngumiti-ngiti ito sa akin na nagpakita ng maliit at may konting sirang ngipin niya sa bandang ibabaw.
"Nasaan naman pasalubong ni Kuya?" tanong ko sa kaniya.
Napakamot ito sa batok niya, nahihiyang tumingin sa akin. Ang cute niyang tignan.
"Wala po eh, pero sila mayroon hehe," sabi niya habang atensyon ay nasa lollipop.
"Sinong sila, baby Zero?"
"Si Tita Kaz, may pasulubong na sigawan po. Tapos sila Ate Quenxi at Qianzy rin po—"
Don't tell me, house war naman?
"Nakauwi na ba si Ate Ali, baby?" Tanging iling ang sinagot ni Zero. "How about your Ate Zaeylla and Kuya Zaux?"
"Yes but Kuya Zaux, were on his room the whole time while Ate Zaeylla is doing her assignments."
"Your Ate Zavy?" This time, she nodded. "Nasa kitchen."
Walang ano-ano ay narinig ko na nga ang tunog ng 'house war' dito sa bahay. Inihatid ko si Zero sa kwarto nila, buti at hindi na siya nagtanong pa. Quarter to 6 pm na rin naman kasi at mamaya pa ang hapunan. Alam kong alam din ni Zero ang mga nangyayari. Sa tuwing nagsisigawan dito sa bahay, ang ginagawa ni Zavy ay dinadala silang tatlo ni Zero, Zaeylla at Zaux sa kanilang kwarto, nasa hulihang parte kasi ito ng bahay kaya medyo hindi rinig ang kung ano mang sigaw na galing sa sala.
Nang masiguro kung okay na si Zero sa kwarto nila ay bumalik ako sa sala. Saglit na kumuha ng tubig at uminom pa muna bago tinungo ang kwarto nila Mama at Papa. As expected, naabutan ko sa labas nito si Zavy. Siya kasi 'tong taga-awat sa away rito.
"Oh, Shun, kanina ka pa?"
"Nope. Umalis ka na riyan, Zavy—"
"It's Zavia." Pagputol niya sa sinasabi ko.
Nginisihan ko lang siya. Eh bakit ba, gusto ko ang Zavy eh, napipikon talaga siya pag 'yon tawag ko sa kaniya.
"Bumili ako chicharon sa tindahan diyan sa kanto, yaan mo na sila, lika na," pag-aya ko rito.
Sunod-sunod pa rin sigawan nila Mama at Papa. Paulit-ulit lang naman. Kung hindi tungkol sa lalaki o babae nila, tungkol naman sa mga walang kwentang bagay.
"Sige lang, Shun. Mamaya na ako kakain, tirhan mo na lang ako. Baka kung ano naman gawin ng parents mo eh," saad niya.
"Nakikinig ba mga 'yan sa 'yo?" Natahimik siya saka umiling.
"Kita mo na, lika na sabi. Kinuha ko ang kamay niya at kinaladkad siya papapuntang kusina at kinuha ng chicharon na binili ko.
Alam kong laborito niya 'to. Siya na nagpresintang kumuha ng suka. Nagsimula na kaming kumain nang bigla siyang magsalita.
"Alam mo na, 'di ba?" kapagkuwan ay tanong niya.
Nagmamaang-maangan ko siyang tinignan saka ngumuya ng chicharon.
"I know you knew it, Shun!"
Napasinghap ako. Iba talaga 'tong si Zavy eh, magaling magbasa.
"Yeah?"
"So bakit wala kang ginagawa?" nagtatakang tanong niya.
Parang naging background music ang sigawan nila Mama at Papa. Habang kami ni Zavy ay nandito lang sa kusina, magkasama at prenting kumakain ng chicharon at hindi sila pinapansin. Mas magandang set-up 'to kaysa hawak ko ang cellphone ko maghapon.
Kibit balikat akong lumingon sa kaniya. "Matanda na sila, marunong nang magdesisyon. Matatanda na rin kaming magkakapatid. Desisyon nila 'yon, kung ano man, baka suporta na lang kaya kong ibigay."
"Naririnig mo ba sarili mo, Shun? Maghihiwalay mga magulang mo at wala kang gagawin? Hahayaan mo na lang sila? Gano'n-gano'n na lang?"
Wala rin naman kaming magagawa kung sila na mismo magdesisyon. Kung maghiwalay edi maghiwalay. Problema ba 'yon?
Sa patuloy na sigawan nila Mama, isang marahas na pagsara ng front door ang bumulabog sa buong bahay. I smirked as a little devil thought crossed my mind. Si Zavy naman ay parang pinagsukluban ng langit at lupa. Sure akong pareho kaming naiisip. And I'm sure, the real house war will begin minutes from now on.
"Seems like the Amazona is here," I murmured.